Kabanata 18 - Paglingkuran ang Prinsipe

26 2 0
                                    

****| Ikalabin-walong Kabanata - Paglingkuran ang Prinsipe |****




*******

HIYA ang bumabalot sa buong katawan ko. Kagabi pa ako kinukulit ng kahihiyan dahil sa naging asal ko kay Prince kagabi. Hindi ako karapatdapat na mag-asal ng ganun! Sino ba ako para mag-selos!? Aish! I'm not in my right mind during that time.

Maaga akong nagising dahil sa binabagabag ako ng aking isip simula pa kagabi. Hindi ako nakatulog ng maayos. Kaya imbes na guluhin ko lang ang kama ko sa kaka-gulong-gulong ay umalis na lang ako at nagtungo sa kusina upang magluto. Maaga rin naman ang pasok ko ngayong araw.

Kasalukuyan akong naghihiwa ng karne nang bigla akong napatigil dahil sa kaisipang bumuo sa isipan ko.

"Aish! Shunga ka kasi, Fritz! Bakit mo ba kasi ginawa yun!? Kasalanan mo yan! Paano mo na haharapin yung hunghang na yun!?" pagkakausap ko sa aking sarili bago bumalik sa paghihiwa ng karne.

Ilang saglit pa ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng apron na suot ko gamit ang malinis kong kamay. Tiningnan ko ang screen nito at napabuntong hininga nalang ako nang malaman ko kung sino ang tumawag.

"Geez, wala ka talagang planong tantanan ako noh? Ano naman ang makukuha nito sa pangungulit sa akin? tsk!" pagdadaldal ko habang nakatingin sa number ni Fishball na nakalagay sa screen. Hindi ko sinave ang number niya at mas lalong di ko memoryado ang number niya. Alam ko lang yung last three digits ng number niya kaya alam kong si Fishball ito. Ikaw ba naman ang paulit-ulit niyang itext at tawagan? Tingnan lang natin kung di mo pa ma-memorya ang kahit dalawang digits ng numero niya.

At bakit ba sobrang defensive ko!? Psh!

'Jusme, walang kwenta na naman siguro ang dahilan ng tawag nito.' wika ko sa aking isipan bago nilapag ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Bumalik na uli ako sa paghihiwa at hinayaang mapagod sa kakatawag yung Fishball na yun.

Natapos na lang ako sa paghihiwa ng karne ay walang humpay parin ang pag-iingay ng ringtone ko sa buong kusina. Napasinghap ako sa kasipagan ng lalaking iyon na gambalain ang araw ko. Bet niya talagang tumawag ng madaling araw noh? Kaya sa halip na ma-lowbat yung cellphone ko dahil sa kaka-attempt niya ng tawag sa akin ay sinagot ko na yung tawag ng loko.

"Hello?" bungad nito nang mapansing wala akong imik.

"Oh? Ano na naman ang trip mo? Sorry pero di mo nasira ang tulog ko, maaga akong nagising e." wika ko habang ginigisa yung mga pampalasa ng adobo na lulutuin ko.

"Hahaha! No, I didn't have a plan to disturb you while you're asleep. Hindi kasi ako nakatulog e. Nagbabakasakali lang ako na baka gising ka." aniya. Umikot ang mata ko dahil sa mga pinagsasabi nito. Edi wow, gaya-gaya rin 'tong isang ito.

"Wala akong pakialam kung di ka makatulog. Ano bang dahilan ng tawag mo?" naiinip kong tanong sa kanya.

"Wow, nagluluto ka? Kumulo tuloy tsan ko." wika nito na para bang wala akong ibinigay na tanong sa kanya. Narinig niya ata ang ingay na likha ng niluluto ko. Geez! Ang daming alam ng lalaking ito para mapahaba lang yung usapan.

"Oo, nagluluto ako. At ano naman ang pakialam ko sa pagkulo ng tsan mo? Bakit ba kasi napatawag ka?" may halong inis na sa boses ko. Inilagay ko na yung iba pang sangkap para sa adobong niluluto ko. Binalot ng nakakatakam na amoy ang buong kusina. Maging ako ay nagugutom narin. Hindi kasi ako nakakain ng maayos kagabi. Tsk! Ayaw ko nang isipin pa ang kahihiyang nangyari kahapon. Madi-disappoint lang ako sa sarili ko.

"Grabe ka naman. Ang sungit mo pala ano? Gusto ko lang makausap ka." napakamot ako ng ulo bago nag-isip ng magandang ipang-supalpal sa lalaking ito. Anong akala niya sa akin? Empleyado ng isang call center na pwede niyang tawagan kung may kailangan siya? Na pwede niyang tawagan at pagbuhusan ng pagkabagot niya!?

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon