A Sad Day

14.3K 601 23
                                    

Chapter Twenty One

"MAY mga alaalang kahit ilang ulit nating burahin ay kusang magbabalik. Lalo na kung puso ang hindi makalimot."

Napahinga nang malalim si Selig bago nag-angat ng tingin sa makakasalubong niya. Si Dehuene. He went back to Lamia Mundi to feed. Sa lahat ng makikita niya pagbabalik doon ay ito kaagad ang nabuglawan niya.

"I'm not in the mood to listen to your sermon, Dehuene."

"Ibig ko lamang ipaalala sa'yo, Kamahalan, na minsan mo lamang puwedeng pakialaman ang kanyang alaala. Sa sandaling kusang magbalik ang alaala niya ay hindi mo na ito maaaring pakialaman pa dahil puwede siyang mawala sa sariling katinuan."

"Nauunawaan ko. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin."

Saglit na waring naumid ang magandang salamangkera bago nawalan ng emosyon ang mukha at blangkong napatingin sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Saglit na waring naumid ang magandang salamangkera bago nawalan ng emosyon ang mukha at blangkong napatingin sa kanya.

"Do as you will, Your Highness," then she curtsied.

Palayo na ito nang may maalala siya.

"Dehuene."

Huminto ito ngunit hindi lumingon sa kanya.

"May alam ka bang lugar na puwedeng pagtaguan kay Jasmin upang makapagsilang siya nang ligtas?"

"I know a place. Ngunit hindi ako nakatitiyak kung magugustuhan niya ang manirahan doon."

"Where?"

"Mas mabuting ako na lamang ang nakakaalam no'n, Kamahalan. Kung talagang ibig mo ay abisuhan mo lamang ako," may inilabas itong maliit na bell. "Ring it once and I will send Heidi."

Tiningnan niya ang mukhang antigong bell. Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay naglaho na si Dehuene.

He came back at the mansion as soon as he finished feeding.

May ilang araw na ang nakalipas magmula nang ibalita niya sa mag-asawang Warrick at Jasmin ang panganib na nakaamba sa ipinagbubuntis ng hipag. Hangga't maaari ay nilimitahan na rin niya ang paglabas-labas ng mga ito. Lalo na ang pagbiyahe nang malayo dahil hindi nila alam kung sino ang may masamang intensyon na saktan ang kanyang hipag at ang batang dinadala nito. Napakaraming maaaring maging suspect. At nangunguna na roon si Elizabeth, ang half-sister ng amang si Haring Ambrogio. 

Maugong ang bali-balitang may kaugnayan ito sa mga Rogue Vampires. Hanggang sa mga sandaling iyon ay natitiyak niyang nagngingitngit pa rin ito sa ginawa niyang pagpaslang sa asawa nitong si Amaury.

Nakita niyang kapwa nakagayak ang mag-asawang Jasmin at Warrick. Mukhang may lakad ang mga ito nang madatnan niya.

"Going somewhere?"

"Plano naming dalhin si Gabriela doon sa nabili naming condo para sa kanya," tugon ni Warrick.

"Kahit kasi nakalimutan ka na niya, mukhang nahihirapan pa rin siyang kumilos nang normal," ani Jasmin. 

Selig, the Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon