Special and Closing Chapter

1.3K 22 2
                                        

Sa giliw kong mga readers..hello po sa inyong lahat ^_^

Sa lahat ng naglike at nagbigay ng mga positive comments sa finale ng Love Story ni Alexa at Paulo...walang hanggang Thank You po para sa inyong lahat.

Sana po magustuhan niyo itong special chapter at Closing Part ng My Girlfriend is A Monster.

♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥

Special Chapter and Closing:

"Pauloooooooooo......!! Ahh..woohh!! manganganak na yata ako!! Bilisan mo," sigaw ni ALexa

"Ha? Teka lang honey...ah eh...." Hindi naman mapakali si Paulo hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Hoy! Ano ba nangyayari sa'yo asan ka ba pupunta? Kunin mo na ang gamit sa taas,bilisan mo, hahaha" natatawa nalang si Alexa sa itsura ni Paulo na paikot-ikot at hindi alam kung saan pupunta.

"Ahh oo, teka lang, hold on muna baby ha," dali daling umakyat si Paulo para kunin ang mga gamit ni Alexa. Pagkatapos niyang makuha ang mga gamit binuhat na niya si Alexa papaunta sa kotse.

"Wooh! Wohh! Bilisan mo Paulo Bilisan mo...lalabas na lalabas na talaga..ahhhhhh" sigaw ni Alexa.

"Teka lang, malapit na tayo honey...please hold on," natatarantang sagot ni Paulo.

Pagdating sa hospital agad na ipinasok sa delivery room si Alexa.

Hindi mapakali si Paulo, palakad lakad siya sa labas ng delivery room...

"Nurse pwedi ba akong pumasok, please? Gusto kong samahan ang asawa ko"

"Pasensiya na po talaga kayo sir, hindi po pwedi ang mga mister sa loob eh, wag po kayong mag-alala your wife will be okay,"

Hindi pa rin mapakali si Paulo sa labas... palakad lakad siya sa pasilyo at tumitigil para sumilip sa delivery room.

"Hey Pare, Relax lang...magiging okay si Alexa," assure ni Drew kay Paulo. Sumugod na sila agad dito sa hospital nang malaman na manganganak na si Alexa.

"Eh ganyan ka rin naman nung nanganak ako ha, hindi mapakali parang nilalanggam, mas ninerbiyos ka pa nga sa akin eh," tukso Ni Jenfaye kay Drew.

"Haha, siyempre nakakanerbiyos talaga ang first time, dagdagan na kasi natin ng isa at ipapakita ko sa'yo hindi na ako magpapanic and I can manage like a boss," pabirong sagot ni Drew.

"Heh!! Magtigil ka diyan, hindi ko pa nga nababalik ang dating sexy figure ko eh sisirain mo na naman,"

"Anong hindi nabalik eh, mas sexy ka nga ngayon...nakakalimutan ko nga pangalan ko kapag tinititigan ko ang sexy mong katawan,"

"Hahaha, panalo yan Pare, dagdagan niyo na kasi JenFaye kami nga ni Alexa pagkatapos niyang manganak dadagdagan namin kaagad para dumami...hahaha" natatawang kantiyaw naman ni Paulo.

"Tse!! Magsitigil kayong dalawa, puro kayo kalokohan"

"Mr. Andrade," tawag ng doctor kay Paulo.

"Yes Doc,"

"Congratulations it's TRIPLETS," announce ng doctor.

"PO?!!!" sabay na sagot ni Jenfaye, Drew at Paulo.

"Wakas... nagustuhan niyo ba mga apo ang kwentong My Girlfriend is ... A MONSTER?" tanong ni Lola Alexa sa mga apo niya na nakapalibot sa kaya habang binabasahan niya ng kwento.

"OPO!!" sabay-sabay na sagot ng mga bata.

"Ang ganda po ng kwento,..pero teka lang po bakit parang ang mga characters eh pamilyar,"

"OO nga po, katulad ng pangalan niyo ni Lolo," 

Ngiti lang ang naging sagot ni Lola Alexa at tiningnan niya si Lolo Paulo na nasa tabi niya.

"KISS! KISS! KISS!" sigaw ng mga anak at apo nin Lolo Paulo at Lola Alexa.

Andito sila sa Alexa's Paradise para icelebrate ang Golden Anniversary ng dalawa.

♥♥♥♥♥♥STORY CLOSED♥♥♥♥♥♥

♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥===♥♥♥

Ayun po. Sana po nagustuhan niyo.

Sa lahat ng humihirit ng sequel...wala na po hanggang dito nalang po ang story ni

Paulo, Alexa, Drew at JenFaye. (Punas luha)

Masaya po ako kasi hindi po ako nakatanggap ng any negative feedback mula sa inyo, 

nagpapasalamat din po ako kasi matagumpay ang aking kauna-unahang akda dahil 

po iyon sa pagsuporta niyo.

Sana po suportahan niyo pa rin ang susunod na isusulat ko.

Maraming salamat.

The War Between Love and Hate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon