Chapter 24

1K 7 0
                                        

Annyeong haseyo ^__

Salamat po sa lahat ng sumusuporta at sumusubaybay ng story ko ^__^

=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥

Chapter 24

CASEY ALEXANDRA'S POV

Naisip ko ang naging pag-uusap ni Paulo.

Haizt, minahal nga ba niya ako? I doubt it, pero ako minahal ko siya and inaamin ko mahal ko pa rin siya kahit may hinanakit ako sa kanya.

But siguro kailangan ko ng magmove.on ayoko ng umasa na magiging okay pa kami. Gusto ko siyang ipaglaban gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya pero I think it would be useless, sarado na utak niya to see the truth.

But I will never agree with my father's plan.
Hinding hindi ako magpapakasal kay Drew.

Dahil ang gusto ko, kung magpapakasal man ako, dun sa taong mahal ko at sa taong gusto kong makasama habang buhay.

"Caye, pinatawag ka ni Dad. Andun siya sa study room," sabi ni kuya Xander.

"Okay kuya, salamat."

Pinuntahan ko si Daddy, I'm sure ang kasal ang pag-uusapan namin.

"Dad, pinatawag daw po ninyo ako,"

"Maupo ka Hija, may pag-uusapan tayong importante."

"Ano po yun Dad?"

"Hindi ko nagustuhan yung ginawa mo kanina sa meeting, nagwalk-out ka, pero naiintindihan naman kita, alam ko mahirap para sa'yo pero para rin naman sa future mo ang ginagawa ko,"

"Pero dad, Matanda na po ako, I don't think it would be necessary na kayo pa ang magdikta kung ano ang makakabuti sa kinabukasan ko, I really hate the idea that you are manipulating my life,"

"Alexa, para rin naman to sa ikabubuti ng company and business natin,"

"Dad, for over many years we have manage to be at our best without any partnerships or tailing with big companies, I can't see your point, I'm sorry...kung wala na tayong ibang pag-uusapan Dad I can't stay any longer," at lumabas na ako ng study room.

Paninidigan ko ang desisyon ko, hinding-hindi ako papayag na manipulahin ni Dad ang buhay ko. I am old enough to provide for myself and make decisions on my own.

"May problema ka ba Caye?"tanong ni kuya Xander nakikita niya kasi akong nagmumukmok sa poolside.

"Wala kuya,"

"Alam mo Caye, magtatampo na talaga ako sa'yo, hindi ka na nagsasabi ng mga problema mo sa akin," 

"Aseez, ang kuya ko talaga, actually kuya kung problema ang pag-uusapan natin malaki problema ko,"

"Ano ba kasi yan? C'mon spill it out"

"Kuya, may kasunduan kasi si Daddy sa mga Valderama, at ipakakasal daw kami ni Drew"

"What???! Ano namang kabaliwan naisip ni Daddy para gawin yan,huwag mong sabihing pumayag ka?"

"Alam mo naman ako kuya dibah? Hindi ako papayag na diktahan ng kahit na sino ang buhay ko, siyempre hindi ako pumayag,"

"Eh, wala naman palang problema eh, alam ko namang hindi ka matitiis ni Dad, ikaw pa eh malakas ka dun,"

"Ewan ko kuya, iba kasi to ngayon eh, parang pursigido talaga si Daddy na ipagpatuloy ang kasunduan whether I like it or not,"

"bakit hindh mo sabihin kay Daddy na may boyfriend ka na?"

"Sino namang ihaharap kong boyfriend?"

"Edi si Paulo sino pa?"

umiling ako,

"Wala na kami ni Paulo kuya,"

"Ha?bakit?"

"Mahabang storya kuya, siguro ganun talaga hindi happy ending ang story namin, nakakalungkot pero ganun naman talaga dibah? Some things are just not meant to be,"

"Wala na ba talagang pag-asa?"

"Wala na talaga kuya eh, siya na yung bumitaw and suko na rin ako,"

Bakit ganito everytime na pag-uusapan ang tungkol sa amin ni Paulo nasasaktan pa rin ako. 

Paano nga naman ako maka.move on kung siya pa rin laman ng puso ko?

"Sige kuya, matutulog na ako,"

"Hindi ka pa nagdinner ah,"

"Pakisabi na lang kay mommy na busog pa ako kuya,"

JENNEFER FAITH’S POV

“Please give me a tequila,” I said to the bartender.

“Hey Miss, are you alone?” obvious ba? Tsskk epal din tong katabi ko , hindi ko siya sinagot.

“Can I join you, I will pay for your drinks,” anong akala niya sa akin, hindi kayang magbayad ng inumin ko?hindi ko siya pinansin.

“Miss? Are you deaf? Or just playing hard to get?” yabang neto ah, 

Tumayo ako para maghanap ng lugar upang makalayo sa asungot na ‘to.

“Miss ang sungit mo naman, dito ka lang” ampooteek hinawakan niya ako sa braso ko.

“Bitawan mo siya,” huh? My knight in shining armor?

“Sino ka?” tanong ng asungot. Nilingon ko ang tagapagligtas ko, 

“Boyfriend niya, ako ang kasama niya,” ano daw?

“Ahh, ganun ba boss? Pasensiya na akala ko nag-iisa si Ms. Sungit,” at umalis na si asungot. Mabuti naman, tinawag pa talaga akong Ms. Sungit.

“Salamat Drew,” at tumalikod na ako, wala talaga akong balak makipag-usap sa kahit sinong tao ngayon.

“JenFaye, teka lang,” pinigilan niya ako.

“Bakit? Tapos na akong magpasalamat ano pa gusto mo?”

“Ahh, kasi…pwedi mo ba akong samahan? Yun lang hihingin kong kapalit,” 

“Ahh, okay. Parehas naman tayong depressed ngayon kaya sige sasamahan kita,”

“Okay, dun tayo sa table sa gilid” at pumunta na kami sa bandang medyo malayo sa mga tao.

“Paano mo nalaman na depress ako ngayon?” tanong ni Drew.

“Feel ko lang,” 

“Ang galing mo naman,”

“Seez, eh bakit ka ba kasi depressed?” tanong ko sa kanya.

“Sino ba hindi madedepress mo kung yung taong minahal mo buong buhay mo kaibigan lang turing sa’yo?”ay ang drama neto.

“Nakakadepress nga ‘yan, pero mas masakit kung ang taong minahal mo sinaktan ka na’t lahat mahal mo pa rin hanggang ngayon,”
“Aruy ko po, pareho pala tayong mga sawi sa pag-ibig,” hehe, ang cute niya pag nakasmile.

“Parang ganun na nga, pero ngayon I’m learning to move on and let him be happy with someone he loves,” hanggang ngayon hindi ko pa rin nasabi kay Paulo ang totoo.

“Ang daling sabihin ng salitang move-on pero napakahirap gawin,” tama siya, ilang years na ang lumipas hindi pa rin ako naka.get-over with my heartache kay Paulo, and worse nadamay pati si Alexa.

“Sad but true,” siguro kailangan ko na talagang magmove-on at gawin ang tama, kailangan kong ibalik ang tiwala ni Paulo kay Alexa. Aayusin ko ang gulong ginawa ko.

Nagkwentuhan lang kami ni Drew all throughout the evening, marami akong nalaman tungkol sa kanya. Ang swerte ng babaeng minamahal niya, kaya nakapagtataka naman na hindi rin siya kayang mahalin neto, he is a lovable person. Nakakatuwa nga siya eh.

“Ahh Drew sino ba tong babaeng sinasabi mo na hindi ka kayang mahalin?” na curious talaga ako.

“Si Alexa,” 

“Alexa? Pinsan ko?”

“Oo, siya nga walang iba,” ang swerte ni Alexa, parang may umahon inggit sa puso ko, bakit napakaswerte niya?

“Gusto na nga ng parents namin na ipakasal kami kaya lang ayw naman niyang pumayag, umaasa rin naman kasi ako na kapag maikasal kami matutunan rin niya akong mahalin,” 

“Ipakakasal kayong dalawa?” naguguluhan ako.

“It’s a long story, but to make it short, our parents arrange a marriage for Alexa and I to make our companies’ partnership stronger,”

“Ohh, so it’s a marriage for the sake of business, surely Alexa would never agree with that, kahit sino naman, unless kung makikinabang ka rin sa kasunduan,”

“Yeah, it is an advantage to my part,”

“But, don’t you think it’s being unfair, yes ikakasal nga kayo ni Alexa, pero magiging Masaya ka ba kahit alam mo na napilitan lang siya kaya nagpakasal siya sa’yo?”

“I became selfish because I am desperate to have her,”

“Weew, I hope you would get enlightened,”

“Sana nga,”

“Oh, it’s already past 12, pwedi na ba tayong umuwi?”

“Sure,tara hatid na kita”

“Ahhm, dala ko kotse ko, so I can manage. Thanks anyway.”

“Ahh, ganun ba… salamat din for accompanying me,”

“Don’t mention it, we both need company back there,Ciao,” at pumasok na ako sa kotse ko.

My thoughts were running about what Drew told me, na ipapakasal silang dalawa ni Alexa dahil sa business, paano kung pumayag rin si Alexa?
Paano na sila ni Paulo? 

I need to do something.

[END OF CHAPTER]

The War Between Love and Hate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon