CAYE ALEXANDRA'S POV
♪♪♪ baby you light up my world like nobody else
the way that you flipped your hair gets me overwhelmed♪♪♪
Jennefer Faith Lopez calling....
OH my!,, bakit siya tumatawag... andito na pala siya sa Philippines?
"Hello"
"Coussssssssssssiiiiiiiiiiinnnnnn," at sumigaw siya kaya inilayo ko ng konti ang cp ko. Gosh ang ingay ingay niya talaga.
"Hello pinsan, nakabalik ka na pala sa Pilipinas? How was your vacation? Ang tagal mong nawala," kinabahan ako sa pagbalik niya.
"Well, Im okay nah, ikaw ha may boyfriend ka na pala hindi mo sinabi,
tomorrow night 7pm may pawelcome party sila Daddy sa'kin be there...
isama mo boyfriend mo para makilatis ko" oh no!
Kaya pala kinabahan ako bigla, grabeh talaga ang radar niya, nalaman niya agad na may boyfriend na ako.
"Ha? paano mo naman nalaman na may boyfriend na ako?"
"Andito kaya ako sa bahay niyo ngayon, at kinwento sa akin ni Tita"
"Huh, hindi ba niya sinabi sino ang biyfriend ko?"
"Hindi eh, ayaw daw niyang pangunahan ka sa pagsasabi kung sino ang boyfriend mo"
"Ahh, ganun bah"
"Matagal ka pa bang lalabas diyan sa office mo, hindi na kita mahintay may pupuntahan pa ako eh, andito na yung mga pasalubong mo, hope you like it dear cousin, !"
"Ahm oo eh, may tinatapos pa ako dito, talaga? Thank You. Welcome back, cge Bye, mwaah"
"Okay, see yah tomorrow, bayeee"
Oh no, paano na 'to.
Ahh oo nga pala Jennefer Faith Lopez, siya yung tumawag and kapatid ng mommy niya ang daddy ko. Sa lahat ng pinsan ko, siya yung pinakaclose sa akin, we went to same school until college.
Kaya lang, after a heartbreak 3 years ago,
pumunta siya ng Paris at doon niya pinractice yung natapos niya. Interior Designing.
Ang tagal rin niyang nawala ah... 3 years.
And speaking of heartbreak, alam niyo ba kung sino ang nagwasak sa puso niya?
None other than the Freak, Christian Paulo Andrade.
Kaya kinabahan talaga ako,
ano kaya ang mararamdaman niya pag nalaman niyang c Christian Paulo ang boyfriend ko,
siyempre hindi ko naman pweding sabihin sa kanya na pretend boyfriend ko lang ang freak na yun,
Anong gagawin ko??
Bahala na si Batman... hahhaa
Tatawagan ko nlang si Freak.
Ring.ring.ring
Ang tagal sumagot ha, ay ayan na
"hello"
"Hello Paulo, ahmm bukas may pupuntahan tayong party, kailangan magkasama tayo"
"Party na naman"
"Ahh OO, party ni JenFAye"
"JenFaye?? Jennefer Faith?"
OO, siya na nga.. nalaman kasi niya mula kay mommy na may boyfriend na ako,
Natakot naman akong sabihin kung sino, gusto raw niyang makilala"
"Ahh ganun ba? okay, sasamahan kita,
siguro naman hindi na siya galit sa akin, matagal na naman yung nangyari sa amin"
"Ahm sigurado ka ba? Pwedi ko naman sabihin na hindi ki makakapunta"
"No,it's okay..pupunta ako, para malagyan na rin ng closure yung about sa amin, susunduin kita sa bahay niyo bukas"
"Ahhm okay, cge babye "
"Okay, bye"
Huhu, kinabahan talaga ako sa mangyayari. Oh well, siguro naman nala move on na ang dearest cousin ko. I lily lily hope so.
CHRISTIAN PAULO'S POV
"JenFaye is back"
Yeah JenFaye is my ex-girlfriend and cousin ni Alexa.
Siguro sa lahat ng naging girlfriend ko siya yung pinakamatagal.
I really ought to make our relationship serious.. kaya lang nalaman ko na niloko lang pala niya ako.
*FLASHBACK PLAYBACK"
Parang si JenFaye yata yun ah, wait sino yung kasama niya? Andito ako sa isang reataurant ngayon meron akong imemeet na new client.
Baka hindi siya yan, sabi niya may pupuntahan siyang kaibigan sa Cavite eh.
Matawagan nga
"Hello babe, nakarating ka na ba sa Cavite?"
"AHh...oo babe, andito na ako sa bahay ng kaibigan ko"
"Sure ka ba na nasa Cavite ka?"
"Oo naman babe, bakit ako magsisinungaling"
"Ah ganun bah, sige tatawagan nalang kita mamaya"
"Okay babe"
Hmm siya nga yan, pero bakit naman siya nagsinungaling sa akin.
Walanjo naman oh, niloloko niya bah ako.
Lalapitan ko na sana siya kaya lang narinig ko ang sinabi ng kasama niya.
"Si Paulo ba yung tumawag?"
"Ah, oo"
"Bakit kasi hindi mo pa siya ibreak, di bah ang usapan natin as soon as possible tatapusin niyo na
ang relasyon niyo."
"Ahh oo, naghahanap lang ako ng tiyempo"
"Siguraduhin mo yan, ha"
"Oo honey, don't worry, bukas na bukas din tatapusin ko na relasyon namin, ikaw ang mahal ko at
hindi siya"
WTF!! Bakit niya ginawa to??
Ang ginawa ko kinuhanan ko sila ng picture at iniMMS ko sa kanya. Pagkatapos pinatay ko ang
phone ko at pumunta na ako sa private room ng restaurant para imeet ang client ko.
*END OF FLASHBACK*
After nun, hindi ko na siya kinausap at pinakita ko sa kanya na may bagong girlfriend na ako.
Nabalitaan ko nalang na pumunta daw siya ng Paris para mag move on sa ginawa ko.
Walanjo siya pa ang mag momove on eh siya nga tong nagloko.
Buhay nga naman.
END OF CHAPTER
HOPE YOU LIKED IT.
PLEASE VOTE AND FAN ^________^
BINABASA MO ANG
The War Between Love and Hate (Completed)
RomanceHindi akalain ni Christian Paulo na si Casey Alexandra ang babaeng araw araw niyang iniinis at tinatawag na Monster ang mayhawak pala na malaking alas para sa career niya? At upang makuha niya ang isang mahalagang kontrata kailangan siyang maging b...