Kabanata 6 - Sorbetes ( Ikalawang Parte )

145 8 3
                                    

***| Ika-anim na Kabanata - Sorbetes ( Ikalawang Parte ) |***

Napahawak naman ako sa magkabila kong pisngi, buti wala pang masyadong tao ngayon dito kundi iisipin nilang sumisinghot ako ng katol. Tama nga si Charlz, wala pang masyadong tao dito sa loob, tsaka wala parin silang waiter kaya no choice kailangan mong pumunta ng casher, ano pa bang silbi ng menu nila ngayon? Pfftt. Well buti maganda yung atmosphere ng shop nila. Buti naka-una kami, siguro mamayang hapon dudumugin na ito ng mga tao.

Napatingin naman ako sa direksyon ni Charlz malapit sa counter. Shocks naman, pati ang likod niya umaapaw rin ng kagwapuhan. Ano kaya ang pinaglihi sa kanya? Nang masubukan ko rin sa magiging anak namin in the near future. Nakss, sige Fritz .. dream pa more! Push mo pa hanggang sa malunod ka na sa kashungahang taglay mo.

Nag-iwas na ako ng tingin sa kaniyang direksyon nang makuha na ni Charlz ang tray na ibinigay ng casher na pasimple pang tsumansing sa kamay ni Charlz na kahit kailan ay di ko pa nasubukang hawakan! Argghhh! 

"Natagalan ba ako?" napatingin na ako sa aking harapan nang inilapag na ni Charlz ang tray sa table.

"Ay hindi naman. Hehehe, thank you pala sa libre ha? Kung libre nga" napatawa naman siya dahil dun sa sinabi ko. Sa pagkakaalam ko, di naman ako nag-joke.

"Hahaha, don't worry. Libre ko yan, promise" sabi niya sabay smile sakin. Paking-tape naman Charlz, pakainin mo muna ako ng icecream bago mo ako tapunan ng mga ganyang ngiti na makakapaghimatay sakin, loko ka!

"Thank you!" wika ko nang inilapit niya sakin yung kulay pink na bowl na may strawberry icecream. Ang cute .. kasi yung bowl ni Charlz kulay blue tsaka yung akin pink. Pati yung bowl nahawaan na tuloy sa pagiging soul-mate namin.

"So kumusta yung pagiging president ng school?" tanong ko upang basagin yung pananahimik ng paligid.

"Okay lang naman, nakakapagod but worth it naman kapag nakikita kong walang gulo na nagaganap sa school" sabi niya tsaka sinubo yung icecream.

"Ahh .. okay, oo nga naman. Well good job, ang galing mong president" sabi ko at ngumiti sa kanya. Dagdag ganda points rin yung pagbibigay ng compliment sa kanya. Ruuwww.

"Thanks!" sa di inaasahang pagkakataon ay dinalaw ako ng call of nature. Kainis! Na-iihi ako!

"Ahh Charlz, cr muna ako ah? Babalik rin ako" wika ko at pumunta na papuntang cr.

Nang matapos ko nang gawin ang ritwal ko ay humarap muna ako ng salamin para buhayin ang ganda ko. Nakakahiya naman kung magmumukha akong batang gusgusin sa harap niya noh.

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon