Chapter Six
LAMIA Mundi.
Mula sa madilim na kasukalan ng kagubatang nakapaligid sa labas ng palasyo, isang naka-kaputsang anino ang lumabas.
"Kumusta ang buhay ng isang rogue vampire, Elizabeth?"
Naka-ismid na sumagot ang tinanong sabay baba ng hood na tumatakip sa mukha nito.
"Mabuti naman at dumating ka, Helga."
"For Uncle Amaury's sake."
Sukat biglang napahalakhak si Elizabeth sa sinabi ni Helga.
"Do you know how ridiculous you sounded just now?" punong-puno ng sinismong tanong nito. "For my husband's sake? How ironic when you're the one who betrayed him and the very reason why he got killed."
"You betrayed our king, your brother. O nakalimutan mo na ba?"
"So, you're telling me, you betrayed your own flesh and blood for the sake of King Ambrogio? Very commending, my dear; but I'm not buying it. You did what you did to save your own hide. At sa sandaling ibulong ko sa hari na sangkot ka sa nangyaring pag-aaklas ay tingnan ko lang kung papayag pa siyang maipakasal ka kay Prince Selig."
"I was under duress."
"Were you? I didn't notice," sarkastikong sabi ni Elizabeth. "But a seed of doubt is more powerful than a thousand truth, Helga."
Napakuyom ang mga palad ni Helga. Anhin na lamang ay paglahuin ang kaharap niya sa mga oras na iyon. Pero alam niyang hindi ito nag-iisa.
"What do you want?" nagtatagis ang mga ngiping tanong niya.
"Ah, that's music to my ears. Isa lang naman ang gusto ko. Ang patayin si Selig."
"Over my dead body."
"Alam kong sasabihin mo 'yan. So, here's the deal. Where is Prince Warrick?"
"He's...he's dead."
"Pinatatawa mo ba ako? A pure blood vampire prince, killed by a mere car accident?" tumawa ito ng mapakla sa sinabi niya. "Alam ko kung gaano kahalaga kay Haring Ambrogio ang kanyang mga anak. Ang pananahimik ng hari sa kabila ng nangyaring aksidente sa kanyang bunsong anak ay nangangahulugan lamang na buhay ang prinsipe. At may palagay akong alam mo ang dahilan kung bakit isinagawa nila ang munting sarsuwelang iyon. Sa kabilang banda ay wala akong pakialam anuman ang dahilan sa likod ng ginawa nilang palabas. Ang nais kong malaman ay kung nasaan ang prinsipe."
"Prince Warrick had nothing to do with Uncle Amaury's death."
"Of course, dear. He's just a means to an end."
"What do you mean?"
"Hindi ko man mapatay ang responsable sa pagkamatay ni Amaury, ibig ko namang maranasan niya kung gaano kasakit ang mawalan ng isang minamahal sa buhay."
"Then you got the wrong target."
Natigilan si Elizabeth sa kanyang sinabi.
"I'm listening," wika nito.
"P-Prince Selig is in love with a human girl."
"Sa sandaling malaman kong niloloko mo lamang ako ay tinitiyak ko sa'yong may kalalagyan ka."
"Maaari kang magpadala ng sarili mong tauhan upang magmanman. Saka mo sabihin sa akin kung niloloko lamang kita."
"Very well. Uunahin ko na muna ang isang ito. Pero pagkatapos ko sa kanya ay gusto kong malaman ang eksaktong kinaroroonan ni Prinsipe Warrick. Wala siya sa kuta ng mga lobo sa Alta Santuario at wala ring makalap na impormasyon ang mga tracker na inutusan ko para hanapin siya."
BINABASA MO ANG
Selig, the Vampire Prince
VampirPaano kung totoo ang mga bampira? At paano kung maliban sa mundong ginagalawan natin ay may iba pang mundo kung saan nag-i-exist ang mga nilalang na ito? Nagising si Gabriela na limot ang ilang bahagi sa kanyang nakaraan. Partial amnesia, iyon ang...