Kabanata 4 - Muling Pagkikita Kay Lolang Nakapink

155 8 0
                                    

****| Ikaapat na Kabanata - Muling Pagkikita Kay Lolang Nakapink |****

[ Fritz's POV ]

Nakatitig parin ako dun sa calling card na bigay nung lalaki kanina. Ewan parang may kakaiba eh. Kung ibang tao lang ang nagbigay sakin ng ganito matagal ko na itong naitapon katulad ng mga flyers na natatanggap ko sa daan. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hawak ko parin ito hanggang ngayon.

Kinuha ko yung cellphone na nasa ibabaw ng cabinet na katabi ng kama ko. Ginamit ko naman bilang salamin yung screen at tiningnan ng mabuti yung pisngi ko na may kalmot ng pusa. Aish! Kailan pa kaya ito mawawala?

Bigla akong may naisipang bagay na tanging mga wala sa pag-iisip lamang ang makakapag-isip. Kinuha ko yung calling card at tiningnan yung cellphone number na nakalagay dito.

"Eh kung tawagan ko kaya siya? Magtatanong lang naman ako tungkol dito sa sugat ko eh .. yun lang" wika ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at nag indian sit.

Nagsimula na akong i-dial yung cellphone number. I-pepress ko na sana yung call button kaso pinaunahan na naman ako ng kaba.

"Hindi mali to. Baka kung ano yung iisipin niya sakin" nilagay ko sa kama yung cellphone at tinitigan nalang uli yung calling card.

"Prince Harold Woo" wika ko at biglang lumitaw sa aking isipan ang pigura ng lalaking may hawak na puting pusa kanina.

Agad akong napa-iling. Ano bang nangyayari sakin? Inaantok na ata talaga ako. Nawa'y sumalangit na ang pagmumukha niyang kanina pa gumugulo sa inaamag kong utak.

"Tama, antok lang ito" sabi ko at nilagay yung calling card sa ibabaw ng maliit na cabinet sa gilid ng aking kama. Humiga na ako at sinubukang isara ang talukip ng aking mga mata.

Pero ilang minuto na ang lumipas gising na gising parin ang diwa ko. Tinalo ko pa ata ang nagka-insomnia. Babawasan ko na ata dapat ang pag-inom ng kape, nagkaka anxiety na ata ako eh.

"Gosh! Ba't di ako makatulog?! Bwisit talaga yung lalaking yun! Ano bang meron sa kanya?!" wika ko habang niyayakap ng mahigpit yung unan ko. Yung tipong kulang nalang eh sumabog ito at magkanda-kalat-kalat yung mga bulak sa paligid.

Kanina pa talaga yung lalaking yun ah?! Mula pa kanina hanggang maka-uwi ako sa bahay yung pagmumukha niya ang naglalaro sa isipan ko! Hindi na ata to normal! Kinukulam ba ako ng lalaking iyon?! Kaloka!

Napamulat ako at napatitig nalang sa kisame.

"Kinulam nga ata ako ng lalaking iyon .. o baka umeepekto na sakin yung rabbies na dala nung kalmot ng pusa! .. tama! Kailangan ko na ngang tawagan yung lalaking iyon para makatulog na ako ng mahimbing!" saad ko at kinuha yung cellphone at pati narin yung calling card. Dinial ko na yung numero niya at pinindot yung call.

Halos hindi ako makahinga nang mailapat ko na sa aking tenga ang cellphone. Kung kanina ay hindi ako makahinga, ngayon naman ay nagsisimula nang magwala ang kabog ng aking dibdib nang marinig ko ang pag-ring. Sheez! Sasagutin niya kaya?

"Hello?" medyo husky ang boses sa kabilang linya halatang kakagising pa ata. Panira ata ako ng tulog. Sorry naman! Talagang kinukulit ako ng mga ugat ko sa utak na tawagan siya eh!

"Uhh .. g-good evening .. uhhmm, nandiyan ba si Prince Harold Woo? Nais ko lang sanang kausapin siya sandali" sagot ko at agad na kinagat-kagat ang aking mga kuko dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Yeah .. this is Prince Harold Woo, speaking. What do you need?" gosh baka pagalitan lang ako nito. Alas onse na ng gabi pero mapangahas parin akong tumawag at sinira ang napakahimbing niyang tulog! Teka di ko narinig yung sagot niya.

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon