Kabanata 7 - Unknown

161 6 0
                                    

**** | Ikapitong Kabanata - Unknown | ****





Nakatunganga lang ako sa aking upuan habang hinihintay pa yung pagdating ng mga ma-iingay kong kaklase na kung makapagdaldal tinalo pa ang nagfi-fliptop.


Intense na yung kaboringan na nararamdaman ko ngunit pagkaraan ng ilang sigundo ay biglang bumilog ang mga mata ko. Parang gusto kong kurutin ang utak ko dahil ngayon niya pa pina-alala sakin na may quiz pa pala kami mamaya sa logarithm! Chakaness! Ayokong magkaroon ng grade na F noh! .. oo alam kong paborito ko 'yung letra kasi nga F ang simula ng pangalan ko which is 'Fritz' pero hindi ibig sabihin nun na hanggang pagdating sa pagmamarka eh magiging favorite ko parin yun.


Kalokaness! Ayaw ko pa naman talaga ng math. Antokwa naman oh! Feeling ko kasi sa bawat salita na nababasa ko sa libro ( pati narin sa blackboard! ) ay parang nagkakaroon ng choir sa paligid at inaakit ako na matulog! .. I mean kasali narin pala ang mga numbers with additional letters PA! na di ko alam kung bakit kailangan pa talagang ipag-combine pa iyon. Anong akala nila? Sasabihin ko bang 'ate pabili ng x?+4x-16 na kilong bigas' hindi naman di'ba?! Psh .. mga utak talaga ng mga mathematicians na yan, masyadong malikhain at malikot.


"Haish! Ganun na ba ka full yung utak ko noong mga nakaraang araw at nagawa kong kalimutan to?" bigla naman akong nakaramdam ng init sa pisngi at mangiyak-ngiyak na napangiti na parang baliw ( A/N: pati si author ganyan rin kiligin. Ewan ko lang kung bakit may lumalabas na konting luha sa mga mata ko kapag kinikilig ako, ganun na ba talaga ka OA yung mga mata ko at simpleng kilig lang eh na-iyak na? Kaloka .. HAHAHA XD . ang hilig ko talagang umekstra XD . Share lang po .. hohoho , continue reading! Ciao~ )


Agad kong binawi yung naramdaman ko at napa-iling. Hindi pwede to, tigilan mo na nga iyan Fritz! Maging loyal ka naman kay Charlz okay? Sagad na yung landi mo! Landi pa more!


Tiis ganda kong inalis yung kilig ko kanina na kahit mahirap eh pinilit ko talaga. Ano ba kasing pinakain ng Prince na yun para magkaganito ako sa kanya? Tch.


Kinuha ko nalang yung libro ko mula sa aking bag at inilapag ito sa ibabaw ng aking mesa.


Isasara ko na sana yung bag ko nang maaninagan ko yung lumang libro sa loob. Kaloka .. wag ka munang magpapapansin sakin dito okay?! Baka may makakita! ....
.
.
.
.
.
.
Okay fine! Sige na nga .. wala namang tao eh.


Kinuha ko na yung lumang libro at binuksan ito.



-----------------***-------------------


****** Hulyo  10, 2014******


------------------***-------------------



Oo tama kayo ng basa guys, 7 days na ang nakalipas mula nung nagsulat ng horoscope ang librong ito. Tama nga si lolang nakapink, may pagkakataon talaga na nag-iiskip ng araw ang pag-uupdate ng lumang libro. Hanep, tamad lang ang author? Hohoho. Buti naman at naisipan niyang magsulat ngayon ano? Lumipat na ako sa kasunod na pahina.



-----------------***------------------


~Magpasalamat sa maingay na bunganga, may mangyayaring maganda .... tiwala lang.


-----------------***------------------


Nagsalubong naman ang dalawa kong kilay sa nabasa ko.


"Ano raw?" napa-isip naman ako. Ah! Tama, baka si mama ang ibig ipahiwatig nito. Lam na .. wagas rin yun kung magalit eh, kala mo may titulong Daldalita na inaalagaan dahil sa ingay kapag pinapagalitan ako. Kahit siguro wang-wang eh matatabunan parin dahil sa matinding talent ni mama. Hihihi.


Pero bakit naman ako magpapasalamat sa sermon niya? Ano ako na immune na sa ingay ni mama? Like duh .. kahit kailan di ma-iimune yung tenga ko sa mga sermon ni mama noh, pakiramdam ko nga sasabog nalang ng kusa yung eardrums ko dahil sa intense ng sermon niya eh. Pwede nang ipamalit sa isang HiFi na speaker!


Hayy ewan! Proceed na nga sa next.


-----------------***--------------------


~Ihanda ang sarili sa magaganap.


------------------***-------------------


Anong paghahandaan ko? Magkakaroon ba ng lindol? May bagyo bang dadating? Kaloka, nauna pa talaga itong makapag-detect ng delubyo keysa sa PAGASA at PHILVOCS?


---------------***-----------------


~Masisiraan ka .. swerte.


---------------***-----------------


"Kailan pa naging swerte ang masiraan?!" napatingin naman ako sa paligid. Whew! Buti wala paring tao.


Teka .. kailan naman naging swerte kapag nasiraan aber? Paki-explain nga ng mabuti kasi di talaga magawang i-digest ng utak ko ang pinagtatalak ng lumang libro na 'to. Horoscope ba talaga ang nakasulat dito o diary ng taong kinakalawang ang utak? Hayy nakoo .. nakakadagdag ng split ends!


Binuklat ko na yung pahina at blanko na yung kasunod. Haiss .. nagtitipid na naman po ng tinta. Sinara ko na yung libro at pinasok uli ito sa bag.


Isa na namang entry na nakakapag-buhol ng utak ko. Kailan ko pa ba ma-iintindihan yung lumang libro? Kapag pumayat na si Santa at gagawin niyang proxy si Lolo Max ng Ben Ten? ( Waley , umuwi ka na author! Magsaing ka nalang ng kanin at tulungan si Sarah na magbalat ng patatas XD )



*bzzzt* *bzzzzt*



Agad akong napatingin sa cellphone ko nang umilaw ito. Napag-alaman kong galing pala ang message na'yun sa bestfriend kong mas maarte pa keysa sakin.


-------------------


From: Trishie GANDA <3 ( Si Trace a.k.a. Trishie po ang may pakana niyan. Mas maganda raw kasi kapag naka-emphasize yung GANDA, mas meaningful RAW .. intindihin nalang natin ang takbo ng buhol-buhol na pag-iisip ng bakla )


Hey friendship! Wla tayung english ngyn kya feel free tayung mglakwatsa sa time nya! Hihihi :3 .. kta tayo sa cafeteria huh? Balita ko mraming papa dun, boy hunting tayo! #exoited *Q*


-------------------


"Tss .. anung nakaka-excited dun sa pagboboyhunting? Eh siya lang naman ang nag-eenjoy nun? Si Charlz lang kaya ang apple of the eye ko! Hmp!" ewan ko nalang sa baklang yun, mas inaatupag pang maghanap ng lalaki keysa maghanap ng paraan para mabura yung mga itak sa card niya.


Lumabas nalang ako at tinahak yung hallway papuntang cafeteria. Ayoko rin namang maiwan forever dun sa classroom ano, ako lang kaya mag-isa dun. Baka may kumausap nalang saking multo kasi nga bored rin siya! HOHOHO.


Nakarating na ako ng cafeteria. Kaloka naman yung dami ng mga estudyanteng nakatambay ngayon, pamatay ang dami. Ayun tuloy, super haggard na silang tingnan. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung tutuloy ba ako sa loob at makipag-join sa siksikan o aalis nalang ako at mananatili yung ganda ko.


Naalala ko naman bigla si Trace .. este Trishie. Hayy nako, baka bungangaan na naman ako nun. Kesyo inugat na raw yung eyeballs niya sa kakahintay sakin, kesyo malapit na raw siyang mangisay dahil inindian ko raw siya. Wow lang ha?! Kung makapag-sabing inindian ko siya parang di naman niya gawaing indianin rin ako tuwing gagala kami. Tulak ko siya sa imburnal eh!


Kaya kahit halos bumigat yung dalawang paa ko habang naglalakad papasok ay dinedma ko nalang iyon. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang maghanap ng bakanteng upuan and good thing may nahanap agad ako. Nakakapagtaka kasi dahil walang naka-upo dun, may mga estudyanteng nakatayo sa paligid ngunit hindi man lang sila nag-atubiling umupo doon. Anong problema sa upuan na iyon? May malaria bang nakadikit sa upuan at mesa? Takot silang ma contaminate? Chos, nahiya naman ang safeguard at green cross sa kalinisan ng katawan nila.


Lumapit na ako dun sa bakanteng upuan. Slow-mo naman akong umupo sa upuan. Ba't may bag sa kaharap kong upuan? Hindi kaya may laman itong bomba? Kaya ba walang umupo dito?


Kinausap ko naman yung lalaking susubo sana sa burger niya, naudlot ko pa ata ang moment niya.


"Uhmm .. excuse me? May naka-upo ba dito?" tanong ko.


"Ah .. oo, may binili lang saglit. Actually ako yung pinabilin niya ng gamit niya" sagot niya. Napa-tango tango naman ako. Okay, akala ko masasabugan na ng bongga yung pinagpala kong kagandahan. Whew!



"Ahh okay po, salamat!" masigla kong wika. Nilabas ko yung cellphone ko at tinext si Trace ---este si Trishie pala.


---------

To: Trishie GANDA <3
 .. bakla, nand2 na aq sa cafeteria. Dalian mo nga, uugatin na aq d2!


----------


Tumingala naman ako nang may maaninagan akong tao sa harapan ko at umupo ito sa harapang upuan ko. Literal akong napanganga na nakatingin sa kanya.


"Uyy Fritz! Ikaw pala yan" anya tapos nagpasabog ng ngiting magiging tukso para sa isang babaeng mahina gaya ko. Babae rin ako noh, madali akong maapektuhan sa mga ganyang charms lalo na kapag gwapo. Chus!


Paking tape! Paki hampas nga ng diyaryo yung ulo ko nang tumino!


"Uhh .. hello .. i-ikaw pala yung naka-upo dito?" hindi Fritz, dito siya nakatayo. Halata naman siguro ano? Ang tanga mo rin magtanong minsan. Yung ganda mo pang Beauty Contest yung katangahan mo naman pang Battle of the Brainless.


"Oo, may binalikan lang ako sa cashier sandali. May nakalimutan kasi siya sa mga inorder ko" sabi niya. Napatingin naman ako sa tray na nilapag niya sa mesa. May orange juice, lasagna, at carbonara. Lakas maka pasta ah.


"Ahh kaya pala may bag na naiwan dito, kala ko kasi may nakaiwan. Ayy teka lang, okay lang ba kung umupo ako dito?" sabi ko. Char, kung makapagsabi ako ng 'akala ko may naka-iwan' para namang di ko napag-alamang sa kanya pala yung bag .. hehehe.


Anyway, nakakahiya naman siguro ano kung bigla bigla nalang akong umupo dito sa walang pahintulot niya. Ano yun? Gangster type lang ang peg? Uupo lang kahit saan kahit na may nag-ooccupy sa isang upuan? Astig astigan kuno? Lels.


"Hindi, okay lang. Besides ako lang naman ang naka-upo dito" anya.


"Ahh okay, thanks!" sabi ko. Shyeet papel lang, ang gwapo niya talaga kahit malapitan.


'Hoy Fritz! Ang landi mo rin ano? Nakalimutan mo na bang may Charlz ka? Nasaan na yung loyalty na pinupush mo ng mahigit 4 years? Nalunod na sa kagwapuhang taglay ni Prince Harold Woo?' singhal ng konsensya ko. Kung makapag sermon naman tung konsensya ko, para namang boyfriend ko si Charlz. Kaloka.


May narinig naman akong nag-ring na cellphone pagkatapos ay tumayo si Prince. Sa kanya pala yun, kala ko akin. Ganun kasi yung ringtone ko, nakalimutan ko .. nagpalit pala ako ng ringtone kagabi.


"Sandali lang ha? Someone's calling. Excuse me, balik rin ako" sabi niya. Nginitian muna niya ako bago naglakad palayo.


"Hey girls? Like who's that b*tch? Like ang kapal namang ng tabas ng pagmumukha niya para umupo diyan sa inuupuan ng Prince natin. Like parang ang ganda niya. Like ang kapal ng face. Like duh!" rinig ko mula sa babaeng nasa kabilang table.


"Like oo nga. Like parang magugustuhan naman siya ni Prince. Like may chance siya. Like assumerang ewww!" napakunot naman ang noo ko dahil sa mga narinig ko. Teka teka! Pamilyar to ahh .. Kailan pa napunta dito sa storya ko ang mga mean girls na umaapi kay Alys? Ipa-bugbog ko nalang kaya tong mga malalanding to kay Drake?! Hmp! Umeepal sa storya ko eh.


"Like ang pangit niya kaya. Like ang ganda ko. Like ambisyosa siya. Like super pathetic talaga" charr, maganda raw siya? Paki hampas nga ng sampong flourescent lamp nang maliwanagan ang madilim niyang paniniwala.


"Like hindi niya ba alam ang tungkol kay Prince my loveydovey? Like ang boba niya naman. Like she's not updated! Like for sure may magseselos na naman mamaya. Like may naamoy na naman akong war" napatingin na ako sa mga lokalokang babae sa kabilang table.


"Anong problema niyo?" poker face kong tanong sa kanila.


"Like may narinig ba kayong nagsasalita girls?" sabi nung leader-leaderan nila.


"Like wala eh. Like may naparaan lang na hangin" sagot naman nung alipores niyang may makapal na make-up. By the way, lahat pala sila may makakapal na make-up. Saang art museum ba galing ang mga babaeng canvass na'to?


"Like ang tatanga niyo rin ano? Like ano pang silbi ng mga tenga niyo para di niyo ako marinig? Like ang kikitid naman ng mga utak niyo. Like umalis nga kayo sa kwento ko! Like gusto niyo sumbong ko kayo kina Alys at Drake? Like gusto niyong mawalan na ng exposure dun sa kwento nila?" pinandilatan ko sila ng mata pagkatapos kong magsalita. Pigilan niyo ako guys at baka magamit ko tong tinidor ni Prince at gamiting pandukot sa mga tagiyawat ng mga chakang to!


Napalaki naman yung mga mata nila sa sinabi ko.


"Like anong tingin tingin niyo? Like gusto niyong ingudngod ko yang mga pagmumukha niyo sa sahig?"


"Like girls I think kailangan na nating umalis. Like I think we need to gora na. Like I think ayokong mawalan ng exposure sa kwento ni Alys. Like tara na girls" sabi nung higad nilang leader. Tumayo na silang lahat at naglakad palayo.


"Hoy bakla! Anong nangyari dun? Sinindak mo na naman ano?"


"Wow buti dumating ka pa Trace. Akala ko kasi dito na ako magpapalipas ng pasko dahil sa tagal mo" inis na sabi ko. Niyakap naman ako ng bakla.


"Ikaw talaga Fritz, masyado kang highblood alam mo yun? Chill lang girl, chaka nito. Hmp! By the way, wag mo nga akong tawaging Trace. Sino ba yan? Ang sagwang pakinggan" anya at umupo sa bakanteng upuan ng table namin.


"Wait, sinong kasama mo ditech?" tanong niya at tiningnan yung kabilang upuan na inuupuan ni Prince.


"Kaibigan ko" sagot ko at nilabas yung math book ko. Hayy nako, bakit ba kapag nilalabas ko tong librong to lumalamig yung hangin sa paligid. Maryosep, ansarap tuloy matulog!


"Papa?" kuminang naman yung mga mata niya pagkasabi niya nun.


"Oo papa .. PAPAtayin kita kapag kapag pinalabas mo yang kalandian mo pagbalik nun dito" sabi ko.


"To naman oh, ba't ba ang init ng ulo mo ngayon? Hmp" nilabas niya narin yung libro sa math at nagsimulang buklatin ito. Hindi pa lumipas ang limang sigundo ay sinara niya ito.


"I change my mind. Makapag-facebook na nga lang" sabi niya at nilabas yung malaki niyang tablet. Nasabi ko ba bang mayaman ang lahi ng baklitang itech? Hindi pa? oh yan nasabi ko na.


"Sorry kung napatagal" umupo na si Prince dun sa upuan niya.


"Hindi okay lang" ngumiti ako sa kanya. Napatingin naman ako kay Trishie na sobrang lagkit kung makatingin kay Prince. Paking tape, may malandi pala akong kasama.


Sinipa ko naman yung paa ni Trishie sa ilalim ng mesa kaya nagising siya mula sa kalandian niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.


"Ahh nga pala Prince, si Trace kaibigan ko" pakilala ko kay Trishie.


"Uyy brad!" masiglang bati ni Prince sa kanya at nakipag-bro fist.


"Yow brad! Com'on break it down yow!" sinalubong naman ng bakla yung bro-fist ni Prince. Napanga-nga naman bahagya si Prince dahil dun sa sinabi niya, na weirduhan siguro. Napa face-palm nalang ako sa ginawang kagagahan ng gaga. Bwisit na bakla to, plano niya bang ipahiya ako dito? Kahit nagboboses lalaki siya, para sa akin ang awkward parin pakinggan. Ang pangit talagang pagmasdan ang isang gaya ni Trishie na nagpupumilit mag kilos lalaki. Hindi bagay, hindi carry ni Trishie eh! Sukdulan na talaga ang kabaklaang taglay niya!


Lupa, please paki lamon naman tong bading na'to .. as-in ngayon na!


"Ahh sige bro, una na ako. May kailangan pa akong gagawin" sabi niya. Humarap siya sakin at halata naman sa mukha niya na nagpupumigil siyang kiligin. Napakagat-labi pa siya. Baklang to, ang landi talaga.


"Ahh nga pala Fritz, ito oh" may ibinigay naman siya saking papel.


"Aanhin ko to?" tanong ko.


"Try mong kainin .. I mean pa photocopy mo raw sabi ni Ma'am Virginia. 150 copies lahat lahat" gusto ko na talagang kalbuhin itong baklang to! Nilakbay pa talaga sakin yung utos ni Ma'am Virginia sa kanya ano? Hayy nako! Arrgggg!!


"Okay" tanging sabi ko. Binigyan naman niya ako ng 200 peso bill.


"Sige bye guys" anya at kinabit na yung bagpack niya sa kanyang balikat at naglakad na paalis.


Napansin ko naman na may nakalakip na maliit na papel dun sa ibinigay niya. Binasa ko naman yung nakasulat dun.


----------


Gosh! Hindi ko na kaya girl, ang gwapo niya! Kilala ko yan eh! Yan yung gwapong lalaki na nakasalubong ko malapit sa field! Shyeet, punta muna ako ng field para mailabas ko itong pinipigilan kong kilig! Ahihihihi :3


#hart hart <3
#ang ganda ng author ( hahaha XD walang magawa XD )


-------------


Paano siya nakapagsulat nito? Hindi ko napansin ah? Kalokang bakla. Hmp!


Napatingin naman ako sa platong may lamang lasagna na inilapit sakin.


"Gusto mo?" sabi ni Prince.


"Ha? Ayy nako wag na, thank you" sabi ko at ibinalik sa kanya yung pagkain.


"Hindi sayo na yan, itong carbonara lang ang kakainin ko" sabi niya at itinulak uli sakin yung pagkain.


"Busog pa ako Prince" sabi ko, itutulak ko sana pabalik sa kanya yung plato kaso biglang humiwalay sa katawan ko yung kaluluwa ko. Paking tape? Hinawakan niya yung kamay kong nakahawak sa plato! Shyeeet, intense na kilig! Ano ba Prince, please lang. Paki hinaan naman yang mga da moves mo okay? Baka matangay na ako nang tuluyan niyan eh!


"Masamang tinatanggihan yung pagkain" sabi niya at ngumiti. Ginulo niya yung buhok ko. Kinilig naman yung lola niyo. Paki hampas nga ako ng mesa guys!


Napatingin uli ako sa basong may lamang orange juice nang inilapit niya ito sakin.


