Greetings!! Hello to Aiza Mallari, Karen Singuay, Mebonalyn Sayson, Mhina Cardenas, Regiflor, Yen, Ely, Jessy, Jeilleen, Jessa, Raphylyn, Lutchie, Alecza, Jemmalyn and Allen Joy Ciar. Sa mga gusto pang humabol comment lang kayo para sa susunod na chapter, oki doki??
'
Chapter Thirty
MULA sa mansion ay na-teleport si Gabriela kasama ni Baljit sa palasyo ng Demetrius Kingdom. Pinagsuot siya nito ng cloak bilang proteksyon daw. Balot na balot siya mula ulo hanggang paa. Mga mata niya lamang ang nakalitaw. She noticed the scent of the cloak. It smells like Selig. Alam niya dahil sa tuwing yayakapin siya nito ay parati niyang sinisinghot ang amoy ng balat ng nobyo.
"We need to camouflage your scent, Miss Gabriela. Kaya ang suot mo ay isa sa mga personal na gamit ng Mahal na Prinsipe," tila paliwanag ni Baljit.
"Walang kaso sa akin, Baljit," nahipo pa niya ang mala-sutlang texture ng suot na cloak.
"Ang iba kasing mga ordinaryong bampira ay hindi kayang supilin ang naturalesa sa dugo ng tao. At matalas din ang pang-amoy nila."
Tumango lang siya. Inihatid siya ni Baljit sa isang silid. Inaasahan ni Gabriela na ang makikita sa loob ng isang palasyo ay nagkikislapang crystal chandeliers, makapal na carpeting at mga sinaunang painting na nangakasabit sa mataas na dingding ng palasyo. Pero alinman sa mga iyon ay hindi niya nakita. Sa halip ay payak at parang masyadong medieval ang mga kagamitang nakikita niya. Minimal lang din ang pagkakaayos ng mga kasangkapan. No unnecessary furnitures or ornaments.
Napatingin siya sa labas ng kaharap na malaking bintanang salamin. Maliwanag pa sa labas ngunit makulimlim ang papawirin na parang padapit-hapon na ang oras.
"Gabriela."
Gulat na napalingon si Gabriela sa tumawag. "Ate Jas?"
Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Na-missed kita."
"Ako rin," maluha-luhang sagot niya.
Nalingunan niya si Warrick na karga-karga ang isang napakagandang bata. Mukha iyong kerubin na mangasul-ngasul ang bilugang mga mata.
"S-siya na ba ang baby niyo?"
"Oo, si Janis Wynter," tugon ni Jasmin.
"Ang ganda-ganda niya," nilapitan niya ito at hinaplos ang mamula-mulang pisngi. Mukha itong anghel.
"Ah, Gabriela. Huwag kang masyadong lumapit sa kanya," hinila siya ng pinsan palayo sa anak nito.
"Aba'y bakit naman? Gusto ko lang na--" napaawang ang mga labi ni Gabriela nang makita ang unti-unting pagbabago ng kulay ng mga mata ng bata. Mula sa mangasul-ngasul na mga mata ay bigla iyong naging pula!
"She's hungry," ani Warrick. "Excuse us, she needs to be fed."
"Ah," hindi maalaman ang sasabihing napatingin si Gabriela sa kanyang Ate Jasmin.
"Mahigit isang taong gulang pa lang siya. Hindi niya pa kayang kontrolin ang nature ng isang bampira."
"G-ganoon ba."
Inabot ni Jasmin ang mga kamay ni Gabriela at iginiyang paupo ang dalaga. Si Baljit ay magalang na nagpasintabi upang bigyan sila ng privacy.
"Kumusta na siya?" hindi na nagpaligoy-ligoy pang tanong ni Gabriela sa pinsan. Ang totoo ay pinipilit niya lang magpakatatag.
"His wounds were almost healed. Kaya lang, pagkatapos ng ordeal na pinagdaanan niya ay parang mas lumala pa ang pagka-uhaw niya sa dugo."
Napakagat-labi si Gabriela.
BINABASA MO ANG
Selig, the Vampire Prince
VampirePaano kung totoo ang mga bampira? At paano kung maliban sa mundong ginagalawan natin ay may iba pang mundo kung saan nag-i-exist ang mga nilalang na ito? Nagising si Gabriela na limot ang ilang bahagi sa kanyang nakaraan. Partial amnesia, iyon ang...