Kabanata 14 - Ang Kakulitan ni Prinsipe

61 2 0
                                    

****| Ikalabing apat na Kabanata - Ang Kakulitan ni Prinsipe |*****






Naging maayos naman yung laboratory experiment namin kanina. Mas naging komportable rin ako kasi wala yung babaeng lumot. Absent raw kasi nagkabulutong. Tignan mo nga naman, ang bilis ng karma! Hahaha! I'm so mean. Ipagdadasal ko nalang siya na sana hindi na siya gumaling--- este na sana gumaling na siya.


Alam mo yung feeling na parang nawawalan na ako ng gana para kay Charlz? Ewan ko lang kung bakit. Kanina kasi nilapitan niya ako para tanungin kung okay lang ba talaga ako nung nakaraang araw, yung nahuli niya akong umiyak .. ayun sinagot ko naman siya na okay lang talaga ako. Pagkatapos nun, parang .. wala na yung sparks na nararamdaman ko kapag kausap ko siya. Wala na yung feeling na nararamdaman ko dati. Hayys, nagmo-move on na ba ang peg ko ngayon?


Here I am right now, naghahakot na ng gamit para lisanin ang school. Oks narin to para makapagpahinga ako ng maayos. I'm so exhausted kaya! I really need to take some rest. Chus, ganito pala kapag nagmo-move-on ano? Napapa-english.


"Fritz? Mall tayo" yaya ni Trishie sakin sabay twinkle-twinkle ng kanyang mga mata. Alam na, doon na naman kami tatambay sa isang beauty shop tapos kapag wala siyang matripang bilhin don lilipat na naman kami sa kabilang shop. Hanggang sa mapasukan na namin lahat ng beauty shop ng mall wala paring mapili! Tapos babalik kami sa pinakaunang beauty shop na napasukan namin tapos dun lang pala bibili. Ugh! Kay sarap talaga hampasin ng sapatos! Nagkakapaltos na nga yung mga paa ko dahil sa pagiging choosy ng beking to!


"Trish, maawa ka naman sa paa ko. Hindi pa kaya gumagaling yung paltos na gawa ng kachoosyhan mo. Halos mapuno na nga ng plaster yung paa ko e. Next time nalang Trishie, please? I really need to go home narin talaga. I want to take a rest" paliwanag ko.


"Okie! Next time ha? Kapag hindi ka parin sasama magtatampo na talaga aketch" sabi niya sabay upo sa upuang nasa tapat ng upuan ko.


"Oo naman, sasamahan na talaga kita. Promise, mahulog ka man sa hagdan, tamaan ka man ng bulalakaw" sinamaan niya ako ng tingin.


"Hoy! Ano ka ba! Di ka naman mabiro" saktong paglagay ng panghuli kong notebook sa loob ng aking bag ay bigla kong nadatnan sa loob ang pagliwanag ng isang bagay.


Biglang nagliwanag yung lumang libro!


"Girl? Ano ba yang maliwanag sa loob ng bag mo?" bago pa masilip ni Trishie ang aking bag ay agad ko na itong sinara.


"Ah, wala. Yung cell phone ko kasi nagloloko, ayaw mamatay nung flashlight" palusot ko. Ayaw magpaloko ni Trishie. Yung mata niya ayaw lubayan yung bag ko. Gush! Espiritu ng uto-uto pakisapian si Trishie ngayon din!


"Ahh, okie" sabi niya sabay paypay sa sarili. Hooo! Akala ko mabubuking na ako nito. Lagot talaga ako kay lolang nakapink kapag ganun. Kailan kaya kami magkikita ulit? Nakakamangha pa namang tingnan yung mga kasuotan niyang nasa kapanahunan pa ni Dr. Jose Rizal.


"Hindi ka pa ba uuwi?" pang-iiba ko ng usapan.


"Uuwi nalang rin ako, tomguts na kasi yung mga alaga ko sa tsan. O sha, babush. Ingat ka girl" paalam niya sabay beso-beso sakin. Nagpaalam narin ako sa kanya bago tumungo sa pinakamalapit na public comfort room ng building namin. Minsan lang kami magkasamang lalabas ng school. May sundo kasi ang bakla, sosyal.


Sakto namang nakatiyempo ako ng bakanteng cubicle kaya karakarakang pumasok ako dun. Nilabas ko agad yung lumang libro at binuklat ito sa pahinang may bagong update.


Yeap, bagong update! Na-miss ko narin yung mga updates ng libro ito ( kahit na puro kapalpakan ang natatamo ko ). Nakaka-enjoy rin naman kasi. Okay, shuddap na Fritz. Masyado ka nang madaldal.



--------------***----------------

****Hulyo 16, 2014****

--------------***----------------


Magdiwang! Kahapon may update ang lumang libro, pati narin ngayon. Sinipag ata ang awtor ng librong ito ah? Hihi.


-----------***-----------

~Bawat kawalan, may kapalit.

-----------***-----------


Ayos to ah? Ang ibig sabihin ba nito ay mapapalitan yung mga perang nawala ko? Kung ganun man isa itong magandang balita. Nagsasawa na ata ang libro sa kakabuhos ng kamalasan sa buhay ko. Hahaha!


------------***------------

~Noong mga oras na nasaktan ang puso mo, may puso ring naguguluhan.

------------***------------


Pusong naguguluhan? Ang gulo ha, naguguluhan rin ako. Tinutukoy ba nito yung nangyari kahapon? Yung kadramahan ko para kay Charlz?


Aish! Nakakapagod mag-isip! Ang panghi naman kasi ng cubicle na napasukan ko! Kaya pala walang pumasok dahil sira yung flush! Ugh! Nakaka-stress, nasisira yung ganda ko.


Eto, may last pang horoscope.


-----------***------------

~Isang mahabang paghihintay. Bumili ng maraming tinapay.

-----------***-----------


Kaloka! Akala ko pa naman kung ano na. Mahabang paghihintay talaga? Hmp. Masunod na nga ang advice niya, baka magkaaberya ako mamaya dahil hindi ko sinunuod yung payo ng libro.


Lumabas narin ako ng cr. Napapansin ko lang, sunod-sunod na ata yung tambay ko sa loob ng cr kapag may-update ang libro ah? Ma-try nga ang ibang setting sa susunod.


Dumeretso na ako papuntang cafeteria ng school upang bumili ng tinapay, as what the old book said. Bumili ako ng tinapay na may palamang keso. Choosy kasi yung panlasa ko, ayaw ng plain. Hahaha! Nakakainis yung kaartehan ko ano? Pero to tell you honestly guys, mas nakakabuwisit yung kaartehan ni Trishie.


Hohoho, tama bang siraan yung kaibigan? Mahal ko yun noh, kahit may pagka-abnormal yun.


Sinalihan ko narin ng chuckee para kompleto na yung lapangang magaganap mamaya. Lumabas na ako ng cafeteria at kasalukuyang naglalakad papuntang gate.



[ Playing: "Ours" by Taylor Swift ( jump to chorus, okay? :D )]


*So don't you worry your pretty little mind,
People throw rocks at things that shine,
And life makes love look hard,
The stakes are high,
The waters rough,
But this love is ours,

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon