Kabanata 22 - Akala

5 2 0
                                    

*** Ika Labin-dalawang Kabanata ***









"Ow, confession ba 'yon?" ani Grace. Hindi naalis ang paningin ko kay Charlz na ganon din naman sa akin. Nawala ata ang kakayahan kong mag-isip. Tila ba ay binagyo ang isip ko. Nagkagulo-gulo ang isipan ko at di ko na alam ko ano ang tamang sabihin. Si Charlz kasi mukhang hindi makapaniwala sa narinig niya na galing mismo sa bibig ko.


"Uh, I mean ... gusto kita as a friend." kabado kong paliwanag. Napakurap si Charlz tsaka tumango-tango.


"As a friend? Are you sure, Fritz? Hindi ba't iba yung pinag-uusapan natin bago mo sinabi sa akin na gusto mo si Charlz? Gusto mo ipaalala ko sa iy---" hindi natapos sa pagsasalita si Grace dahil pinutol ito ni Charlz. Napatingin ako kay Charlz. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang kabado kong ekspresyon.


"Stop it, Grace. You are making her embarrassed," sabi ni Charlz bago tinuon ang kanyang paningin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos ay hinila ako paalis.


Nakatingin lamang ako sa likod niya habang hila-hila niya ako. Napunta kami sa likuran ng gymnasium. Doon na niya inalis ang pagkakahawak sa akin. Naiilang pa ako habang nagnanakaw ng tingin sa kanya. Nasulyapan ko ang pagkamot niya sa batok niya habang nakatingin sa malayo.


"Sorry sa kung ano ang ginawa ni Grace sa iyo." hindi ko na iwasang tingnan siya. Nakatingin lang siya sa malayo. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kanya. Sa mismong bibig ko kasi galing kaya baka papaniwalaan niya talaga 'yon!


Jusko naman! Si Grace talaga ang may dahilan ng lahat! Asar!


Lilinawin ko nalang sana 'yong nangyari ngunit biglang nagsalita si Charlz, "Hatid na kita? Dala ko kotse ko." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad kong iwinasiwas ang mga kamay upang ayawan siya.


"Ay nako huwag mo nang abalahin pa ang sarili mo. Kaya ko naman umuwi nang mag-isa," wika ko tsaka pilit na ngiti ang pinakita. Tumango naman siya tsaka nginitian din ako.


"Sige, mauna na ako." pagpapaalam niya pagkatapos ay nakapamulsang umalis. Doon lang ako nakahinga nang maayos. Napahawak pa ako sa ulo ko habang nakatingin sa likod niyang papalayo. Sumakit ang ulo ko sa nangyari.


Tanga ka talaga, Fritz! Hindi mo pa nasabi sa kanya na hindi totoo 'yong sinabi mo kanina kay Grace! P-pero ... ano naman ang idadahilan ko sa kanya kung bakit ko nasabi 'yon? Hindi ko pwedeng sabihin na si Prince talaga ang gusto ko dahil hindi malabong magkakaroon ng WW3 sa oras na lumandas iyon sa radar ni Grace.


Argh! Ano bang dapat gawin?!


-----


Puro kahihiyan ang nasa utak ko habang nasa loob ng jeep. Hindi ko talaga ma-imagine kung paano ko haharapin si Charlz kung sakaling magkita ulit kami. Hindi ko rin alam kung paano ko siya kakausapin na hindi niya mabibigyan ng meaning ang mga kilos ko. Likas na naman talaga akong mahiyain lalo na sa mga taong hindi ako komportable.


Nawala ang pag-iisip ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko hudyat na may nag text. Kinuha ko iyon sa loob ng bag at tiningnan kung sino ang nag-text.


Badtrip. Si Fishball na naman.


-----

May crush ka na pala?

-----


Halos lumuwa ang mga mata nang mabasa ko ang text ng bruho. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa text niya. Teka lang ... dapat talaga akong kabahan sa text niya dahil paano niya nalaman ang nangyari kanina?! Narinig niya ba ang usapan namin kanina? Nandoon ba siya sa lugar kung saan naroon kami?


Aish! Sino ka ba talaga?


Ni-reply-an ko siya.


-----

Huh? Nung pinagsasabi mo? Baliw.

-----


Matapos kong ma send iyon ay hindi nagtagal nag-reply agad ang loko.


-----

Nalungkot ako sa nalaman ko. Pero kahit ganon, crush pa rin kita.

-----


Nakaramdam ako ng pag-init sa mukha. Talapindas talaga ang baliw na ito. E kung batuhin ko kaya siya ng sang katerbang fishball nang matigil na siya sa kalokohang pinanggagawa niya sa akin?! Kala niya mabobola niya ako sa mga wording niyang ganyan? Huh! Asa naman siya.


-----

Patawa ka.

-----


Yun lang ang naisipan ko i-reply. Binalik ko nalang sa loob ng bag yung cellphone at tinuon nalang ang paningin sa labas ng jeep. Langya sobrang traffic. Kailan pa ba ako makakarating sa bahay nito.


Pumasok ulit sa isip ko yung text ni fishball sa akin. Paano niya kaya nalaman ang tungkol don? Hindi kaya ...


Huwaw! Fritz stop it. Imposible yang pinag-iisip mo. Hindi mo ba nakita kung gaano ka tanga-tangahan yung lalaking iyon kay Grace? Tapos iisipin mong siya yang lalaking nagtetext sa iyo na gusto ka niya? Nagpapatawa ka ba?


Napailing nalang ako sa naisip ko. Hay nako, dumagdag pa 'yong lalaking iyon sa problema ko. May problema na nga ako kay Charlz tapos nandiyan pa siya para pagulohin ang utak ko sa kakaisip kung sino siya. Kung sino siyang kutong-lupa na ang lakas ng loob na pagtripan ako.


Sa oras na malaman ko kung sino siya humanda talaga siya sa akin. Gagawin ko siyang sangkap ng fishball!


-------

Maaga akong pumasok kinabukasan. Lutang talaga ako dahil hindi ako nakatulog nang maayos. Binulabog ang isipan ko sa kakaisip sa kulogong sina Charlz at 'yong fishball na iyon na kahit kailan hindi deserve na paglaanan at pagpuyatan sa kakaisip! Hindi ko siya kilala tapos ganoon niya sisirain ang pagtulog ko?


"Fritz!" napalingon ako sa taong tumawag sa akin. At nung mapagsino ko na siya ay agad kong inalis ang paningin sa kanya at nagkunwaring hindi ko siya nakita.


Huwag mo siyang pansinin, Fritz. Umiwas ka na sa problema. Marami ka pang pending problems na kailangang pagtuonan ng pansin.


Naglakad lang talaga ako na diretso ang tingin sa dadaanan ko. Ngunit talagang may pang award winning ang kakulitan ng lalaking humabol sa akin. Hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako sa paglalakad. Huminga ako nang malalim tsaka ngumiti bago siya hinarap.


"Uy! Prince! Ikaw pala yan." gasgas na linya ng taong may gustong iwasan pero hindi naiwasan.


"Tinawag kita kanina, hindi mo ba ako nakita?" tanong niya.


"Tinawag mo pala ako? Hindi kita napansin." pagsisinungaling ko. Ngumiti lang ito sa akin na naging dahilan upang gumuho ang damdamin kong marupok.


Jusko naman. Nagkakaroon tuloy ako ng masamang balak na sulotin siya kay Grace. Akin ka nalang sana, Prince. Ililibre kita ng fishball araw-araw.


Biglang pumasok sa isip ko 'yong taong nagte-text sa akin. Napatitig tuloy ako kay Prince. Bwisit talaga. Kahit sinisita ko na ang sarili na huwag isiping si Prince at ang ulupong na iyon ay iisa pero suwail talaga ang isip ko.


Tinakasan ako ng kaluluwa nang bigla niya nalang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko in-expect ang ginawa niya kaya tanging pagdilat ng mga mata lang ang nagawa ko habang nagugulohan sa nangyari.


"Nahuhulog ka na ba sa akin?" kinapos ata ako ng hininga dahil sa narinig ko mula sa kanya. Umawang ang bibig ko. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko mahanap sa isipan ang sasabihin ko. Tinulak ko nalang siya tsaka nauutal na nagsalita.


"N-nagpapatawa ka ba?" sabi kong ganyan tsaka inirapan siya. Naglakad na ako paalis habang kagat ang labi dahil sa magkasamang hiya at kilig na naramdaman. Para bang may kumikiliti sa puso ko.


"Hoy! Ang seryoso mo naman. Alam mo naman na magkaibigan lang tayo tsaka may mahal na ako." rinig kong sabi ni Prince na ikinabusangot ng mukha ko. Sa isang iglap lang ay nawala ang kilig ko.


Langya. Pinagtitripan ba ako ng lalaking ito?


"Edi puntahan mo 'yong babaeng mahal mo!" alam kong may mali sa sinabi ko pero wala na ako sa tamang pag-iisip na mag filter ng sasabihin. Basta! Galit ako! Umuusok na ang mga ilong ko dahil sa galit!


"Galit ka?" rinig kong sabi niya. Hanggang ngayon ay sinusundan pa rin niya ako. Buntot ko ba siya para sundan ako?!


"Hoy baliw na nasa likuran ko, doon ka sa mahal mo. Kulitin mo siya buong araw huwag ako," saad ko habang walang ka ekspresyon sa mukha na naglalakad. Akala ata ng mga taong nasa paligid na magkasintahan kaming umagang-umaga ay may LQ na.


"Gusto lang naman kitang yayain mag-ice cream e," sabi niya na may lungkot sa boses. Tumigil ako sa paglalakad pagkatapos ay hinarap siya.


"Alam mo, puntahan mo 'yong taong mahal mo tapos siya ang yayain mo niyan. Bilhan mo siya ng ice cream. Advice 'yan ng friend mong kausap mo ngayon. Kaya sige na, alis na." Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat tsaka sapilitang pinatalikod at tinulak paalis. Lumingon siya sa akin na halatang malungkot pa rin.


Nginitian ko ito nang pilit habang sinenyasan na umalis na. Inalis na niya ang paningin sa akin pagkatapos ay tuloyan nang umalis. Napabuntong hininga tuloy ako. Tumalikod na ako tsaka nagpuntang rooftop. Maaga pa naman kaya tumambay na muna ako.


Sobrang lamig pa ng hangin dahil hindi pa gaanong tirik ang araw. Nakatingin lang ako sa malayo habang hawak ang magkabilang strap ng bag.


Ginugulo talaga ni Prince ang utak ko. Hindi lang pala ang utak ko, maging ang puso ko. Napangiti ako nang mapakla. Pinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang lamig ng hangin na humahagod sa balat ko.


Iba ngayon. Nahumaling naman ako kay Charlz noon pero iba itong naramdaman ko kay Prince. Magkahalong takot, kaba, kilig, at lungkot.


Takot ako dahil baka makasira ako ng relasyon nila ni Grace. Kinakabahan ako na baka isumpa ako ni Grace at sisirain ang buhay ko dito sa school. Kilig dahil sa mga kilos na binibigay ni Prince sa akin na talagang may meaning para sa akin. At lungkot dahil baka wala lang pala sa kanya ang lahat. Na baka pag sinagot na siya ni Grace, tuloyan na niya akong kalimutan at hindi na kami magkikita.


Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at nalamang malapit na pala ang oras ng first subject ko ngayong araw. Umalis na ako mula sa rooftop at bumaba hanggang sa umabot ako sa palapag na kinaroroonan ng classroom namin. Pumasok na ako sa silid at sinalubong ng halik ni Trishie sa pisngi.


"Hoy gaga! May nagpabigay ng ice cream sa iyo." nagtagpo ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya.


"Huh?" nagugulohan kong reaksyon. Tiningnan ko ang desk ko at nakitang may ice cream nga roon.


"May nagpabigay ng ice cream ngayon lang. Di mo naabutan. Hindi sinabi kung sino nagbigay." ewan ko lang kung ano ang nalanghap ko mula sa rooftop. Biglang pumasok sa isip ko na hanapin ang lalaking sa tingin ko ay nagpabigay ng ice cream sa akin.


Nagpaulit-ulit na parang sirang plaka ang sinabi ko sa kanya kanina.


~ "Alam mo, puntahan mo 'yong taong mahal mo tapos siya ang yayain mo niyan. Bilhan mo siya ng ice cream. Advice 'yan ng friend mong kausap mo ngayon. Kaya sige na, alis na." ~


~ "Alam mo, puntahan mo 'yong taong mahal mo tapos siya ang yayain mo niyan. Bilhan mo siya ng ice cream. Advice 'yan ng friend mong kausap mo ngayon. Kaya sige na, alis na." ~


~ "Alam mo, puntahan mo 'yong taong mahal mo tapos siya ang yayain mo niyan. Bilhan mo siya ng ice cream. Advice 'yan ng friend mong kausap mo ngayon. Kaya sige na, alis na." ~


Hindi kaya ...


mahal niya talaga ako?


Sinabihan ko siya na bilhan ng ice cream ang mahal niya, diba? Tapos ngayon may ice cream na sa ibabaw ng desk ko.


Asar. Tama ba itong iniisip ko? Baliw ka na talaga, Fritz.


Walang sabi sabi na nilisan ko ang silid. Tumatakbo ako sa hallway kahit maraming estudyante. Hinanap ko si Prince ngunit hindi ko siya makita. Alam kong nagpapaka-assumera ako ngayon pero malakas talaga ang kutob ko na si Prince ang nagpabigay ng ice cream sa akin.


Palabas na sana ako ng gusali nang sumilay sa paningin ko ang lalaking hindi ko inasahang makita. Nakatalikod ito ngunit alam ko kung sino siya. Mula sa kanyang ulo ay bumaba ang paningin ko sa hawak niyang ice cream.


Ngunit ...


Hindi siya ang inasahan kong makita. Ba't parang masakit? Siya ba ang nagpabigay ng ice cream?


"Charlz." bukambibig ko habang nakapako ang paningin sa kanya.


*******

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon