Kabanata 15 - Mr. Unknown Caller

40 3 1
                                    

****| Ikalabing Limang Kabanata - Mr. Unknown Caller |****



"Hoy babae, dalian mo nga diyan. Nandun na sa labas si poging Prince. Tomguts na tomguts ata, mapapalaban ata yang pitaka mo" huminto muna ako sa paglalagay ng mga makakapal na libro sa aking locker bago pinanliitan ng mata si Trishie.

"Huwag mo na ngang ipaalala sakin ang kamalasang iyan. Alam ko na na maghihirap ako ngayong araw. Huwag mo nang ipaalala" napangiwi ako habang iniisip ang perang iwawaldas ko mamaya.

'Aish! Palamunin ko ba si Prince para pakainin ko ngayon? E wala na nga akong maipapakain sa sarili ko eh! Hayy nako naman' paglilitanya ko sa aking isipan.

"Mukha pinagsukluban ng langit at lupa ang itsura mo" rinig kong sabi ni Trishie.

"Trish, kung sakaling sumanib kay Prince ang espiritu ng kapataygutuman .. please pautangin mo ako ng pera para makauwi ako, ha?" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Eh pano kung ayaw ko?" pag-iinarte nito. Sinara ko na yung pinto ng locker ko pagkatapos ay ni-lock ito.

"Alam mo, wala ka talagang awa" biglang tumawa ang gaga kaya inismiran ko nalang siya bago naglakad papunta sa pintuan ng locker room.

"Hey! Wait naman! Don't cha worry, papautangin kita" rinig kong sabi niya.

"Hali ka na nga! Baka mamatay na sa gutom yung aso ko"

Lumabas narin kami ng locker room at doon ko nadatnan si Prince na naka-upo sa isang bench. Tutok na tutok ito dun sa screen ng cell phone niya.

Halos lumaki na yung intsik niyang mata dahil sa sobrang focus dun sa nilalaro niya dun sa cell phone.

Gumuhit ang mapanloko kong ngiti.

'Tingnan ko lang kung magiging lalaki ka pa kapag gugulatin kita ngayon. Mwahaha'

"Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan. May binabalak kang masama kay Prince, ano? I-uuwi mo siya sa bahay ninyo? Ikaw ha, ganyan ka na ba ka des--- aray!" binatukan ko nga ang gaga.

"Tange! Loka to ah. Huwag mo nga akong igaya sayo. Huwag kang maingay, gugulatin ko lang yung loko dun" tinaas-baba ko yung dalawa kong kilay sabay lakad ng dahan-dahan papunta sa gawi ni Prince. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at yun ginulat ko nga.

"Bulaga!"

..

..

..

..

.

.

"Oh? Fritz, ikaw pala" bumagsak ang dalawa kong balikat. Fudge?! Hindi ba siya nagulat? Tao ba talaga itong si Prince? o isang alien?

"Ah, hi?" nahihiya kong sabi. Narinig kong tumawa si Trishie kaya hinila ko ang buhok niya.

Napahiya na nga ako, dadagdagan pa?! Kaibigan ko ba talaga tong baklang to?

"Ano ba yan?" tukoy ko dun sa nilalaro niya. Panshift lang ng kahihiyan.

"Di mo alam? Saang gubat ka ba galing?" binatukan ko si Prince dahil dun sa sinabi niya kaya naman napatingin siya ng masama sa akin.

'Oh? Ano? Suntukan?! Aba akala mo uurungan kita?!' gusto kong ibulyaw sa kanya yan pero siyempre hindi ko ginawa. Baka totohanin pa ng loko, nalintikan na.

"Huwag mokong guluhin" cool niyang sabi bago binalik uli ang atensyon doon sa cell phone.

"Ayy nako, maganda yan. Tara Trish tayo nalang ang kumain" tumayo na ako at hinila si Trishie. Hindi pa ako nakalakad ay humarang na kaagad si Prince sa harapan ko.

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon