Chapter 8

1.3K 17 3
                                    

CASEY ALEXANDRA'S POV

Lab Dab

Lab Dab

Lab Dab

Anong nangyari bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.

This can't be.

Ano ba tong napasok ko?

I should not feel anything for him.

Hindi pwedi.

A don't like him. Yeah! I don't like him at all.

Weeh, aminin mo na kasing may gusto ka sa kanya, ang gwapo niya di ba??

No, hindi. Tumahimik ka nga.

Ano ba 'to, para akong baliw, kinakausap ko na naman ang sarili ko.

"Shall we take our seat?" sabi ko na lang para mawala ang kaba ko.

"Okay, as you wish" sagot niya.

Ilang minuto lang pagkaupo namin may lumapit na babae.

Sexy hindi naman masyadong kagandahan.

Christian Paulo??Ikaw ba yan? Nandito ka rin? At hinalikan niya si freak.

Yuck ang bastos! Sa lips pa, hindi ba siya nahiya? Ang daming tao kaya.

"Hon, who is she?" I Interrupted.

"Ahh, ano friend ko, si Bettina."

"Friend? Really? The way she kissed you it's like she is not just your friend," God, I'm acting like a jealous wife.

"Ahh, sweet lang talaga siya kaya ganun"

"So, Ano bang pake mo kung hinalikan ko siya, sino ka ba??" mataray nitong sabi with matching raise of eyebrows.

"Well, I'm his girlfriend, and yes may pakialam ako kung may isang echoserang froglet na humahalik sa boyfriend ko," nasimulan ko na kaya wala nang atrasan to.

"Ah, ladies, will you please calm down? Look we are starting to make a scene here," awat ni Freak.

Luminga-linga ako sa paligid at tama siya may ilang tao na nga ang tumitingin sa amin.

Nahiya naman ako kaya I decided to calm down. Pero hindi pa rin tumigil ang bruha. Hindi lang pala siya echosera, eskandalosang frog rin pala siya.

"Is she telling the truth darling? Is she your girlfriend?" and she is looking at me from head to toe. Bastos talaga.

"I must admit, maganda siya. Pero wala pa rin siya sa kalingkingan ko"

"Really? Feeling mo ang ganda mo? Eh, halata namang retokada yang mukha mo. Ilan kayang kinita ni Belo sa'yo? Parang wala kasing natirang natural sa'yo kundi ang ugali mong hindi nakakain ng aso," wahaha, You want war? I'll give you war... bwahaha.. I see defeat in her eyes, talaga namang neretoke lan yung mukha niya, obvious na obvious, tapos feeling niya ang ganda na niya. Yuck.

"How dare..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi hinila na siya palayo ni Freak. Good. Haha

"Mag-usap nga tayo Bettina"sabi niya

"Hon just give me few minutes and I'll be back. I'll just fix this, okay"

"Okay hon, mabuti pa nga iligpit mo na yang kalat na yan. At sana nga mafix mo ang problema kasi, parang hopeless case na iyang pagmumukha niya eh," at nginitian ko silang dalawa. Siyempre fake smile.

Wahaha ang galing ko talaga.

Ang proud mo naman eh, kay Simsimi mo naman nakuha yung mga sinabi mo kanina.

Hindi ah.. own idea ko kaya yun.Makisama ka na nga lang magulo kong utak.

Ilang minuto lang bumalik na si Freak.

"Pasensiya ka na talaga kay Bettina ha, parang nakainom yata yun, tapos pinatulan mo pa"

"Alangan namang magpatalo ako sa kanya noh? tssk. Friend mo lang ba talaga yun? Parang hindi kasi eh, kung makahalik siya sa'yo sus,"

"Nagselos ka naman"

"Eww, bakit naman ako magseselos, asa ka pa"

"Ahhm, actually ex-girlfriend ko siya"

"What?? pumatol ka sa frog na yun, ewww"

"Bakit? Maganda naman siya at tsaka sexy, masama nga lang ang ugali, kaya nga hiniwalayan ko yun eh"

"Pssh, maganda at sexy nga FAKE naman, tsssk. At tsaka wala naman talagang babaeng tumatagal sa'yo eh. Para ka lang nagpapalit ng damit kung magpalit ka ng girlfriend. PSSh"

"Whoah! Ang bigat nga accusationa mo Madam," paawa effect yung mukha niya.

"Eww, umayos ka nga. Wag mo nang i.deny yang pagkababaero mo, and remember bawal kang makipagrelasyon sa iba for 1 month"

"Opo master! Hindi ko po nakakalimutan yun"

Tumingin ako sa wristwatch ko at nagulat akong almost midnight na pala.

"Kamahalan, kailangan na po nating umalis, maghahatinggabi na at maeexpire na ang magic ni Fairy GodMOther," biro ko sa kanya.

Grabeng tawa naman niya.

Ano ba yan ang babaw ng joke ko pero kung makatawa siya parang si Vice Ganda ang kaharap niya.

In fairness ang lalo siya gumagwapo pah tumatawa siya.

"Hoy! Eksaherado ka naman kung makatawa at tsaka almost midnight na talaga, maaga pa ako sa office tomorrow, we need to get going"

"Eh sa nakakatawa naman yung joke mo eh, kinopya mo pa sa cinderella, hahaha. Ahm sige na nga uwi na tayo."

After 48 years, nakarating na kami sa bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Ahhm sige pasok na ako, thanks for accompnying me sa party"

"Siyempre ako boyfriend mo kaya ako dapat kadate mo, ahm wala bang good night kiss?"

"Tse! Goodnight kiss ka jan.Sige na pasok na ako attsaka malayo pa ang uuwian mo"

"Pssh, damot naman. Sige na pasok na... oo nga ang layo pa nga ng sa amin. Sige Bye" and he blew me a kiss.

Tssk freak talaga. Pagkasarado ko ng pinto, narinig kong umandar ang kotse niya at narinig ko ding bumukas yung gate nila, siyempre eh sa harapa ng bahay namin lang naman yung bahay nila.

END OF CHAPTER

Hope you liked it. Please vote and fan. Thank You ^___^

The War Between Love and Hate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon