My Girlfriend is ... A MONSTER
Annyeong Haseyo ^__^
Kamsahamnida (Thank YOu) po sa lahat ng bumasa sa first 12 chapters na pinost ko.
You really made me happy ^_______________^.
Sareeeh po hindi po ako nakapag update kahapon ^_^v.
Enjoy reading ♥
______________________________________________________
Chapter 13
CASEY ALEXANDRA'S POV
Napatigil kami sa pagbibiruan ng may humintong sasakyan sa harapan namin.
Bumaba mula sa sasakyan ang nakangiting si Drew. Bakit andito tong mokong na 'to?
"Hi princess, good morning," bati niya.
"Morning Drew, ang aga mo yatang nagpunta dito," ang harsh ng dating ko. Tssk.
"Ahm, napadaan lang ako, actually kasi may pinuntahan akong kaibigan few blocks from here. Since nakita kita sa labas kaya naman nagdecide ako na bumaba muna sandali. Na-miss na rin kasi kita eh," and he winked at me. Eww.
"Ahh ganun ba. Pasok muna tayo sa loob."
"Ahem!" pareho kaming nagulat dahil may biglang tumikhim. Ay andito pa nga pala si Paulo.
"Uie Pare, andito ka rin pala?"
"Oo kanina pa ako nandito, sabay kaming nagkape ni Alexa," at inakbayan niya ako.
"Alexa Hija. Pasok ka na at handa na ang breakfast," tawag ni Mommy mula sa loob.
"Ahm Paulo dito ka nalang mag-breakfast. Sabay na tayo," I must pretend to be sweet. Letsugas andito kasi ang makulit na Drew na 'to eh.
"Sure," pumayag naman agad.
"Princess, ako hindi mo ba papasukin? Sige alis na lang ako" parang nagtatampong kuting ang mukha niya," ang cute. Ang cute niyang hambalusin. Haha. Ampootek.
"Sige. Alis ka na," sabi ko. JOKE lang. Sa utak ko lang yun. Ang sarap nga sabihin talaga eh.
"Ai sorry, ikaw rin Drew pasok ka."
Pumasok na kami sa loob.
"Oh Hija, may lahing Instik yata tong mga suitors mo eh, Ang aagang bumisita," biro ni Daddy.
"Ganyan talaga ang magaganda dad, kaya masanay ka na," biro rin ni mommy.
"Dalaga na nga ang Unica Hija natin," at sabay pa talaga silang tumawa. Ang kulit rin ng parents ko.
"Ano ba kayo mom, dad nakakahiya oh."
"Oh siya, tawagin mo na nga ang kuya Xander mo at mag-aagahan na tayo."
"No need," si Kuya, bumaba mula sa langit. Siyempre Joke. Paano naman kasi ang puti ng uniform niya, nakakasilaw. Hehe
"Andito na pala si Kuya eh," sabi ko.
"Xander Pare, kumusta?" bati ni Drew.
"Okay lang Pare," sagot naman ni Kuya.
"Andito nga pala ako para pag-usapan yung outreach program na sinabi mo," sabi ni Drew kay Kuya.
"Ah oo, kasi we will be needing some supplies. Okay lang ba kung magsponsor ka kahit konti," sagot ni Kuya.
"Kuya Xander, pwedi ba mamaya niyo nlang pagusapan yan? Kumain muna tayo," singit ko.
"Okay," sabay nilang sabi.
Pumunta na kami sa Dining room at andun na sina Mommy and Daddy.
Napagitnaan ako ni Drew at ni Paulo. Aizzt! Ang awkward naman.
"Princess, wanna have some rice?" offer ni Drew
"Thanks but No thanks Drew, I don't eat rice pag breakfast, i'll just take the bread," umubo si Kuya, parang nabulunan sa sinabi ko. Actually kumakain naman talaga ako ng rice sa breakfast eh, kaya lang ayoko sa ginagawa ni Drew.
"Sweetie, here's some bread," si Paulo.
0_o Sweetie?? pwee! yayks ano ba yan,isa pa to, nakakainis ang dalawang 'to. Arghh.
"Princess want some Bacon?"
"Hon, itong tapa oh"
"Pwedi ba kayong dalawA! Umayos nga kayo. Focus on your food. Don't mind me okay, I can manage," ayun hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Tumigil naman ang dalawa sa pangungulit. Salamat Naman.
Natapos rin ang agahan ng matiwasay.
" Ahm sweet, I'll go ahead. May meeting pa nga pala ako 1 hour from now, thanks sa breakfast," paalam ni Paulo.
"Okay ingat ka"
Nagpaalam na rin siya kila Mom and Dad.
"Princess I'll go ahead rin," paalam naman ni Drew.
"Okay"
Umalis na nag silang dalawa.
Nagprepare naman ako para pumasok sa opisina.
Christian Paulo's POV
I can feel na abot tenga yung ngiti ko. Gusto niyong malaman kung bakit?
Secret.
Just kidding. Eh kasi naman galing ako sa bahay ni Monster. Imagine pinlano ko lang siyang makasabay magjogging, but ang nangyari sabay pa kaming nagkape at nag breakfast. Kung suswertehen nga naman.
Geez.. Am I hearing myself?? Para akong teenager na may crush sa kapitbahay namin. tssk.
It's really weird, but I must admit I am already feeling something for her. I think I'm beginning to like her.
Whoah! This is such a big confession.
Actually, I'm planning to court her formally. I'm afraid she might just regret it, pero as the saying goes "There's no harm in trying"
I must push my luck.
I'm planning something big this sunday ^__^
[END OF CHAPTER]
Thanks for reading.
Hope you liked it ^__^
BINABASA MO ANG
The War Between Love and Hate (Completed)
RomanceHindi akalain ni Christian Paulo na si Casey Alexandra ang babaeng araw araw niyang iniinis at tinatawag na Monster ang mayhawak pala na malaking alas para sa career niya? At upang makuha niya ang isang mahalagang kontrata kailangan siyang maging b...