"Sayo na yan"


"Pero---"


"Masama ngang tinatanggihan ang pagkain hindi ba?" hindi nalang ako tumanggi. Hayy nako, ano pa bang moves na magpapakilig sakin ang kaya mong gawin Prince? Nang mapag-aralan ko kung paano ito malalabanan. Ang laki mong tukso alam mo yun?


"S-salamat" ngumiti ako sa kanya.


"Sige samahan kita mamaya sa pagpophotocopy niyan" sabi niya at sinimulang lantakan yung carbonara niya.


"H-ha?! Wag na, matagal pa yung matapos noh"


"Okay lang"


"Talaga? Baka naman napilitan ka lang diyan. Okay lang talaga kahit ako lang mag-isa dun, honesto promise" tumawa naman siya bahagya sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun?


"Whether you like it or not. Sasamahan kita, okay?" ugh! tama nga sila, ang hirap talaga magpigil ng landi---- este kilig. Sige na nga lang. Kung sasabihin ko kayang pupunta ako sa panghabang-buhay .. sasamahan niya parin ba ako? Chus! Asa ka Fritz.


"Okay, sabi mo ha? Pag ikaw na late sa klase mo, wag mo akong sisisihin"


"Hindi yan"


"Wow, alam mo talaga ano? May kakayahan ka bang silipin sandali ang hinaharap?" pagbibiro ko sa kanya.


"Hahaha, hindi naman. Kainin mo na yang lasagna mo. Lumalamig na yan oh"


"Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Hahaha"


"Hi Prince! Ang saya niyo ah? Nga pala, pinatawag ka ni ma'am Loisa. Sige bye! Enjoy!" napanga-nga naman ako dun sa babae. Padabog itong naglakad paalis. Napatingin naman ako sa paligid na over kung makatitig sakin. Tumikhim naman si Prince na ikinatanggal ng tingin nila sakin. Nagsibalikan na sila sa kanilang kanya kanyang business. Mga chismosa!


"S-sino yun?" tanong ko.


"Ah kaibigan ko. Hindi ata kita masasamahan ngayon Fritz, sorry" anya. Nasaksihan ko naman ang kalungkutan sa mukha niya.


"Ahh ganun ba. Okay lang, hehe" okay lang raw oh. Pero ba't ganun? Ba't nakaramdam ako ng lungkot? Takte naman tong pakiramdam na'to. Bigyan niyo nga ako ng ga higanteng eraser at nang mabura ko to!


"See you around next time nalang Fritz. Una na ako, bye" paalam niya. Kinabit na niya yung bagpack niya sa kanyang balikat at umalis na.


Kaibigan niya lang ba talaga iyon? Eh ba't ganun nalang kung makapag-react yung babaeng yun? Parang bang nagseselos?


Tsaka bakit ganun nalang kadaling nagshift ng mood ni Prince. Kanina lang tawa tawa lang kami eh, ba't bumahid agad sa mukha niya yung lungkot pagkatapos gumawa ng esksena nung babaeng yun?


At bakit ba nakaramdam ako ng lungkot?! Teka lang, nagseselos ba ako? Hindi na talaga tama to eh! *sigh*


Prince, ano bang meron ka at nagawa mong iparamdam sakin ang pakiramdam na ito? Paki explain nga, labyo.



**********

A/N: sabaw ba? XD .. ewan ko langs! Di ko ata feel gawan ng convo si Prince eh! Nasanay kasi akong sa mga convo ng lalaking maangas at mahangin ang dating! Di ako sanay sa mga lalaking mababait at gentleman! XD .. Lels, pero susubukan ko talaga yung best ko na pagandahin yung pananalita ni Prince. Na culture shock pa ata ako sa pagsusulat ng pananalita ni Prince. Paano ba naman, nasanay ako sa mga maangas at mahahanging pananalita ( speaking of kay Silver, Ven, Rio at Luke since may pagkaplayful naman minsan si Luke , isali narin natin XD .. mga characters ko pala yan sa kwento kong "No Chaos No Love" ;) )



Thanks parin sa pagbabasa :) .. hihintayin ko yung mga comments niyo guys para malaman ko kung ayos lang ba yung way ng pananalita ni Prince .. need your opinion :/



-Sugar_Cutiewink97
 Polar Light <3

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon