Chapter 42

2.2K 26 0
                                    

Jason POV

Andito kami lahat sa chapel. Hindi ko alam kung iba iba ba ang dinadasal namin o iisa lang. Ako kasi ang dinadasal ko ang dumating agad sina Mr. Marasigan. Kasama nila si Eight and then maayos din ang lahat.

Two: Sorry kanina. Salamat nga pala sa pagdala mo dito sa kapatid ko.

Three: So what was that, Jason. Si Seven ang pakakasalan mo? How did that happen?

Nagbuntong hininga ako at nagkuwento sa pinagusapan namin ni Mr. Marasigan. Pati mama nila ang mataman na nakikinig sa bawat salitang sinasabi ko. Nang matapos ko naman maisalaysay lahat.

Third: Bakit hindi mo nalang sinabi agad samin Jason? We could've brought Seven with us nung pinuntahan ka namin!

Jason: Dapat siya mismo ang kusang umalis ng hacienda, Third. Thats how it is when you spread your wings.. Sana matapos na lahat.. So that I can proceed with the wedding..

Two: She had head impact. Pano kung kinalimutan ka niya?

Bernadette: Hearts dont forget, anak.. Its just a matter of time and patience..

Ilang oras na kaming naghahantay. Wala namang sinasabi ang doctor.. Nagugutom sila kaya pinauna ko na silang kumain. Im staying behind para bantayan siya kahit dito sa labas man lang.

Iniimagine ko ang buhay naming dalawa. Masaya siya, masaya ako, at magkakaron kami ng madaming anak. I would give her a mansion. Sisiguruhin kong may garden siya. Ill buy a huge land and name it after our first kid. At dun itatayo lahat ng pangarap naming dalawa. She would have a farm, a horse. I would give everything for her. Natigil lang ako ng may tumapik sa braso ko.

Benedicto: Kamusta ang anak ko, hijo?

Ikinuwento ko sa kanila ang mga pangyayari. Andun silang lahat. Eight wasn't interested in listening pero nung umabot ako sa parteng kailangan niya ng dugo. Dun napagting ang tenga niya.

Eight: I wont give a single drop for that abnoy!

Nakakabinging sampal ang narinig naming lahat. Pulang pula ang mukha ni Eight. Ang papa niya ang sumampal sa kanya.

Benedicto: Wala kang hiya! Kung hindi dahil sayo! Normal na nabubuhay ang kapatid mo! She suffered a lot because of your doings!

Natameme si Eight. Gulat na gulat naman din ang ibang magkakapatid. Siguro hindi sila sanay na ganun ang ama nila.

Benedicto: You would have been dead a long time ago kung hindi dahil sa kakambal mo!

Eight: Edi sana namatay nalang ako! You dont fvcking care about me! Lagi nalang si Seven. Si Seven! Kakambal nga kami pero laging siya ang bida!

Isang sampal ulit ang dumapo sa pisngi niya. It was her mother.

Bernadette: Hindi ka namin pipilitin, Bernice. Im disowning you. Everything you have na pagmamay.ari ng pamilyang ito ay hindi na ngayon sayo. You can keep your selfishness and blood for yourself.

Tumalikod ang mama nila at sumunod naman ang lahat. Eight was left behind. Siguro kung hindi lang nagaagaw buhay si Seven ay maaawa ako sa kanya. Pero iba ang sitwasyon. Dali daling nagpatest ang mga bagong dating para ma.operahan na si Seven.

I feel suffocated and useless. Yung pangalan ko wala man lang kayang gawin. Mayaman kami pero hindi ganun kasikat para sana magdemand sa kahit saang ospital.

Nagmatch ang dugo si Sixth sa dugo ni Seven. Siya lang talaga ang may dugong AB+ din. Kinuhanan siya ng dugo.. Mga apat na bags ang puno. He was all dizzy pagkatapos. I thank the heavens..

My Tacky MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon