Until You

16.7K 586 29
                                    

Greetings!! Hello to Jennyrose, Luisa, Gemmalyn, Dahlia Orais Paler, Karenjoy Macalinao, Maria Shen Magno, Jem Mhica A, my_rayearth, Gethca Irinco, Marie Grace Delamarcel Veray, Catherine Devivar Tugao, Hesuka Yakanura. 

'

Chapter Thirty-One

NAMIMIGAT pa ang talukap ng mga mata ni Gabriela nang piliting imulat ang mga iyon.

"Querida..."

Isang ngiti ang unti-unting nagkahugis sa kanyang mga labi nang makita ang mukhang nakatunghay sa kanya. Inangat niya ang isang kamay upang hagurin ang mukha nito. 

"Selig." Mukhang maayos na ang hitsura nito, pansin niya.

Ginagap ni Selig ang kanyang kamay.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Maayos naman," ngayong tinanong siya nito ay saka niya lamang napansing parang may kakaiba sa kanya. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya.

Pagkatapos ng namagitan sa kanila ay inaasahan niyang may mararamdaman siyang discomfort. Pero ni munti mang kirot o hapdi ay wala siyang maramdaman sa kahit saang parte ng kanyang katawan. Sa katunayan ay parang ang sigla-sigla niya na kahit mag-jumping rope siya ng mga oras na iyon ay kayang-kaya.

Isang konklusyon ang mabilis na nabuo sa isipan ni Gabriela.

"Am I...?"

Banayad itong tumango bilang kumpirmasyon sa tanong bagaman hindi niya nagawang kumpletohin ang mga pangungusap. 

"Yes."

Matamis siyang ngumiti. Wala siyang makapang pagsisisi sa kanyang ginawa.

"Ikaw? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" aniya rito.

"Oo," yumuko ito at hinagkan ang kanyang noo. "I'm okay. And I'm glad you're okay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa'yo."

Naramdaman ni Gabriela ang tensyong nagdaan sa katawan ni Selig nang mahigpit siya nitong yakapin.

"Ikaw pa ba? May tiwala ako sa'yo. Alam kong hindi mo ako pababayaan."

"But that was too risky. Paano kung hindi ko nakayang kontrolin ang sarili ko?"

"Pero hindi iyon ang nangyari. Heto ako, yakap-yakap mo. Buhay, humihinga, panatag na pumipintig ang puso."

"Pero ito ba talaga ang buhay na gusto mo?"

"Nagawa mong burahin ang alaala ko sa loob ng dalawang taon. At sa loob ng dalawang taong iyon, I was merely existing, not living. Sa palagay mo, ganoong buhay ang gusto ko?"

Umiling lang ito at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya. Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito. She really loves his scent. At sa mga sandaling iyon, kahit siguro ihalo ito sa libo-libong tao ay makikilala niya pa rin ang amoy nito. Dahan-dahang umawang ang kanyang bibig. She stuck out her tongue and brushed it against his skin.

"I want to make love with you again," bulong niya sa kasintahan.

"I would love to. Kaya lang may mga bisita tayo."

"Bisita?" ang namimigat na talukap ng kanyang mga mata ay mabilis na napadilat.

Napaawang ang mga labi ni Gabriela kasabay ang pamimilog ng mga mata nang umikot ang kanyang tingin at makita ang mga bisitang tinutukoy ni Selig. Naroroon si Dehuene, as usual buhat nito ang alagang pusa habang hinahagod ang malambot niyong mga balahibo. Naroroon din ang mag-asawang Warrick at Jasmin na tila may pinipigilang ngiti sa mga labi. Pero ang mas ikinapamilog ng mga mata niya ay ang presensya roon ng Hari!

Selig, the Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon