Dehuene's Premonition

13.9K 566 37
                                    

Chapter Nineteen

BIGLANG napabalikwas ng bangon si Dehuene. Butil-butil na pawis ang gumiti sa mukha ng magandang salamangkera. Sa isip ay malinaw pa niyang nakikita ang lahat. Isang madugong digmaan sa pagitan ng mga bampira at lobo. Kitang-kita niya ang malagim na kamatayang sinapit ni Warrick sa mismong mga kamay ni Jasmin.

Bumaba siya ng higaan at ikinumpas ang kamay sa hangin. Her cloak came out at kaagad iyong isinuot. Nang makita ni Heidi ang pagbangon niya ay nag-inat ito ng katawan at sumunod. 

"Saan tayo pupunta, Kamahalan?"

"Heidi, ilang beses ko bang kailangang ipaalala sa'yo na huwag mo akong tatawagin ng ganyan?"

"Force of habit, my lady. My apologies."

Naiiling na nagtungo si Dehuene sa sikretong lagusan patungo sa palasyo. Tanging siya lamang at si Haring Ambrogio ang nakakaalam ng daang iyon. Kaagad siyang nakarating sa palasyo.

"Dehuene."

Nakasalubong niya si Selig. Mukhang galing ito sa labas ng palasyo.

"Prince Selig. Kailangan kong makausap ang hari."

"He's in his chamber. Sasamahan na kita."

Tumango lang siya at hinayaan itong sumabay sa kanya.

"Habang pinatatagal mo ang paghihintay niya ay lalo lang siyang masasaktan," hindi niya napigilan ang sarling sabihin dito ang laman ng kanyang isipan.

"Iyon mismo ang gusto kong mangyari. Ang masaktan siya hanggang sa mamanhid ang kanyang kalooban. Because only then her mind will accept to forget everything about me."

"You are not just cold by nature, Your Highness. You are also very cruel."

"Tell me about it," puno ng sarcasm na tugon nito.

Hindi na siya nagsalita pa. Alam naman niya na hindi isang simpleng suliranin ang kinakaharap nito. Pero saka na niya ito aalalahanin. Lahat ng bagay ay may nakalaang oras at panahon. Sa ngayon ay importanteng malaman ng hari ang isang propesiya na nakatakdang bumago sa kasaysayan ng mga bampira at lobo. 

Hindi kaparis ng ibang panauhin, si Dehuene ay walang restrictions na pumasok sa private chamber ng hari.

"Kamahalan," bahagya siyang yumukod pagkakita sa hari.

"Dehuene," mabilis na naguhitan ng ngiti ang mga labi nito pagkakita sa kanya. He dismissed his personal manservant to give them some privacy.

Susunod na rin sana rito si Selig ngunit mabilis niya itong pinigilan.

Nang silang tatlo na lamang ang naroroon ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Dehuene.

"Isang madugong digmaan ang nakatakdang maganap dalawampung taon magmula sa araw na ito, Kamahalan. Magwawagi ang mga lobo at mapapasailalim sa kanilang kapangyarihan ang mga bampira."

Ikinabigla ng hari ang sinabi niya. Maging si Selig ay tila hindi makapaniwala sa narinig.

"May paraan ba upang mapigilan ito?"

"Protect your grand child. Nasa panganib ang sanggol na dinadala ni Jasmin. Siya ang susi upang ganap na mapagbuklod ang lahi ng mga bampira at lobo."

"Sanggol? Jasmin is pregnant?" maang na tanong ni Selig.

"Yes. Hindi ba nabanggit sa'yo ni Warrick?" anang hari sa panganay na anak.

Wala sa loob na umiling ang prinsipe.

"Kailangang mabalaan si Warrick," ani Haring Ambrogio.

"Kung gano'n ay babalik na ako sa mansion," mabilis na pasya ni Selig.

Selig, the Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon