Kabanata 21 - Ang Leon

21 1 0
                                    

**** | Ika-dalawamput Dalawang Kabanata - Ang Leon |****





*******

Wala ako sa mood na kumain ng manggang pinitas ni Prince. Nasa mini park kami ng school ngayon kasama si Charlz na masyadong pa-epal. Aside sa pagiging epal niya sa amin ni Prince, 'di ko pa bet makita ang pagmumukha niya. Ni hindi ko nga in-expect na gugulohin niya ang utak ko. Ayon tuloy pumapasok talaga sa utak ko na baka isa sa kanilang dalawa ang tinutukoy ng horoscope!

Si Prince 'yung gusto ko pero imposible 'yun, e. May Grace na siyang nililigawan at halata naman na seryoso siya sa kanya kahit sobrang tapang ng ala imbornal nitong ugali.

Pero talagang bangungot kung si Charlz ang tinutukoy ng horoscope. Duh! Diring diri na ako sa kanya. Deleted na ang pangalan niya sa listahan ng mga crush ko. Sa ngayon ang nangungunang pangalan sa listahan ay pangalan ni Prince tsaka kasunod ay si Dylan Wang pagkatapos ay si Park Bo Gum and so on and so forth!

"Fritz? May problema ka ba?" nawala ang pagkatulala ko nang iwinasiwas ni Charlz ang kamay niya sa harapan ng mukha ko.

"W-Wala naman." agad kong sagot. Gusto ko sana siyang sagutin ng 'Oo, actually ikaw ang problema ko' kaso parang ang wrong naman kung sabihin ko iyon. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang nakakalokong tingin ni Prince sa amin. Na para bang may nakakadiri siyang mensahe na pinaparating.

Bwisit, pinangangatawan niya talaga na crush ko pa rin si Charlz. Ang manhid talaga ng four-eyed na ito. Hindi makadama na siya ang crush ko.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo. Kanina ka pa kasi tulala. Ilang minuto mo nang sinusubo 'yang manggang hawak mo." Napatingin ako sa kapirasong mangga na hawak ko. Langya, 'di ko nga napansin na may kinakain pa pala akong mangga. Masyado akong kinain ng isipan ko.

"Sorry, may naalala lang ako." puno ng kaplastikan kong sagot. Kukunin ko sana 'yung tubig na nasa gilid ng mesa na medyo malayo mula sa akin pero 'di ko iyon maabot. Tatayo nalang sana ako upang abutin 'yung tubig ngunit naunahan na ako nina Prince at Charlz.

Hawak nilang dalawa 'yung plastic bottle.

Ano 'to? Bromance?! So papatulan niyo na ang isa't isa?

"Ako na," ani Charlz kaso hawak pa rin ni Prince 'yung bote.

"Ako na. Magkatabi naman kami ni Fritz," wika ni Prince sabay hablot 'nung bote. Siya na mismo ang bumukas ng takip nito pagkatapos ay binigay niya sa akin. Lutang ako sa nangyari. Yari na naman ako. Inaatake na naman ako ng pagkakaroon ng assuming at advance na pag-iisip.

"S-Salamat." pagpapasalamat ko kay Prince tsaka walang sabi-sabi na uminom agad ng tubig.

"May gusto ka bang kainin?" napatingin ako kay Charlz nang magsalita siya. Tiningnan ko si Prince dahil baka si Prince ang kausap niya ngunit nakatingin lang din ito sa akin.

"Ako?" natanong ko sabay turo sa sarili ko. Nakita kong tumango si Charlz. Okay, something is wrong today. May nangyari bang masama kay Charlz? Ba't bumait ata ito? Nakakarma na kaya siya kaya gusto na nitong magbago? Sinusubokan na kaya niyang maging mabait?

"Uh, h-hindi naman ako gutom," sagot ko sa kanya.

"Fritz, pansin ko lang, may problema ka ba sa akin? Parang napapansin ko kasi na nag-iba na 'yung kilos mo pag kausap o kasama mo ako." Natahimik ako sa sinabi ni Charlz. Napansin niya pala 'yun? Anyway masasabi ko naman talaga na iba 'yung kilos ko sa kanya before kumpara ngayon. Dati kasi tanga-tangahan pa ako sa kanya pero ngayon hindi na.

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon