Epilogue
HABANG pinagmamasdan ni Rei ang pag-iisang dibdib nina Prince Selig at Gabriela ay hindi niya napigilang magbalik-tanaw sa mga huling sandali na nakasama niya si Lady Helga.
"If you will be born again, what would you want to be, Rei?"
"Naniniwala kayo sa reincarnation, My Lady?" tanong sagot ni Rei sa tanong ni Helga.
"I would like to think so. That there is life after we vanished from this world."
"If that were true, what would you want to be, My Lady?"
"I want to become his daughter."
Ang his na tinutukoy nito ay walang iba kung hindi si Prince Selig. Kasalukuyan silang patungo sa kuta ng mga Rogue Vampires upang iligtas ang babaing pinili nito over Lady Helga. Bagay na lihim niyang ikinainis sa babaing 'yon hindi pa man niya ito nakakaharap nang personal. She only saw her from a far dahil na rin sa utos ni Lady Helga na subaybayan niya ang bawat galaw nito.
"Why is that, My Lady?" out of curiosity ay naitanong ni Rei sa pinaglilingkurang Vampire Noble.
"Because only then I can have a piece of his heart..."
Malungkot na napangiti si Rei sa alaala.
May your wish comes true, My Lady.
Nang muling dumako ang tingin ni Rei sa mga ikinakasal ay nakita niyang magkalapat na ang labi ng mga ito. Kasunod niyon ay masayang nagpalakpakan ang mga guests. Hudyat na tapos na ang seremonya ng kasal.
The wedding was being held in the middle of a rainforest. At tulad ng kasal nina Prince Warrick at ng asawa nitong si Jasmin, ginanap ang kasal habang papalubog ang araw.
"Masama pa rin ba ang loob mo kay Gabriela?" naramdaman ni Rei ang pagpisil ni Harold sa kamay niyang nakasalikop sa kamay nito.
Nakangiting nilingon niya ang kasintahan.
"Bakit naman sasama ang loob ko sa taong naging daan para magkakilala tayo?"
Dalawang taon ang matuling lumipas magmula ng gabing iyon na iniligtas nila mula sa pagkakabihag ng mga Rogue Vampires si Gabriela. Iyon din ang gabing nakilala niya si Harold. Habang ginagampanan niya ang pagiging isang personal assistant ni Gabriela ay nagkalapit ang loob nila ng binata. Doon nabuo ang kanilang relasyon.
"She's a good person," anito pa sa kanya habang nakatingin sila sa pareha ng bagong kasal na ngayon ay kapwa nakangiting humarap sa mga guests.
"I know."
Ang ganda-ganda ng bride. She looks so stunning wearing a long bridal gown befitting the future queen of Lamia Mundi. Mukha ring higit na gumuwapo si Prince Selig. Sa kabila ng sakripisyong ginawa ni Lady Helga, natitiyak niyang masaya na ito saan man ito naroroon dahil kitang-kita sa mukha ng lalaking pinakamamahal nito ang labis na kaligayahan.
BINABASA MO ANG
Selig, the Vampire Prince
VampirePaano kung totoo ang mga bampira? At paano kung maliban sa mundong ginagalawan natin ay may iba pang mundo kung saan nag-i-exist ang mga nilalang na ito? Nagising si Gabriela na limot ang ilang bahagi sa kanyang nakaraan. Partial amnesia, iyon ang...