It Cuts Deep

18.8K 775 16
                                    

Chapter Seven

"GOOD morning, Sir," masiglang bati ni Gabriela sa kanyang boss nang makita itong dumating.

"Good morning. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Bagama't alam niyang walang ibang kahulugan ang kaswal na pangungumusta ng boss ay may naramdaman pa ring kilig si Gabriela sa tanong nito.

"A-ayos na po ako, Sir. Mabuti na po ang pakiramdam ko."

"Good. 'Glad to hear that."

Tumalikod na ito. 

Siya, halos tulalang nakatingin sa sumaradong pinto ng pribadong opisina ni Selig. Ang bilis-bilis ng pintig ng kanyang puso. At marahil kung may super hearing ang kanyang boss, naririnig na nito iyon.

Nangingiti-naiiling na binalikan ni Gabriela ang ginagawa.

May nakapaskil pang ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ang isang bagong dating na babae. Medyo napatulala pa siya dahil ang ganda-ganda nito. Matangkad at sexy, parang supermodel. 

"Good morning. May I help you?" magalang niyang bati sa babae na nilangkapan ng matamis na ngiti.

"Yes. Is my fiance already in?" walang kangiti-ngiting sagot ng babae.

"Fiance?"

"Mr. Selig Demetrius."

Parang biglang tinadyakan ang pakiramdam ni Gabriela. Of course, ang isang guwapo at mayamang lalaki na kaparis ng kanyang boss ay imposibleng wala pang nobya. Pero bakit parang biglang nagkabikig ang lalamunan niya?

Hindi na siya hinintay na sumagot ng babae at tumuloy na ito.

"Miss, wait," parang bigla siyang naalimpungatan. "Kailangan ko po munang ipaalam sa kanya ang pagdating niyo."

Hindi komo nobya ito ng boss niya ay awtorisado na itong tumuloy nang hindi ipinapaalam kay Mr. Demetrius.

"Really?" Sarkastikong tanong nito, bahagyang naka-arko ang isang perpektong kilay. "I'm here for a surprise visit. That won't serve it's purpose if you tell him that I'm here, don't you think?"

Ang anumang sasabihin pa sana ni Gabriela ay hindi na niya naisatinig nang dumiretso na ang babae sa pinto. At akmang pipihitin na nito ang seradura nang kusang bumukas iyon at makita niyang nakatayo roon si Selig.

"A, Sir--"

"It's okay, Miss Contreras. Gawin mo na lang ang trabaho mo," sabi nito sa kanya. At sa panauhing dumating: "Come in, Helga."

Wala sa loob na napaupo si Gabriela matapos sumara ang pinto. May kasintahan na ang kanyang boss. Parang sirang plaka iyon na paulit-ulit na nagpi-playback sa utak niya.

Ikakasal na siya kung gano'n, mapait niyang naisip. 

Hindi ito simpleng girlfriend lang. Ginamit ng babae ang term na fiance bilang pantukoy kay Selig. At nakita niya rin ang suot nitong engagement ring na malaki pa sa butil ng mais ang kumikinang na brilyante.

Parang may bumaong patalim sa puso niya. Hindi halos siya makahinga sa sobrang sakit. Wala naman siyang karapatan na masaktan nang ganoon katindi. Pero bakit ganoon na lang ang paninikip ng puso niya? Na para bang pag-aari niya si Selig at hindi ito dapat mapunta sa iba.

Napahinga nang malalim si Gabriela sabay tampal sa noo. Simpleng paghanga lamang ang nararamdaman niya sa kanyang boss. Hindi niyon dapat maapektuhan ang kanyang disposisyon. Dahil higit sa anupaman, mas mahalaga ang kanyang trabaho. Hindi niya puwedeng ipadala sa mga magulang ang lovelife. Buti sana kung katulad siya ng kanyang Ate Jasmin. Bukod sa nakapag-asawa ito ng lalaking mahal nito, bonus pa na iyon ay mayaman at mahal na mahal din ito.

Selig, the Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon