heto na heto na heto na..ahhhh..
hehe...
Sa lahat ng mga readers, likers, commentors...eto na po ang update ko.
Salamat po sa suporta niyo.
Enjoy po sa pagbasa ^__^
=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥
CASEY ALEXANDRA’S POV
“Mom? Okay lang po ba si Dad?”
“Sabi ng doctor stable na yung kalagayan niya,” naluluhang sabi ni Mommy.
“Oh God, thank you,” kinabahan talaga ako.
Andito kami ngayon sa hospital kung saan sinugod sa daddy dahil inatake sa puso.
“Ano po daw dahilan kung bakit siya inatake?”
“Sobrang stressed at anxiety daw, lately medyo matamlay nga ang daddy mo and whenever I ask him kung anong problema, sinasabi nga niyang ok lang siya” parang may idea ako kung bakit na.stress si Dad, is it about the arrangement?
“Alexa…” tinawag ako ni Dad.
“Yes Dad, okay na po ba pakiramdam niyo?” lumapit ako sa kama niya.
“Medyo okay na,”
“Bakit po ba kasi kayo nagpapastress Dad, sa edad niyo you need to relax, magbakasyon muna po kayo sa Batangas, mabuti doon makakalanghap kayo ng sariwang hangin,”
“Alexa, yun nga ang gusto kong gawin, I want to retire from my position in the company, but I can’t do it unless I will be assured,”
“Dad, kaya ko namang gampanan ang tungkulin niyo eh, I would be very much willing to take charge,”
“Pero natatakot ako Alexa, alam ko maasahan na kita pero ang ibang board members hinihintay lang nila ang pagretire ko, marami na akong naririnig na mga hindi magandang plano, natatakot ako na tatarantaduhin nila ang kompanya pag wala na ako, kaya gusto kong iwanan ang kompanya na may malakas na foundation, at yun ay sa pamamagitan ng Valderama,”
“Tungkol na naman pala sa arrangement ang pag-uusapan natin Dad, hindi ba kaypo nagsasawa? Look inatake na nga kayo dahil sa sobrang pag-iisip,”
“Alexa, para sa ikabubuti mo rin naman to,”
“Sa ikakabuti ko o ng kompanya dad?”
“Sana pag-isipan mong mabuti ito Alexa, matutunan mo rin naming mahalin si Drew, sana huwag kang maging selfish, isipin mo ang ikakabuti ng mas marami, at hangga’t hindi natutuloy ang partnership natin with the Valderama hindi ko pa kayang iwanan ang kompanya, sige na Alexa, magpapahinga na ako,”
“Okay Dad,” at lumabas na ako ng kwarto niya.
Ayokong isipin, ayokong mag-isip dahil wala akong balak sundin nalang ang gusto ni Dad, pero iba na kasi ang situation ngayon, at risk na ang health ni Dad, baka pag bibigyan ko pa siya ng disappointment aatakehen na naman siya, ayokong mangyari ulit yun,
I don’t want to give him another disappointment, pero isasakripisyo ko nalang ba ang lahat para sa for the sake of business?
Maloloka ako, ang gulo. Bakit ganito??
Bahala na…
Ilang araw nang nakalabas si Dad sa hospital pero sa mga araw na yun na lumipas, hindi niya ako pinapansin, ayaw din niya akong papasukin sa kwarto niya, lagot nagtatampo to for sure.,hmm
“Dad…”tawag ko sa kanya mula sa pinto ng kwarto niya.
Pinihit ko ang seradura, hmm bukas pala.
BINABASA MO ANG
The War Between Love and Hate (Completed)
RomanceHindi akalain ni Christian Paulo na si Casey Alexandra ang babaeng araw araw niyang iniinis at tinatawag na Monster ang mayhawak pala na malaking alas para sa career niya? At upang makuha niya ang isang mahalagang kontrata kailangan siyang maging b...