Kabanata 13 - Prince

50 3 0
                                    

****| Ika Labintatlong Kabanata - Prince |****






Kinabahan ako sa araw na ito.


Oo, talagang kakabahan ako kasi magkakaroon ng activity ang class namin together with Charlz's class! Hindi pa ako completely naka recover kahapon! Hanggang ngayon ay galit parin ako at natatakot ako na baka kapag makita ko siya ay hindi ko mapigilang batuhin siya ng kahit anong bagay na makikita ko.


Oo guys, ganyan lang naman ako OA. In love ako, okay? Sana naman maintindihan niyo ako. Bangang pa ako, I'm not ready to face him! Give me an enough time to move-on!



Ahem! Fritz? Andrama mo?



"Oh? Paano na yan? No choice ka inday, kailangan mo talagang makita ang gwapong pagmumukha ni Charlz" inirapan ko ang gagang si Trishie nang sabihin niya iyon. Yes, nasabi ko na ang lahat na nangyaring kapighatian sa akin kahapon. Walang hiya ang bakla, sinabihan ba naman akong magtirik nalang ng kandila?! E kung mukha niya kaya ang itirik ko?!


"Trishie! Aabsent nalang kaya ako sa klase mamaya? Baka ma expell pa ako nito e"


"Gaga! Gusto mong bumagsak ano? Expell? Talagang maeexpell ka kapag umabot ka na ng six absences!" Ewan ko lang kung hindi pa matunaw yung suklay niya. Kanina pa kasi ito suklay ng suklay sa kanyang buhok. Sa sobrang kaartehan ng bakla hindi malabong magkanda lagas-lagas yung buhok niya.


"Hindi yan ang ibig kong sabihin! What I mean is, baka magkasama na naman silang dalawa ng feeling maganda na yun tapos hindi ko mapigilang batuhin sila ng mga aparatus doon sa laboratory!" sinubsob ko ang mukha ko sa desk. Napahawak ako sa likod ng ulo ko nang maramdaman kong pinalo ako ni Trishie ng suklay niya. Aba! Hayup tong baklang to! Brutalan ba gusto niya?!


"Ano bang problema mo?!" singhal ko sa kanya. Hinimas himas ko ang likod ng ulo ko na nakatikim ng kapangyarihang itim ng bading.


"You know what? Kapag ganyan ka matatawa talaga ng bongga sayo yung babaeng sinasabi mong feeling maganda .. sino nga ulit yun?" kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Trishie. Ew ha, kailangan ko ba talagang sabihin ang pangalan ng babaeng iyon? Bad word yun e!


"Ayoko nga, bad word yun!" wika ko.


"Ayy ang OA, gusto mo ng pangalawang hampas?" tinaas niya pa yung suklay niyang kanina pa gustong mag walk-out dahil sa magkadama ng over-used.


"Nakikita mo ba ang librong ito?" tinaas ko rin yung librong hawak ko.


"Oo girl, what do you think of me? Ugly?"


"Anong konek? Sa tingin ko hindi dapat ugly ang sinabi mo. Mas bagay kung sinabi mong dumb. Halika Trishie, try kong ihampas sa mukha mo itong libro nang mahimasmasan ka"


"Chaka! Edi wow!" napatingin kami sa aming kaklase na OA rin kong makatakbo mula sa labas papunta sa harapan ng classroom namin. Kala mo sumali sa amazing race.


"Guys! We need to prepare na! Gora na raw tayo sa science laboratory!" with exclamation point pang wika nito. Napatingin kami sa bagong gising na si Dambo, isang bully sa aming klase. Shems, na-istorbo ata ang mahimbing na hybernation!


"Galit ka?!" sigaw nito dun sa kaklase naming nagdala ng balita.


"Ah-a-h-hindi naman Dambo" takot nitong sagot sabay balik sa upuan
niya.


Ayun, nag ready na ang lahat. Dali-dali ko ring pinagdampot yung mga kagamitan ko papasok sa aking bag.


"Girl? Walang bagyong mananalanta sa school, okay? Relax!" chill na sabi ni Trishie.


"Sige girl! Una na ako, bye!" hindi pa ako nakalagpas sa bakla ay hinila nito ang buhok ko.


"Aray Trishie!" daing ko.


"Saan ka pupunta? At talagang plano mong lisanin ang school ano? Alam mo girl, ang weak mo. Kung hindi mo pa sila kayang harapin, that means hindi ka parin maka-move on! Move on na friend! Hindi mo pwedeng ibaon ang sarili mo sa sitwasyong yan forever!" may pinaghuhugutan niyang sabi.


"Walang forever!" singit nung kaklase kong lumunok ng isang drum ng kabitteran. Bwisit na forever yan! Kailan pa ba yan babaunin sa limot ng madla? Nakakasawa na kasi!


"Che! Huwag kang epal!" singhal ni Trishie dun sa babae naming kaklase na sumingit kanina. Bakas sa pagmumukha nito ang gulat. Ikaw ba naman panlakihan ng mata ng baklang to, tingnan lang natin kung hindi ka masisindak!


Napabuntong hininga ako.


"Sorry Trishie, hindi ko talaga kayang harapin sila na nag-iisa. Natatakot ako na baka iiyak ako dun na parang tanga" hinawakan ni Trishie ang magkabila kong balikat.


"Girl! Nandito ako okay? Hindi ka mag-iisa" napatingin ako kay Trishie na bahid sa pagmumukha ang sincerity.


"Thank you friend," sabi ko. Niyakap ko si Trishie at agad ko namang naramdaman ang kamay nitong hinahagod ang buhok ko.


"Of course, you're welcome friend. Teka lang Fritz, tanong ko lang ha .. ilang linggo kang naghihirap sa paghahanap ng shampoo? Parang tatlong linggo atang hindi nakatikim ng shampoo ang buhok mo, parang alambre--- ouch!" ayun, binatukan ko nga.


"Joke lang yun noh! Toh naman, tara na nga! Baka ma late pa tayo dun" hinila na ako ng bruha palabas ng classroom. Saktong paglabas namin sa pinto ng silid ay nasalubong namin si Prince na naglalakad sa hallway.


"Prince!" tawag ni Trishie. Napatingin sa gawi namin si Prince at bumahid sa kanyang labi ang ngiti nang makita niya kami. Lumapit ito sa amin dala ang nakakasilaw niyang aura.


Gosh! Nakakasilaw ka koya!


"Oh? Malapit nang magsimula ah? Ba't nandito pa kayo?" tanong nito.


"E ikaw? ba't nandito ka pa? Malapit nang magsimula ah? Ay teka! Kasali ka ba sa klase namin mamaya?" tanong ni Trishie sa kanya.


"Grabe naman kayo, magkaklase kami ni Charlz" sagot nito.


"Talaga?" gulat kong sabi. Teka lang, hindi ako na inform. Magkaklase sila?!


"Oo Fritz, grabe ka naman Fritz hindi mo pa pala ako ganap na kilala?" ang deep ni Prince. Nasaniban ata ng pagiging makata.


"Sorry ha, hindi ko naman kasi alam na kailangan ko palang kilalanin lahat ng mga kaklase ni Charlz. Sorry talaga" pamimilosopo ko. Nakita kong tumawa si Prince na naging dahilan ng pagsingit ng chinito niyang mga mata.


Shyeet, nagkakasala ako. Two timer ka Fritz! Hindi ka pa tapos mag-emote kay Charlz, okay? Ples naman Fritz, konting respect naman sa mga ka repapips ni Maria Clara. Budburan mo naman ng konting spice ng pagiging dalagang Pilipina ang braincells mo! Hmp!


'Kung maka gamit ng salitang two timer, para namang nakarelasyon mo si Charlz. Assumera.' wika ng traydor kong utak. Ewan ko lang kung bakit traydor ang utak kong to. Hilig na ngang mamilosopo, traydor pa sa may-ari.


Hayaan niyo na po ako, on the process pa kasi ako sa pagmomove-on. Side effects lang kumbaga.


Hindi ko naman kasi kasalanang mafocus ang sarili ko kay Charlz. Hindi ko ata napansin si Prince dati. Bakit nga kaya? E gwapo naman si Prince.


Ahhh .. nabulag nga talaga ako sa sparks na nararamdaman ko kay Charlz. Dahil sa sobrang lakas ng sparks, ako lang ata ang nakuryente hindi kasali si Charlz. Kasi kahit kailan, hindi siya nakaramdam ng sparks towards me. Langyang sparks yan! Ugh!


"Huy!" naalis ang makasaysayan kong pagmomonologue nang marinig kong nagsalita si Prince.


"Ano?" sagot ko.

"Saan ka galing? Ang lalim ata ng iniisip mo," sabi niya.


"Wala, may sinabi ka ba kanina?" tanong ko. Napakamot ng ulo si Prince, ayaw atang mag replay.


"Ang sabi ko, grabe ka kung mamilosopo. Akala ko pa naman ako lang ang magaling dun"


"Ayy nako salamat, forte ko kasi yun e" sagot ko.


"Teka lang guys! Nakalimutan ko ata ang rule ko. Ako ba ang magsisilbing puno sa scene na'to?" singit ni Trishie na halatang kanina pa nasa state of awkwardness.


"Teka lang, ba't nandito pa kayo? Five minutes na lang at magsisimula na tayo dun" tanong ulit ni Prince.


"Eto kasing isang to, ayaw pumasok" wika ni Trishie. Nagsimula na kaming maglakad .. sa wakas. Hahaha!


"Bakit naman?" tanong ni Prince. Jusmiyo, isang poging tukso tong si Prince. Mas lalo atang gumwapo kapag suot yung eyeglass niya! Malandi talaga tong mata ko! Asar lang.


"Masakit kasi yung tsan ko," palusot ko. Sinabuyan ako ng tinging 'weeh?' ni Trishie.


"Huwag ka ngang liar. Ang totoo Prince, hindi makamove-on ang isang yan" hinampas ko ang balikat ng bakla. Walang pakikisama tong baklang to!


Napatingin ako sa mga katabi ko. Si Prince nasa kaliwa, si Trishie nasa kanan, tapos ako nasa gitna. Tapos sa aming tatlo, ako ang may cute na height. Great achievement ko talaga sa isang taon ang lumaki man lang kahit 1 inch o di kaya kahit 1 centimeter man lang!


"Oh? Yung mukha mo" piningot ni Prince yung ilong ko. Tama pa nga ba ako, inggit tong lalaking to sa ilong ko. Hahaha!


"Kayo kasi e!" sabi ko.


"Anong ginawa namin sayo?" masungit na tanong ni Trishie.


"Nakaka-insulto kasi ng height ninyo. Umalis nga kayo sa tabi ko" narinig kong tumawa silang dalawa. Wow, tuwang-tuwa pa talaga ang dalawang kapre. Chinitong kapre at baklang kapre!


"Ayaw mo nun? Dalawa kaming prince charming mo" kinindatan ako ni Prince. Maryosep, isang kindat pa Prince talagang kukurutin ko na yang mga mata mo.


"Eww, Prince? Seriously?" agad na oppose ni Trishie. By the way, alam na po ni Prince ang sekretong hindi makuhang itago ni Trishie. Alam na  niyang pusong girlalu si Trishie and I am glad kasi hindi ko naman nakitaan ng masamang pakikitungo si Prince towards Trishie.


Dahil kapag nakitaan ko siya ng masamang aura para kay bff kong si Trishie, ay talagang babasagin ko talaga yung .. yung ano niya! nang hindi na makapag-multiply yung genes niya! Mwahaha.


"Fritz, hindi ka makakapagmove-on kung hindi mo susubukan" naalis yung bad thoughts ko nang marinig ko ang seryosong boses ni Prince.


"Tama! Pak na pak!" singit ni Trishie.


Well, may point naman si Prince. But the thing is, mahirap. Mahirap magtake a step sa pagmomove-on. Saang part ba ako uuna? Sa pagdelete ng 1000+ pictures ni Charlz sa album ng cell phone ko? o pagdelete nung Facebook fanpage na ginawa ko para kay Charlz na sekreto pa akong admin dun? Hayy nako, ang hirap men!


Bumilog ang mga mata ko nang maramdaman kong inakbayan ako ni Prince. Para sa kanya cool lang yung ginawa niya pero sa akin, nagmistula na akong galing sa north pole dahil nanigas panandalian ang katawan ko. Wala man lang signal? Prince! How dare you! Psh!


"Fritz, nandito lang kami para tulungan ka .. pamilya mo, mga kaibigan mo, si Trishie, at siyempre .. ako" nginitian niya ako matapos niyang sabihin iyon. Tama nga talaga ang lumang libro, source of happiness ko rin ata ang lalaking to.


So .. does it mean .. willing si Prince maging rebound?


Lels! Imagination mo Fritz, lagpas na sa limit! Tsk! Teka lang ....


Speaking of lumang libro .. may update na kaya siya?




*********

A/N: Hello madlang readers! Nakaka-miss rin magsulat :'( .. kaya binawasan ko talaga yung oras ko para makapag-update man lang :) .. busy again sa school ang peg ko ngayon -____- .. but still, I will find a time to write an update para naman may maihandog ako sa inyo :) naks! Hahaha XD



Anyway, salamat sa inyong lahat na walang sawa paring nagbabasa sa kwentong ito kahit matumal ang update :) love yaaa guysuuu :3



SEE YOU GUYS AND GALS SA NEXT UPDATE! ;)




-Sugar_Cutiewink97
 Polar Light <3

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon