hello readers ^__^
=================================================
Chapter 20
CASEY ALEXANDRA'S POV
"Princess gising na," naalimpungatan ako nang may may mahinang yumuyogyog sa balikat ko.Pagdilat ko mukha ni Drew ang nakita ko.
"Andito na pala tayo" nakita ko ang harap ng bahay namin nang tumingin ako sa labas.
"Actually kanina pa tayo nakarating, nag.alangan lang akong gisingin ka kasi himbing na himbing ka,"
"Ganun ba? Drew maraming salamat talaga. You understood my situation, hindi mo ako pinilit na magconfide sa'yo. I can't thank you enough. Naapreciate ko talaga ang pagsama mo sa akin,"pasalamat ko kay Drew.
I'm very grateful that he's been with me. Yes I was left by Paulo but I never felt alone because of Drew.
Tssk, it's funny How ironic life is,kung sino pa yung taong ipinagtabuyan mo palayo siya pa yung nandiyan kung kailangan mo ng makakausap at makasama, pero yung taong binigyan mo ng importansiya siya pa pala iyong mang-iiwan sa'yo.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Drew. Bumaba na rin ako sa kotse.
"Drew again thank you so much,"pasalamat ko ulit kay Drew.
"Ano ka ba princess, no need to thank me again and again, It's my pleasure to accompany you in times when you need somebody to talk to" nakangiting sabi sa akin ni Drew.
"Halika pasok ka muna,"yaya ko sa kanya.
"I would love too, but Maybe nextime na lang Princess, may pupuntahan pa kasi ako eh,"
"Ganun ba? Sige okay lang"
"Sige princess, I'll get going na"
"Okay Drew, mag-ingat ka"sumakay na siya sa kotse niya, hinintay ko munang makaalis siya saka ako pumasok sa loob.
"Oh hija,andito ka na? I thought sa nextweek pa balik mo"
"Ahhm may emergency po kasing tawag si Paulo mom eh,kaya napaaga ang uwi namin."
"Ahh,ganun ba hija, magbihis ka muna at handa na ang breakfast."
"Ahm, mom busog pa ako eh, at tsaka napagod ako sa biyahe, mamaya na lang ako kakain."
"Okay hija,magpahinga ka na muna, baba ka nalang pag magugutom ka"
"Okay mom,love you"
"Love you too baby"sweet talaga ni mommy.
Umakyat na ako sa kwarto ko.
Sinilip ko mula sa bintana ang bahay nina Paulo.
Hmm andiyan kaya siya? Pupuntahan ko kaya siya.
Nagbihis muna ako at bumaba dumerecho ako sa bahay nina Paulo.
ding dong ding dong
"Ate Alexa ikaw pala iyan,halika pasok ka muna" si Andrea ang nagbukas sa akin.
"Salamat Andrea, andito ba kuya mo?"tanong ko nang makaupo na ako sa sofa nila.
"Si kuya? Hindi pa siya nakabalik from La Union, wait! hindi ba kayo ni kuya ang magkasama?"naguguluhang tanong ni Andrea?
"Mahabang istorya, but to cut it short, nauna siyang umuwi dahil nakatanggap siya ng emergency call" kwento ko
"So you mean,iniwanan ka ni Kuya sa resort?"
"Parang ganun na nga"
"Parang imposible naman yatang iwanan ka ni kuya kahit anong emergency pa yan,nag-away ba kayo"
"To tell you honestly Andrea, hindi kami nag-away,I don't know what happened,bsta nag-iba nlang yung treatment niya sa akin and worst iniwan niya na lang ako dun"
"huh?ano kaya problema nun!"
"Ewan ko,kahit ako naguluhan talaga sa nangyari.Ah sige Andrea,salamat ha," tumayo na ako para umalis.
"Okay ate, inform nlang kita pag andito na siya baka may pinuntahan lang yun,at sana magkaayos na kayo."
"Salamat" bumalik na ako sa bahay namin.
CHRISTIAN PAULO'S POV
Andito pa rin ako sa resort,tama ang narinig nyo hindi talaga ako umalis dito. Dun lang ako nagtago sa parang underground nitong bahay. Alam kong umalis si Alexa kasama si Drew. Alam ko rin na nasaktan ko siya,pero mas masakit ang ginawa niya. Sobrang sakit.
Plano ko nga sanang magpanggap na walang alam at ipagpatuloy na lang ang relasyon namin na parang normal lang ang lahat. Ngunit hindi ko kaya, hindi ko siya kayang harapin at baka ano pa ang magawa ko sa kanya. Eventually magkikita rin naman kami pagbalik ko ng Manila. Bahala na kung ano ang mangyayari.
Pumunta ako sa dalampasigan para magpahangin, umupo ako sa buhangin at tinatanaw ang asul na dagat.
Ilang minuto lang nakita ko si Jenfaye at Ysabel na naglalakad at namumulot ng kung anu-anong mga shell. Nilapitan ko silang dalawa.
"Jenfaye,pwedi ba tayong mag-usap?"
"Sure, tungkol saan?"
"Ah sige maiwan ko muna kayong dalawa" paalam ni Ysabel.
"Tungkol sana kay Alexa"
"Bakit? Anong nangyari?"
"Alam ko na ang plano niyo,I overheard your conversation the other day,bakit niyo ginawa yun?Akala ko okay na tayo,bakit kailangan niyo pang maghigante,"sumbat ko sa kanya.
"Paulo,pasensya ka na talaga.Oo,okay na talaga tayo,si Alexa lang talaga ang nagpumilit, sinabi ko rin na wag na lang naming ituloy dahil alam ko na mahal mo talaga siya,pero hindi siya pumayag," paliwanag ni JenFaye, ang sama talaga ni Alexa. Mabuti nlang at nalaman ko habang maaga pa.
"Salamat JenFaye,wag sana niyang malaman na alam ko na ang lahat "
"Don't worry,your secret is safe with me" tumalikod na ako at bumalik sa bahay.
May plano na akong naiisip para kay Alexa.
[end of chapter]
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
The War Between Love and Hate (Completed)
RomanceHindi akalain ni Christian Paulo na si Casey Alexandra ang babaeng araw araw niyang iniinis at tinatawag na Monster ang mayhawak pala na malaking alas para sa career niya? At upang makuha niya ang isang mahalagang kontrata kailangan siyang maging b...
