Kabanata 5 - Sorbetes ( Unang Parte )

155 7 0
                                    

****| Ikalimang Kabanata - Sorbetes ( Unang Parte ) |****

[ Fritz's POV ]

Lubhang gumalak ang aking buong sistema nang makita ko ang lalaking kina-aadikan ng aking puso.

"Charlz!" tawag ko uli sa kanya. Nagtaka naman ako nang lumingon lingon pa siya sa paligid. 

Gosh naman Charlz! Nandito ako sa likod! Hindi mo ba nararamdaman ang intense ng pagmamahal ko sa iyo? Kulang na nga maglalabas na ako ng ilang boltahe ng kuryente dahil sa tindi ng pagtingin ko sayo na kahit kailan ay di mo naman pina-uunlakan! Asar lang. Kahit isang baryo kaya kong bigyan ng suplay ng kuryente mapatunayan ko lang ang lalim ng pagtingin ko sayo, kumag ka!

Tatakbo na sana ako papalapit sa kanya nang mayakap ko siya mula sa likod .. joke! Nang ma kalabit ko na siya at makita na niya ng tuluyan ang kagandahan ko. 

Ayoko namang magmukhang desperada sa kanya .. hindi pa nga siya nanliligaw sakin eh, bibigyan ko na agad siya ng dahilan para ma turn off siya sakin. Syempre ayaw ko naman mangyari yun.

Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya nang bumalik sa aking isipan ang librong hawak ko. Sheez! Buti naalala ko agad ito, hindi to pwedeng makita kahit nino! Kahit na sa aking soon to be boyfriend na magiging future husband ko na rin na si Charlz. Ayokong magkaroon ng violation dito sa libro!

Agad ko namang itinago iyon sa shoulder bag na dala ko. Nang naging secure na yung lumang libro ay tumakbo na ako papunta kay Charlz na nagsisimula nang maglakad uli. Siguro iniisip niyang minamaligno siya dahil dun sa pagtawag ko.

"Charlz!" sabi ko sabay kalabit sa kanyang likuran. Humarap siya sakin at nang makita na niya ako ng mabuti ay nginitian ako. Haayy, kay sarap talagang mabuhay.

"Uyy! .. ikaw pala yan .. uuhhh, ano nga pala yung pangalan mo? Frr ..." sumikip bigla yung puso ko. Ouch ha? Hindi niya maalala yung pangalan ko? Eh ako nga alam ko yung buo niyang pangalan eh! Ni pangalan nga ng kanyang buong angkan pinag-aaralan ko! 

Well ano pa ba ang aasahan ko? Minsan nga lang kami nag-uusap eh .. at sa Facebook lang! Alam mo na, pa FC ako masyado sa kanya tuwing naka online siya. Doon lang kasi ako nagkakaroon ng pagkakataon na kausapin siya. Ayoko namang makisali pa sa mga higad na nakapaligid sa kanya anoh, mapagkamalan pa akong kasali sa kanila. Napaka conservative ko kayang babae! Hmp!

"Ah! I remember .. Fritz! Kamusta ka na? Sorry ah, ang dami ko kasing iniisip ngayon. Nakalimutan ko tuloy pangalan mo" sabi niya at binato ako ng kanyang ngiting nakakapag-tunaw sa aking inis sa kanya. Okay lang kahit nakalimutan mo yung pangalan ko panandalian, basta ba ikaw yung makakatuluyan ko sa hinaharap.

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon