Kabanata 1 - Ang Mysteryosang Matanda

317 15 3
                                    

****| Unang Kabanata - Ang Mysteryosang Matanda |*****

NOTE: UNDER EDITING. BEAR WITH MY ERRORS.

"Ma alis na ako!" sigaw ko at kumuha ng isang tinapay sa mesa.

"Sige anak, ingat ka. Good luck!" sabi ni mama at hinalikan ako sa noo.

Lumabas na ako ng bahay hawak yung brown envelope na may lamang requirements, mag aapply kasi ako ng scholarship.

Pumunta na ako ng waiting shed at naghintay ng jeep. Napakunot naman ang aking noo nang mapansin kong walang jeep na dumaan. Nako naman! Baka di na ako aabot nito! First 100 lang kasi ang tatanggapin ng scholarship organization na iyon! Talagang interisado akong mapabilang sa scholarship na iyon kasi nga maraming benefits!

Dumaan nalang ang 10 minuto at bigla nalang lumiwanag ang mukha ko nang makita ko yung papalapit na jeepney. Nako salamat naman! Akala ko uugatin na ako dito sa waiting shed sa kakahintay ng jeepney!

Sumakay na ako at tiningnan uli yung wrist watch ko. 15 minutes nalang at magco-close na yung pagtanggap nila ng forms. Napabuntong hininga nalang akong kumapit dun sa hawakan ng jeep. Hindi, hahabol ako, think positive Princess Fritz Fernandez! Aabot ka! Wag kang nega okay?

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating narin ako sa lugar kung saan gaganapin yung pagsubmit ng scholarship forms ngunit nanlumo ako sa mga nakita ko.

Nagsilabasan na kasi yung mga estudyante at unti-unti nang nauubos ang mga tao sa loob. Hindi maaari ito.

Pumasok parin ako sa loob kahit pakiramdam ko ay bumibigat na yung hininga ko. Wag naman sana, pang limang beses ko na itong pag-aapply ng scholarship sasablay na naman?

Pumasok na ako dun sa isang office na may nakalagay na "Scholarship Applicants Proceed Inside" na karatula sa labas. Lumapit ako dun sa matandang babaeng busy sa kakapirma nung mga applicants form ata.

"Good morning ma'am, ma'am dito po ba magsasubmit ng form for scholarship?" tanong ko.

"Yes" napalitan naman ng lungkot yung nararamdaman ko nang marinig ko yung sumunod na sinabi niya.

"But bago palang nagclose yung submission ng scholarship forms, we reached 100 applicants na kasi at yun lang yung pwede naming tatanggapin" napaupo naman ako sa kaharap na upuan sa harap ng table niya.

"P-pero ma'am hindi na po ba pwedeng dagdagan niyo ng kahit isa? Gusto ko po talagang makapasok sa scholarship na ito" pamamakaawa ko sa matandang babae.

"Pasensya ka na miss pero talagang 100 applicants lang yung tatanggapin namin. I'm sorry" sabi niya at nagpatuloy sa pagpipirma dun sa mga applicant forms.

"Ahh ganun ho ba. Sige po ma'am, salamat po"

Wala akong ganang tumayo at lumabas ng office. Sunod-sunod na yung pagbubuntong hininga ko na kulang nalang ay lalanghapin ko na lahat ng pollution sa paligid. Panglima na ito, may pang-anim pa ba? Ilang rejection pa ba ang aabutin ko bago ako makakatanggap ng successful na scholarship?

Lumabas na ako ng gate at hinayaan ko nalang dalhin ako kahit saan ng aking mga paa.

Nakayuko ako habang naglalakad at napansin ko naman yung batang babae na nakasuot ng dilaw na damit. Hangkyoooott!!!

Nagsquat ako upang mapantayan ko yung batang babae.

"Hi! Ang cute mo naman. Anong name mo?" sabi ko dun sa bata at ngumiti. Ngumiti naman sakin yung bata. Lumaki naman ang mga mata ko nang makita ko yung ngipin niyang naka one sit apart. Kahit na! Cute parin naman siya! Hahaha

"Ako po si Tanya, ang ganda niyo rin po ate ganda" nagsitalsikan naman yung laway niya mula sa kanyang bibig. Buti nalang hindi dumapo sakin yung laway niya. Hindi naman ako nagalit kasi sinabihan niya ako ng maganda, dalawang beses niya pa akong pinuri. Pakiramdam ko naman ay humaba yung buhok ko sa papuri niyang makatotohanan.

Maniwala Ka Sa Horoscope ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon