A Date with the Vampire Prince

17.7K 639 46
                                    

Chapter Thirteen

KINABUKASAN. Nakakunot ang noo ni Selig habang nakatayo sa harapan ng kanyang closet. Nakaligtaan niyang tanungin si Gabriela kung ano ang proper attire na kailangan niyang isuot. Formal ba o casual?

Maghapong hindi mapalagay ang prinsipe sa loob ng mansion. Hinintay niyang bumalik si Gabriela para sana matanong ito kung may dress code ang pupuntahan nilang birthday party. Pero ni anino ng dalaga ay hindi na ulit lumitaw sa mansion. Atsaka, hindi ba dapat kapag pupunta sa isang birthday party may regalo?

Naisip niyang tawagan ito. Kaya lang naalala niya, wala nga pala siyang cellphone number nito. Sinubukan niyang tawagan si Jasmin upang tanungin ito kung ano ang numero ng pinsan. Pero hindi niya makontak ang hipag. Alas singko na ng hapon sa grandfather clock sa sala. Hindi na siya nag-isip at lumabas siya ng mansion para lumipat sa katabing bahay. Tatanungin na lang niya nang personal si Gabriela para hindi siya nanghuhula.

Kumatok siya sa front door ng bahay ng mga ito. Bagama't may access na siya upang makapasok sa loob ng bahay na iyon kahit walang pahintulot ay naghintay pa rin siyang pagbuksan ng maybahay. Wala siyang masyadong naririnig na movements mula sa loob ng bahay. Mukhang hindi rin nagluto ang mag-asawang Adolfo at Nadia. At naalala niya, araw nga pala ng Linggo. Mula nang mag-asawa si Jasmin ay naging bonding na raw ng mga magulang nito ang araw ng Linggo kung kaya't more or less ay nahulaan na niyang nasa labas ang mag-asawa.

Uulitin pa sana niya ang pagkatok nang marinig niya ang nagmamadaling kaluskos mula sa itaas ng bahay. Kasunod ng nagmamadaling yabag pababa ng hagdan ay dinig niya ang mabilis na paghinga at malakas na pintig ng puso.

Gabriela.

Sa sumunod na sandali ay biglang bumukas ang pinto.

"Pasensya na po ka--" nagulat ito nang makita siya.

Sinuyod niya ng tingin ang hitsura nito. She's wearing a facial mask habang may nakabalot na shower cap sa ulo.

Napasinghap ito sabay takip ng mukha.

"A-ano ang ginagawa mo rito?" Medyo gamol ang boses nito dahil nakatakip ang dalawang palad sa mukha. "Alas singko pa lang, ah. Seven o'clock ang sabi ko, di ba? O nagkamali ba ako ng sinabing oras sa'yo?"

Pinigilan ni Selig ang mapangiti.

"Nakaligtaan mong sabihin sa akin kung ano ang magiging proper attire."

"Ah, 'yon ba? Akala ko nagbago na ang isip mo."

Hula niya ay nakangiwi ito.

"I don't go back on my word. Sinabi ko na sa'yong sasamahan kita kaya sasamahan kita."

Tumango ito habang nakatakip pa rin ang dalawang kamay sa mukha.

"Put down your hands."

"Eeh, nakakahiya. Akala ko naman kasi sina Tita Nadia na ang dumating kaya bumaba ako kahit ganito ang hitsura ko."

"Kaya next time, sisilipin mo muna kung sino ang kumakatok bago mo pagbuksan. Nag-iisa ka pa naman."

"Opo. Pero teka, paano mong nalaman na nag-iisa lang ako? May x-ray vision ka rin ba?"

Bago sagutin iyon ay hinawalan niya ito sa magkabilang braso at dahan-dahang ibinaba ang mga kamay nito.

"None. Wala lang akong maramdamang ibang presence sa loob ng bahay maliban sa'yo."

"Wow. Paano mong nagagawa 'yon?"

Mukhang nakaligtaan na nito ang pagka-conscious sa sariling ayos. Sinupil niya ang ngiti nang mapagmasdang mabuti ang ayos nito. Nakapambahay itong bulaklaking bestida at malaking tsinelas na hula niya ay sa tiyuhing si Adolfo.

Selig, the Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon