Kabanata 20 - Punong Mangga

30 2 0
                                    



****| Ika-dalawampong Kabanata - Punong Mangga |****




*******

"Trish hindi ko na kaya." sambit ko matapos akong makaramdam ng hilo sa pagbabasa ng mga problem set na nakasulat sa libro. Sinubukan ko nang gamitin ang lahat ng aking makakaya ( kahit alam kong wala namang patutunguhan yung mga pag-aattempt ko na ma-solve yung mga problem ) ngunit wala parin akong nakuhang tamang sagot!

"Pareha lang tayo, Fritz. Yung mga utak ata natin magkasunod na ginawa ng Diyos. Mukhang ang nakalaan sa atin ay ang kabobohan sa math." komento ng beki habang inaayos ang buhok niya at hawak ang kulay pink niyang salamin.

"Hindi tayo magkasunod. Ginawa yung utak mo nung inaantok na ata si God." wika ko rito na ikinataas ng kilay niya.

"Alam mo ang sakit mong magsalita. Nagkaroon ka lang ng Prince ginaganyan mo na ako."

"Sira! Inaano mo pa sa akin yung tao e may nililigawan na yun." wika ko bago dinampot ang aking ballpen pagkatapos ay sinubukan uling mag-isip ng ibang solution.

"Chos! Pero aminin, bet mo si Prince noh? I can see it in your eyes." inirapan ko ito dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Hindi noh." pagbabaluktot ko sa katotohanan. Gusto ko si Prince pero ayaw ko munang malaman ng iba. Ewan, ito ata yung unang pagkakataon na ayaw kong malaman ng kahit sino ang taong gusto ko kahit na sa matalik kong kaibigan.

"Does it mean si Charlz pa rin ang laman ng heart mo?" ibinagsak ko yung ballpen sa mesa. Napatingin ang mga estudyanteng nakatayo malapit sa amin. As usual nasa mini park na naman kami ng school. Favorite tambayan na kasi namin dito lalo na kung may mga school works kami.

"Trish, huwag mo nang mabanggit uli ang pangalan na iyan. Ang bantot kasi." narinig ko ang pagtawa ni Trishie matapos kong sabihin iyon. Alam na ni Trishie na nagsisimula ko nang kamuhian si Charlz. Kinuwento ko sa kanya ang dahilan at yung gaga ayaw makisimpatya sa pagdadalamhati ko. Sinabihan ba naman ako ng 'Wow, ngayon ka lang natauhan?'? Anyway matagal nang kinukulit sa akin ni Trishie na minsan may nakikita siyang kasamang babae si Charlz pero di ko pinapaniwalaan iyon since hindi naman ako ang mismong nakakita.

At dahil ako na ang mismong nakakita sa ulupong na iyon ay tanggap ko na na talagang hindi talaga working yung pagkakagusto ko sa kanya. Charot! Ang OA ko talaga. Para namang nagkaroon kami ng relasyon hahaha! Anyway kung ano ang nangyari ay nangyari na. Wala nang dapat na ibalik pa.

"Okay po," tanging sabi nito. Naagaw ang atensyon ko doon sa kumikinang na bagay sa loob ng bag ko. Kaya bago pa iyon mapansin ng ibang tao lalo na si Trishie ay kinuha ko ang bag ko pagkatapos ay sinara ito.

'Mukhang may update na naman yung lumang libro!' wika ko sa aking isipan. Hindi ko mapigilang di makaramdam ng kagalakan. Matagal na rin kasi akong hindi nakatanggap ng update mula sa librong iyon. Kahit karamihan sa updates e may hatid na kamalasan sa akin ay parang na-eexcite pa rin ako. Baliw na siguro ako, ano?

"Trishie may gusto ka bang ipabili? May bibilhin sana ako sa cafet." pagpapalusot ko. Nagdadasal ako na sana ay sumabay ang pagiging uto-uto ni Trishie sa akin kahit ngayon lang. Kailangan kong mabasa yung update bago pa maging huli ang lahat. Baka mas mauna ko pang maranasan yung mga kamalasan na mangyayari sa akin imbes na maiwasan ko ito, tsk!

"Bilhan mo nalang ako ng V-cut yung spicy barbeque flavored." aniya. Lihim akong napangiti dahil nagtagumpay ako.

"Okay, balik ako agad." sabi ko pagkatapos ay ikinabit ang bag ko sa aking magkabilang balikat. Nakita kong tumingin ito sa bag na nasa likuran ko.

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon