The Promise

23.5K 907 28
                                    

Chapter Three

"WHERE have you been?" bungad ni Helga pagdating ni Selig.

"Just out there...somewhere."

"Somewhere, huh? Were you seeing someone?"

"Am I?" isang malamig pa sa yelong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Selig. 

Napipilan siya. May palagay siyang aware ito na may mga matang parating nakasubaybay sa kilos nito. At iyon ay dahil sa utos niya.

"Selig, I-I was just worried so I had you followed."

"If I am seeing someone, hindi iyon dahil sa bagay na iniisip mo," wika nito na walang anumang hinubad ang suot na damit at isinalya sa hamper.

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Helga nang mahantad sa kanya ang kahubaran ni Selig. Bagama't maraming pagkakataon na niyang nakita itong walang saplot ay parang bago pa rin siya nang bago pagdating sa lalaking ito. Sa lahat ng maaari niyang ibigin hindi niya alam kung bakit dito pa tumibok ang kanyang puso. At kung dati'y mahal na niya ito, tila na-triple iyon magmula nang taglayin nito ang bloodstone. Para bang mas higit itong naging kaibig-ibig para sa kanya. Samantalang ito, kung dati'y malamig lamang sa kanya ngayon ay parang mas lumayo pa ang loob. Kahit katabi niya lamang ito ay daig pa nila ang may nakapagitang dagat sa layo nila sa isa't isa.

Nagkamali ba siya ng desisyon nang igiit dito ang pangakong binitiwan sa kanya...?

"Walang libre sa mundong ito, my Ice Prince."

"Kung gano'n ay singilin mo na lang ako kapag buhay pa tayong nakaalis dito."

"Sinabi mo 'yan, ha?"

That conversation happened more than two years ago, sa gitna ng pakikipaglaban nila sa pinagsanib na puwersa ng mga lobo at mga vampire nobles. At nang ungkatin niya rito ang kabayarang nais niya sa pagliligtas sa buhay nito, sinabi niyang ibig niya itong maging kabiyak ng kanyang puso. Inaasahan na niya ang rejection nito. Pero muntik na siyang himatayin nang walang kagatul-gatol itong umoo sa sinabi niya. Ganoon kasimple. She was engaged to Prince Selig, the future king of Lamia Mundi since Warrick refused to claim the throne once the King decided to step down. 

"Are you really going to fulfill your promise?" may bahid ng insekyuridad na tanong niya rito.

"I said, I would; therefore, I will."

Promise bound. Iyon lamang ang dahilan. Pero ano pa ba naman ang ikinasasama ng loob niya? Hindi ba't ito ang gusto niya--ang tuluyang maangkin si Selig? Regardless kung iniibig man siya nito o hindi.

"She's special, isn't she?"

Waring saglit na natigilan si Selig sa sinabi niya.

"Ganoon ba talaga siya ka-espesyal para bilhin mo ang isang naghihingalong kompanya upang hindi siya mawalan ng trabaho?"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam kong mahina ang tingin mo sa mga tao. Pero hindi siya ganoon kahina para magmukmok sa isang tabi sakali man at nagsara ang kompanyang 'yon. Meron siyang sapat na kakayahan at edukasyon upang humanap ng ibang malilipatang kompanya."

"Kung ganoon ay bakit? Salbabida lang naman ang kailangan niya, bakit kailangan mo pang lumusong sa tubig para sagipin siya?"

"Because I promised Jasmin that I will take good care of her cousin."

"I wish I could believe that."

Nakita niya nang tila magbaga ang mga mata ni Selig. Bago pa niya mahulaan kung ano ang gagawin nito, sa isang kisapmata ay nasa harapan na niya ito at mahigpit siyang kinapitan sa magkabilang punong-braso.

Selig, the Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon