Grief, Sadness, Penance

15.4K 619 36
                                    

Greetings!! Hello to all these wonderful readers^^ Dyreen Mae @ErisL22 @lyndestiny  @MaryJoyVillar0@charlescarmela @betah_maldita @xxmariconxx @PreciousGraceBejar @mirAemOoRe03 @BlueSapphire25 @Lynemor @changmalabja02 @gurlcutie @MiriamGermanIgnacio @user070439947 @cherylarguilles @LuningningMendina @JazlynOcnalb @MirachelleGala @ShyLozada @28herra @sexylass im_not_Danz @sanirose @maganda522 mheyrodriguez @MimiBigso @astigcha @MyrnaRoland @DhezzaDomingo @mharzzzky @aizavelarde @chualaw @fernnej @abante23 @queen_gorgeous22 @JonalynTampil @sailorvenus10 @MaryGracePalileo8 @clotho_nona @user85578444 @quianna28 @LottaEstrada

'

Chapter Twenty Nine

"PAKA...MAHALIN mo sana...s-siya." 

Naramdaman ni Gabriela ang pagpuslit ng mga butil ng luha sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Iyon ang mga pangungusap na binitiwan ni Helga bago ito unti-unting naabo sa paningin niya. Iniligtas siya nito sa kamatayan. Ngunit kapalit niyon ay nagbuwis ito ng sariling buhay.

Hindi siya makapaniwala na may isang katulad nito na nakahandang magsakripisyo alang-alang sa pag-ibig. Alam niyang hindi nito ginawa ang pagsasakripisyong iyon alang-alang sa kanya. Batid niyang ginawa nito iyon dahil kay Selig.

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay inihatid siya ni Selig sa bahay ng kanyang mga tiyuhin. Bagama't nasisiguro raw nitong wala ng banta sa kanyang buhay, mas mapapanatag daw ito kung meron siyang mga kasama habang wala ito upang bantayan siya.

"Babalik ka na ba ng Lamia Mundi?"

"Yes. Kailangan kong tanggapin ang parusang naghihintay sa akin."

"P-parusa? Anong klaseng parusa? At bakit?"

"Meron akong nilabag na batas. At kailangan kong pagbayaran 'yon lalo na ngayong wala na si Helga."

Nakita ni Gabriela ang lungkot na nagdaan sa mga mata ni Selig nang mabanggit nito ang pangalan ng dating kasintahan. Tumaas ang kamay niya sa mukha nito at hinaplos iyon. Hinawakan ng binata ang likod ng kanyang palad at lalong idinaiti sa mukha nito ang kanyang kamay.

"Dahil ba sa akin kaya ka mapaparusahan?"

Umiling ito. "No. It was my decision. Wala kang kinalaman doon."

Kahit pakiramdam ni Gabriela ay nagsisinungaling ito sa kanya ay hindi na lamang siya nagpumilit pang usisain ito.

 "Why don't you take a few days off? Bisitahin mo ang parents mo sa probinsya," di-kawasa'y suhestyon ni Selig.

"Matatagalan ka ba?"

"Hindi ako sigurado. Maybe a few days, weeks or months."

"Ano bang klaseng parusa ang gagawin nila sa'yo?"

Sa halip na sagutin ang tanong ay kinabig lang siya nito sa dibdib.

"Selig..."

"It's better you don't know."

"Delikado ba?"

"Ang kulit," marahan nitong pinisil ang kanyang mukha mula sa magkabila niyang pisngi hanggang sa umusli ang kanyang mga labi na parang bibe. Pagkuwa'y yumuko ito at paulit-ulit na hinalikan ang kanyang mga labi.

Nakasimangot na minasahe ni Gabriela ang magkabilang pisngi. Sa halip na mapanatag ang loob niya ay lalo lang siya nitong pinag-alala.

"Magpahinga ka muna bukas kung ayaw mong magbakasyon. Sa susunod na araw ka na pumasok."

"Wow. Ganoon ba ang advantage na maging boyfriend ang iyong boss?"

"That's not all, there are other perks as well. Like having your own assistant and bodyguard."

Selig, the Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon