Kabanata 1

15.5K 183 20
                                    

This Chapter is dedicated to Angelouvwxyz and ChaChaCM

Enjoy reading dearest 😘😘😘

************************************

SHE heaves a sigh.

Pang limang beses na niyang tumatakbo sa buong maghapon na ito at ngayon na nga siya tinatamaan ng pagod. Uminom siya ng tubig mula sa dalang tubigan na nakasukbit sa kaniyang bewang. Sumandal muna siya sa katawan ng isang malaking puno para makapagpahinga.

Mas maganda na, na mapagod siya sa katatakbo kesa naman sa pakikinig sa matinis na boses ng Auntie niya. Kapag nasa bahay siya ay palagi na lamang niyang naririnig ang boses nito. Malawak ang kaniyang mansion at maraming silid ngunit doon pa talaga nito napiling lumugar sa silid na halos katapat lang ng sa kaniya. Ganoon rin ang anak nito na pinsan niya. Nananadiya siguro talaga ang mga ito. Halos magtatatlong taon narin pala simula ng pumanaw ang Mommy niya at iwanan siya. At simula noon, ang Auntie Imelda na nga niya ang nagsilbing guardian niya.

Hindi niya alam kung bakit binigyan pa siya ng guardian ng Mommy niya gayong makakaya na naman niyang mabuhay ng mag-isa. She used to be an independent. Actually, she was an independent. Tinuruan siya nito na mamuhay ng hindi umaasa sa iba. She can live on her own. Of course, not without her Mom pero ngayong wala na ito alam niyang dapat ay kayanin niya.

To be honest, she hated to see her Auntie and cousin on her mansion. Pakiramdam kasi niya ay hindi parin siya tanggap ng mga ito hanggang ngayon. Sadly, she had no choice but to deal with them. Kahit hindi niya maintindihan kung bakit kasama iyon sa last will ng Mommy niya ay kailangan parin niyang makisama sa mga ito. Vente-dos na siya, kapag umedad na siya ng vente-tres ay hindi na nito ka-kailanganin pa na tumira sa mansion at maging guardian niya. Maaari narin niyang hawakan ang negosyo na naiwan ng Mommy niya para sa kaniya. At isa pa, maipagpapatuloy narin niya sa wakas ang naudlot na pagtapos ng kurso na gustong gusto niya. Noong pumanaw kasi ang kaniyang Mommy ay pinatigil rin siya ng Auntie niya sa pag-aaral dahil hindi raw siya nito kayang suportahan..

She hated that part of the story. She rolled her eyes wondering kung saan nito dinadala ang savings na iniwan sa kaniya ng ina at ang kinikita ng business nila. Sana lang ay hindi nito ginagasta lang sa kung saan-saan. Muli siyang uminom ng tubig. Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya.

Tumingala siya at pinagmasdan ang kalangitan.. Ugali na niyang pagmasdan ang asul na asul na kalangitan kapag nalulungkot siya. Para sa kaniya, it's a stress reliever.

Sinundan niya ng tingin ang batang babae na tumatakbo papunta sa direksiyon niya. Hindi nito napansin ang nakausling bato kaya naman nadapa ito. Tatayo na sana siya para tulungan ito ngunit kaagad ng nakalapit dito ang hula niya ay ama ng bata saka ito itinayo. Inalo nito ang batang babae dahil nag-umpisa na itong umiyak.

"Tahan na baby ko. Iki-kiss 'yan ni Daddy tapos gagaling na 'yan." hinalikan nito ang nasaktang tuhod ng bata at parang magic na tumahan naman bigla ito.

Wala sa isip na napangiti siya. Naalala niya ang kaniyang pagkabata. Ganoon na ganoon rin kasi sila ng Daddy niya noong kasing edad niya ang batang babae. He has been very protective of her. Alagang alaga siya nito at halos hindi na siya palabasin ng bahay dahil ayaw nito na nasusugatan siya.

Ibinaling niya sa ibang direksiyon ang mga mata ng maramdaman ang pangingilid ng kaniyang mga luha. That was one of the happiest moments she had with her Dad. Na dapat narin siguro niyang kalimutan dahil wala narin ito ngayon sa piling niya. Nauna na itong nawala sa buhay niya.

Kumurap-kurap siya. Kinapa niya ang cellphone mula sa bulsa ng maramdamang nag-ba-vibrate ito. It was Attorney Ricky Clego. A very good friend of her Mom. Naalala niya bigla na nakailang beses itong tumawag sa kaniya noong nakaraang linggo..hindi nga lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na sagutin ito. Nawala narin naman sa isip niya na tawagan ito pabalik.

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon