Kabanata 23 - Ang Muling Pagkikita

13 1 0
                                    

****| Ika Labintatlong Kabanata - Ang Muling Pagkikita |****






Hindi ko na tinawag si Charlz. Mas pinili kong tumalikod at pumunta sa aming silid-aralan. Sakto naman ang pagdating ng guro namin sa first subject kaya nagsibalikan na agad ang mga kaklase ko kanilang upuan.

"Hoy? Saan ka galing? Mukha kang biglang na possessed kanina," wika ni Trishie habang naghahanap ng kung ano sa loob ng bag niya.

"W-wala, may nakalimutan lang ako," sagot ko bago tinuon ang paningin sa guro namin na nagbibigay ng instruction sa gagawin naming activity ngayong umaga.

"Hindi mo ba kakainin 'yan?" Napalingon ako kay Trishie at nakita kong nginusuhan niya ang ice cream na nasa ibabaw ng aking desk.

"Ah, sa iyo nalang 'yan." Binigay ko nalang sa kanya 'yung ice cream. Lumapad ang ngiti ni Trishie at agad na binuksan 'yung plastic ng ice cream atsaka sinunggaban.

Ewan. Nagpapaka-choosy ata ako. Kung si Charlz nga iyong nagbigay ng ice cream sa akin, parang hindi ko na feels. Alam niyo yun? 'Yung feels na kilig chuchu? Kung ibang babae pa sana siguro kikiligin na kahit nag-a-assume pa lang. Kung noon palang ito nangyari, malamang naglumpisay na ako sa tuwa. Siguro nagpasalamat na ako sa lahat nang Santo kung noon pa ito nangyari. Pero iba na ngayon. Iba na ang tinitibok ng puso kong tanga-tangahan dahil sa lahat nang pwede ibigin, 'yon pang lalake na may iba nang iniibig.

Ang tanga mo talaga, Fritz, noh? Parangalan ko na kaya sarili ko? Tsk!

"Hoy? Earth to Fritz!" Nakaawang ang bibig ko na naglipat ng tingin kay Trishie. Hinawakan niya ang baba ko tsaka sinara ang bunganga ko.

"Okay ka lang? Alam mo sa tingin ko merong nangyari sa iyo sa labas." Nakataas pa ang kilay niya na nakatingin sa akin. Naghihinala na ata ito sa mga kilos ko. Aish! Ewan ba. Kahit pinipilit ko ang sarili ko na kalimutan nalang ang nangyari, binubulabog talaga ako ng katanungang 'Si Charlz ba talaga ang may bigay non o iba?'.

"Masama lang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko. May pa hawak pa ako ng tsan upang hindi na niya ako kulitin pa.

Nawala ang acting ko nang makita kong umilaw ang screen ng cellphone ko at lumitaw doon ang unregistered number. At isang tingin pa lang ay agad ko nang napag-sino.

Fishball. Isa pa 'tong kumag na ito e.

At talagang napili niya pang tumawag na para bang close friends kami. Humanda sa akin ang kumag na ito.

"Oh ano?" wika ko. Kunot pa ang noo ko niyan. Nakita kong sinusulyapan ako ni Trishie kaya humarap nalang ako sa kabilang side kung saan hindi makita ni Trishie ang pagmumukha ko.

"Grabe ka naman. Umagang-umaga badtrip ka na agad?" anito. Tumahimik lang ako at hinintay siyang magsalita.

"Kumusta?" tanong nito.

"Sino ka ba talaga?" seryoso kong tanong sa kanya. Ilang saglit siyang natahimik.

"Secret na muna. Ba't ba excited ka nang makilala ako?"

"Pag gusto bang malaman kung sino ka excited na agad? Hunghang ka ba?" pagsusungit ko.

"May problema ka ba? Mukhang ang sama ng timpla mo ngayon ah," aniya. Napabuntong hininga ako bago tumayo at humarap sa bintana. Sumandal ako sa gilid ng bintana at tiningnan ang buong parking lot na katapat ng bintanang nasa harapan ko.

"Hoy. May tanong ako," wika ko. Ewan ko lang kung anong sipa ng katapangan ang meron sa akin ngayon at na-dare kong simulan ang usapan namin ngayon. At hindi lang simpleng usapan ang sisimulan ko. Usapan tungkol sa nararamdaman ko na talagang binagyo ang buo kong pagkatao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon