Ayieeeeeeee... hello po mahal kong mga readers.
Thank you po sa postive feedback sa story ko.
Utang ko po sa inyo ang kaligayahan ko.
Echos...hehe
Eto na po, sana magustuhan niyo. xoxo ♥♥♥
=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥=♥
CASEY ALEXANDRA’S POV
This is it.
Andito ngayon ang mga Valderama sa bahay namin para pag-usapan ang kasal namin ni Drew.
Wala na talagang urungan, T__T
All throughout the conversation tango at “Okay lang” ang ginagawa ko, hindi naman siguro obvious na hindi ako interesado sa wedding plans.
Samantalang si Drew excited na excited sa kanya lahat nanggaling ang mga suggestions hindi rin obvious na handing handa sa siya sa kasal at may ginawa na siyang mga plano.
I don’t even listen to them, basta kapag tinatanong ako “Okay lang” sagot ko, bakit ko pa eenjoyin ang pagpaplano eh in the first place hindi ko gustong magpakasal sa ugok na si Drew.
Wala nang bawian, umoo na ako. T___T
Natapos ang pag-uusap na wala akong natandaan kung ano ang mga pinag-usapan nila, tssssk.
“Ate Alexa,” napukaw ang atensiyon ko sa tawag ng kasambahay.
“Hmm, bakit Mimi?”
“Ahh, andun kasi sa labas si kuya Paulo, sinabi ko na may bisita kayo pero hindi daw siya aalis,”
“Ah ganun ba sige Mimi, salamat” lumabas ako ng bahay para puntahan si Paulo.
“Paulo, anong kailangan mo?”
“Pwedi ba tayong mag-usap Alexa?”
“Hindi na ba pag-uusap ang ginagawa natin?” sarkastiko kong sabi.
“I mean yung tayong dalawa lang,”
“Huh? Tayong dalawa lang naman talaga dito,”
“Hindi ah, may distorbo,”
Lumingon ako sa likuran ko at nandun si Drew, sinundan niya pala ako.
“Ano ba pag-uusapan niyo at kailangan kayong dalawa lang?” singit ni Drew. Epalers din tong ugok na to eh,
“Wala ka ng pakialam dun,” angil naman ni Paulo kay Drew.
“Siyempre may pakialam ako kasi future wife ko ang kakausapin mo,”
“Future, ibig sabihin hindi pa kayo mag-asawa”
“Parehas na rin yun,” parang bata talaga si Drew.
“Anong parehas? Ni hindi mo nga naging girlfriend si Alexa eh, kung makaasta ka parang pag-aari mo na siya,”
“Hindi ko nga siya naging girlfriend pero magiging asawa ko naman siya, eh ikaw naging girlfriend mo nga siya pero anong ginawa mo, sinaktan mo lang siya,”
“Aba’t” akmang susuntukin ni Paulo si Drew.
“Hoy mga ugok!! Maghunos-dili nga kayo,” awat ko sa kanilang dalawa.
“Para kayong mga bata, nakoow!! Ahm Drew pwedi maiwan mo muna kami ni Paulo, please,”
“Okay Princess,”
“Ahm Alexa…I know a place kung saan makakapag-usap tayo ng maayos,”
“Saan ba yan? Sige dun tayo,”
BINABASA MO ANG
The War Between Love and Hate (Completed)
RomanceHindi akalain ni Christian Paulo na si Casey Alexandra ang babaeng araw araw niyang iniinis at tinatawag na Monster ang mayhawak pala na malaking alas para sa career niya? At upang makuha niya ang isang mahalagang kontrata kailangan siyang maging b...