Kabanata 11 - Heartache

51 2 0
                                    

**** | Ika-labing Isang Kabanata - Heartache | ****







"Girl? Anong magandang hairstyle bagay sakin?" tanong ni Trishie habang tinitingnan ang sarili sa hawak niyang mini salamin. Gandang ganda sa sarili ang bruha.



"Bakit? May plano ka na naman bang magpa-gupit ulit? Hindi naman halatang suki ka ng barber shop na pinupuntahan mo?" wika ko. Kumuha ako ng isang chips mula doon sa lalagyan nitong binutas pa gamit ang ballpen.



"Gaga! Madalas ako sa salon" pagmamayabang nito. Inismiran ko lang ito at bumalik nalang sa pagsasagot ng assignment ko.



"Oh? Ba't naka beauty rest yang ballpen mo? Simulan mo na kayang sagutan yang assignment natin? Nagsasayang ka lang ng oras sa kakatingin sa sarili mo eh" tiningnan niya ako ng masama bago tinabi yung hawak niyang salamin. Kinuha niya yung ballpen na kanina pa humihiyaw at nagrereklamo dahil sa matagalang pagkabagot.



"Okay po madam!" wika nito bago nagsulat ulit.



Buti hindi gaanong maraming estudyante ang tumambay dito sa mini park ng school. Dito kasi ako madalas gumagawa ng assignment ( kapag nakalimutan ko sa bahay ) at iba pang gawain kasi nakakapag-isip ako ng mabuti dito tapos may ambiance pa ng karangyaan ng Mother Earth. Marami kasing nakatanim na mga halaman tsaka nagiging favorite setting narin ito ng mga estudyante kapag may ginagawa silang video.



Dito ka rin makaka-saksi ng kajejehan ng mga ligawan. Tapos dito rin sila magbebreak-up. Perfect setting rin ito sa mga babaeng di maka-move on. Yung tipong iyak ng iyak with her friend na kulang nalang bulyawan siya ng 'Ang tanga mo kasi friend, huwag mo na kasing ipa level-up yang special talent mo!'. Tapos sisisihin na naman ni crying lady si poreber. Inaano ba sila ni poreber!? Ang dapat nilang pagbuntungan ng galit e yung taong gumamit niyan tapos hindi kayang panindigan! Anong kasalanan ng salitang iyon at wagas yung galit nila dun!?



Tapos ano ba ang ipinaglalaban ko!? Hayy nako, kung saan saan na tuloy napupunta ang isip ko. Mahilig mag adventure.



"May tubig ka?" tanong ni Trishie. Napataas ang kilay ko.



"Anong akala mo sakin? Maynilad? Taga supply ng tubig? Wala akong tubig bakla, bili ka nalang" sagot ko. Tumayo ito pagkatapos ay inayos yung mga kagamitan namin.



"Hoy!? Ba't mo nililigpit yan?" kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.



"Samahan mo ako friend, ayokong mag-isang maglakad papuntang cafeteria" napabuntong hininga ako sa kaartehan ni Trishie. Wala akong ibang choice kundi ang sumunod nalang sa bakla dahil siya na mismo ang nagdala ng bag ko.

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon