Chapter Eighteen
Lamia Mundi.
"KAMAHALAN, may naghihintay sa inyong panauhin," anunsyo ng kapapasok lamang na si Baljit sa private chamber ni Selig.
"Wala akong panahong makipag-usap sa kahit na sino, Baljit. Ibig ko ng bumalik sa mansion."
"Ngunit mahigpit pong ibinilin ng Hari na manatili muna kayo rito sa palasyo."
Tahimik na napamura ang binata. Seryoso ang bilin ng kanyang ama na manatili muna siya pansamantala sa Lamia Mundi. Sa bawat pagkakataong nakakalimutan niya ang pagkain sa tamang oras ay mas lumalakas ang pagkauhaw niya sa dugo. Kailangan niyang muling mapanumbalik ang kontrol sa sarili bago siya muling bumalik sa mundo ng mga tao.
Gusto na niyang umuwi upang muling makasama si Gabriela. Mabagal ang takbo ng oras sa Lamia Mundi kumpara sa mundo ng mga tao. At nag-aalala siya na kapag natagalan pa siya sa palasyo ay may gawin na namang hindi maganda si Whitney kay Gabriela. Hindi niya gusto ang personalidad ng kasamahang iyon ng dalaga. Masyado itong mapaimbabaw at mapang-uri. Nababasa niya sa mga kilos nito kung gaano kalalim ang inggit nito sa kanyang girlfriend.
Girlfriend.
Wala sa loob siyang napangiti. Kaybilis ng mga pangyayari. Akala niya mabilis na ang mga kamao niya sa loob ng Ludus. May mas bibilis pa pala sa mga ito. Si Gabriela. Ni Hindi niya namalayan nang basta na lamang nitong tangayin ang kanyang puso. He wasn't even sure when it happened. Was it a year ago when she stole a kiss from him?
"Ah, Kamahalan. Sasabihin ko po ba sa panauhin niyo na bumalik na lamang sa ibang araw?"
Napabuntong-hininga si Selig saka tumayo.
"Lalabas na ako," aniya kay Baljit.
Hindi na nag-abala ang prinsipe na alamin kung sino ang panauhing naghihintay sa kanya. Mula sa private chamber ay nagtungo siya sa silid-tanggapan para sa mga bisita. Pagbungad pa lamang ng pinto ay kaagad ng nakilala ni Selig ang nakatalikod na bulto ng isang babae sa kanya.
"Helga."
"Kumusta ka na, Kamahalan?"
"Mabuti."
"You don't look well to me."
Ikinibit niya lang ang mga balikat. Wala siyang pakialam sa opinyon nito. Magpapalipas lamang siya ng ilang araw at babalik na siya sa mansion que pumayag man ang kanyang ama o hindi.
"Maaari ko bang malaman kung ano ang ipinarito mo?"
"Naparito ako upang maningil, Kamahalan."
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Selig.
"May...utang ako sa'yo?" hindi siguradong tanong niya.
"Isang taon na ang nakalilipas. Sa pagkakatanda ko ay sinabi mo sa aking singilin kita kapag buhay pa tayong nakaalis sa gitna ng pakikipaglaban kina Uncle Amaury."
BINABASA MO ANG
Selig, the Vampire Prince
VampirPaano kung totoo ang mga bampira? At paano kung maliban sa mundong ginagalawan natin ay may iba pang mundo kung saan nag-i-exist ang mga nilalang na ito? Nagising si Gabriela na limot ang ilang bahagi sa kanyang nakaraan. Partial amnesia, iyon ang...