Chapter 39

2.1K 28 0
                                    

Seven POV

Seven: Buti pa kayo niyo na, nakukuha niyo ang lahat ng gusto niyo.. Mainit na araw, tubig, hangin. Hayyy.. Ako kaya? Kailan ko kaya makukuha ang gusto ko?

Kausap ko ngayon ang mga halaman sa hardin. Nalulungkot na naman kasi ako. Miss ko na si Jason. Kaya lang natatakot ako, baka kasi iwasan lang niya ako dun. Lagi na kaming nag uusap ni Rico mylabs. Naamin ko na din sa kanya na crush ko siya. Sabi niya si Eight ang crush niya. Pero dun ko rin napagtanto na hindi ko pala mahal si Rico. Siguro siya ang unang nagustuhan ko. Pero feeling ko yung mahal ko si sir Jason.

Nag aral ako. Pinilit kong magmove on sa nakaraan ko. Yung mga lalaking pabalik balik dito na sabi nila boyfriend ko sila, sinabihan ko ng maayos na may kakambal ako. Na niloko lang sila ni Eight. Pero wala naman akong sama ng loob sa kanya. Sa totoo nga gusto kong ipagmalaki niya ako kasi hindi na ako masyadong bobo..

Benedicto: Anak? Bakit naman yung halaman ang kinakausap mo? Andito naman ang papa.

Seven: Hindi kasi pa.. May iniisip lang ako..

Benedicto: Ano yun anak?

Seven: Magtatanim sana ako ng venus fly trap dito.. Hehehe

Benedicto: Ikaw talaga.. Lika nga dito sa tabi ni papa..

Lumapit ako ke papa tapos umupo sa gilid niya.

Benedicto: Anak.. May minamahal ka na ba?

Seven: Meron po..

Benedicto: Sino?

Seven: Si rico mylabs..

Benedicto: Haha! Eh mahal kaba din ni Rico, anak?

Seven: Hindi po e.. Si Eight po ang crush niya papa..

Benedicto: Nalungkot ka ba ng sinabi niya yun sayo?

Seven: Hindi naman po, papa. Ayos lang naman..

Benedicto: Eh di hindi mo siya mahal anak..

Hindi ko naman talaga mahal si Rico.. Matagal ko ng napagtanto yun..

Seven: Siguro po, papa..

Benedicto: Anak.. May hihilingin sana si papa sayo..

Seven: Ano po yun, papa?

Benedicto: Gusto sana kitang ipakasal, anak. Sana pumayag ka...

Ayoko... Pano na kami ni Jason? Pano yung pagmamahal ko para sa kanya? Pano yung nangyari samen? Para ano pat nag effort ako para tumugma sa lebel niya.. Paano na?

Seven: Papa...

Benedicto: Alam kong mahal mo ang lalaking iyon, anak.. Si Jason, di ba? Pero hindi ka na niya babalikan pa, anak. Sana naman pag isipan mo tong mabuti anak. Makabubuti ito para sayo.

Yun lang at tumayo na si papa at bumalik sa loob. Nakatanaw ako sa malawak na hacienda Bernadette. Ganun pala pag parang sinampal ka na ng katotohanan na hindi na siya babalik pa. Ang sakit sakit, mas masakit kesa nung umiyak ako kanina.. Ganito na talaga siguro ang buhay ko. Kahit anong puno, kulang na kulang pa rin.

Seven: Ba't ganito? Gusto kong maging mabuting anak. Pero pano naman ang puso ko? Pano naman ang kaligayahan ko?

Nasambit ko yung sa hangin. Namalayan ko nalang na namamasa na ang mga pisngi ko. Lumuluha na pala ako. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang iniyakan ang isang lalaki. Ang lalaki na sanay bubuo ng puso ko. Tumayo ako para maglakad patungo sa kwadra.. Kinuha ko si Misty at pumunta sa lugar kung saan ko unang natikman ang halik. Pumikit ako at dinama ang pintig ng puso ko.. Masakit.... Yun ang nararamdaman ko.. Naaalala ko kung pano niya ako niyakap habang pinapatakbo ko si Misty. Yung init na hatid ng labi niya ng dumampi iyon sa labi ko.. Masakit.. Nakakapangulila..

My Tacky MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon