Kabanata 19 - Matamis na Kasinungalingan

36 4 0
                                    

**** | Ika labin-siyam na Kabanata - Matamis na Kasinungalingan | ****




DUMATING ang hapon na kung saan ay uuwi na sana ako kaso dumating ang alipungang si Prince na naging dahilan upang maudlot ang pinaplano kong pagpapahinga sa bahay. Ang laki pa ng ngiti nito na papalapit sa akin.

"May kailangan ka?" tanong ko habang hindi pa siya nakakalapit sa akin.

"Pag nalapit lang sa iyo may kailangan na agad?" tanong nito.

"Sige, uwi na ko." paalam ko sa kanya bago ito nilampasan. Sa totoo lang ay masama ang pakiramdam ko kaya wala akong ganang makipag-usap sa kahit nino ngayon. Ang sakit ng puson ko na para bang gusto kong sumabunot ng buhok ng kahit sinong makita ko!

"Huy? Galit ka?" rinig kong tanong ni Prince na kasalukuyang nakasunod sa akin.

"Hindi ah. Ba't naman ako magagalit sa iyo?" sagot ko. Tumaas ang kilay ko nang mapansin ko ang pagtitig nito sa mukha ko habang naglalakad kami.

'Nagagandahan na kaya ito sa akin? Nagugustuhan na kaya niya ako?' mga katanungan ng utak ko na naglalandi kahit pinapatay na ako ng sakit sa puson.

"Anong tingin ba iyan ha? Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan naiilang ako." may kasungitan kong ani sa kanya. Ginulo nito ang buhok ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Ba't ba ang sungit mo? May dalaw ka ano?" sinabayan niya pa ng malakas na tawa ang tanong na iyon.

Jusme, naway bigyan ako ng Panginoon ng extended patience dahil nangangati na ang mga kamay ko na sabunutan si Prince. Dagdag pa ito sa sakit na nararamdaman ko e!

"Masakit ang puson ko kaya huwag mo akong inisin, okay?" wika ko sa kanya bago binilisan ang lakad upang maiwasan ko na ang lalaking saksakan ng kakulitan. Laking gulat ko nalang ng ilang sandali pa ay mas nauna na itong maglakad sa akin. Mukhang sinasadya pa talaga nito na bilisan ang lakad upang makipag-unahan sa akin.

Hinahamon mo akong ha!?

Mas lalo kong binilisan ang lakad na kulang nalang ay tatawagin nang pagtakbo. Yung ulupong naman ay nakikipag-unahan pa rin sa akin. At dahil pinaliguan ako ng kainisan sa katawan ngayon ay tinakbo ko na ang namamagitang paligsahan sa amin. Ilang sandali pa ay narinig ko ang malakas na halakhak mula sa lokong nasa likuran ko.

Geez, ba't ko pinaunlakan ang kalokohan ni Prince!? Aish!

"Yung totoo? May problema ka ano?" sumabay na ito sa paglakad ko.

"Masakit nga puson ko." walang buhay kong sagot. Nabigla ako nang hawakan niya ang pulso ko pagkatapos ay hinila ako patungo sa kalapit na bench.

"Hoy!? Uuwi na ako." wika ko sa kanya kaso hindi niya ako pinakinggan. Nang marating na namin yung bench ay pina-upo niya ako roon.

"Huy? Aano ako dito? Uuwi na ako."

"Diyan ka muna, may pupuntahan ako." wika nito bago patakbong umalis. Sinundan ko lang ito ng tingin. Ilang saglit pa ay lumingon ito sa akin.

"Diyan ka lang! Huwag kang aalis!" aniya pagkatapos ay tuluyan nang lumayo. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa pader na katapat ng bench na inuupuan ko. Nasa kalagitnaan ako ng tahimik na hallway at ako lang mag-isa dito since kanina pa ang uwian.

"Aish! Ano na naman ba ang trip ni Prince!?" panghihimutok ko. Napahawak ako sa bandang puson ko nang mamilipit uli ito sa sakit.

Bwisit! Langyang Prince yun. At talagang iniinis niya ako ha!? Wala ako sa mood ngayon kaya huwag siyang magtatangkang inisin---

Umayos ako ng upo mula sa pagkaka-yukyok nang may humawak sa ulo ko. Tumingala ako upang matingnan kung sino iyon at nalaman kong si Prince ito.

"Oh? Ano yan?" tukoy ko doon sa maliit na paper bag na hawak niya. Mas nilapit niya ito sa mukha ko kaya napaatras ako bahagya.

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon