Chapter 15

1.1K 6 0
                                        

Chapter 15

CASEY ALEXANDRA’S POV

 “Paulo, please let me explain”

“Ano pa ang ipapaliwanag mo? Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan niyo. Niloko mo lang ako.”

“Paulo, hindi. Oo inaamin ko,sa simula yun talaga ang plano ko. Ang paibigin at saktan ka. Pero  nagbago ang lahat. Nakalimutan ko ang plano ko, minahal kita. Maniwala ka, please.”

“Tssk, nagpapatawa ka yata. Mahal? Haha marunong ka ba nun? No, hindi mo na ako maloloko. Mabuti na lang at nalaman ko ang lahat habang maaga pa, habang hindi pa kita masyadong mahal,” I saw pain from his eyes. Umalis na siya.

“Paulo! Paulo! Please! “ tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon.

“Paulooooo! Huwag mo akong iwan!” sigaw ko sa kanya at unti-unti akong napaluhod. Puno ng luha ang mga mata ko.

Napabalikwas ako ng bangon. Naramdaman kong basa ang pisngi ko. Ang sama naman ng napaginipan ko. Hindi yun mangyayari. Siya ang iiyak at masasaktan hindi ako.

Tiningnan ko ang oras 6:30 pm, oh no!!! 7 pm ang usapan namin ni Freak. Tumakbo na ako sa banyo para maligo.

Pumasok ako sa walk in Closet ko para mamili ng damit na susuotin ko sa Date namin. Date? Yeah Friendly Date lang to.

Weeh? Friendly Date nga ba?? Bakit Parang Excited Ka?

Shattap Freak Mind! Excited ka jan. Tsssk.

Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Hmmm… excited nga ba ako? Siguro. I don’t know. Maybe because this will be my first date ever. Oo, never in my life that I experienced a date. Ngayon lang. Yeah, I know, ang boring ng life ko. Haha. Paglabas ko, tumunog ang cellphone ko.

♪♪♪ baby you light up my world like nobody else♪♪♪

…Freak Andrew Calling…

“Yes Hello?”

“Ayun sumagot rin, kanina pa ako tumatawag hindi ka sumasagot”

“Ahmm sorry ha, kasi nakatulog ako.”

“Okay lang. Ahmm Alexa, regarding dun sa date, ahhm kasi may emergency..”

“Ahh may emergency so hindi matutuloy?” hindi ko  na siya pinatapos. Dafuq!!

“Ahmm parang ganun na nga, pasensya ka na. Babawi ako sa susunod, Promise”

“Okay lang, hindi pa rin naman ako nakaprepare eh. Okay lang. No Harm Done” waaah napaka ko talaga pwedi na akong best liar ever! The Hell!!

“Sorry talaga.”

“No, it’s okay. oKay lang talaga. Yun lang ba sasabihin mo sige, bye!” binaba ko ang phone ko,kaiiiiiniiisssss.

Wait!! Bakit ba ako naiinis. Pssh!! Date lang yun. Psssh!!

 Ahhhhh!!! Naiinis talaga ako! ANg sarap manuntok ng freak!! Arghh!!!

Excited pa naman ako sa date na ‘to tapos macacancel lang pala. Dafuq!!

Arggghh!! Tinapon ko ang unan ko sa inis.!!!

 “Caye okay ka lang ba?” Sh#T! naabutan pa ako ni kuya sa ganitong situation. Arggh!! Kainis talaga yung freak na ‘yun.

“Ha? Ah eh,oo okay lang ako big bro,”

“Para ka kasing timang kanina eh, sino ba ang kaaway mo at binabato mo ang unan?” tanong niya. Lagot ang kulit pa naman ng isang to.

“Ahh wala kuya, wala lang kasing magawa kaya naglalaro kami ng unan ko,”

The War Between Love and Hate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon