Kabanata 24

5.2K 118 12
                                    


AN: thank you  and sarey for the long wait 😊. As promised, I am dedicating this chapter to jeselyn15 and to user82351992. Enjoy reading dearest 😘😘😘...

P.S. Papasko ko na ito sa inyo hehehe 😘😜

================================

"MAY gagawin ka ba mamaya?"

Tiningnan niya muna ito bago sumagot. "Wala naman, bakit?" Inabot niya ang baso at uminom ng tinimpla niya kanina na orange juice.

"Let's have a dinner later," nag-angat siya ng mukha dito. "Dinner date with me tonight." seryoso nitong sabi na hindi tumitingin sa kaniya.

Dahil sa pagkabigla ay naibuga niya ang juice na nasa kaniyang bibig sa.... mukha nito..

Oh, jeez! Nanlaki ang mga mata niya. Hala ka Gab! Mediyo namula ang mukha ni Andrei. Galit ba ito? Siguro?

Kinuha nito ang table napkin at asar na pinunasan ang bahagi ng mukha nito na nabasa, habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Mukha itong kalmado ngunit kay sama ng tingin sa kaniya.

Hala..baka bawiin na nito ang date nilang dalawa.. "S-sorry na. N-nagulat kasi ako. Ikaw naman kasi..."

"You're always blaming me, misis."

Cause you're always suprising me, mister. And oh, this damn heart..  Hindi niya alam pero kahit mukha itong basang sisiw ay kay gwapo parin nito sa kaniyang paningin. Hayy...

Umiling siya. "Hindi naman." I just, didn't expect it..

Bakit ba kasi ang gwapo ng mister niya? Walang kapintasan. Meron pala, daig pa ang nagme-menopause sa kasungitan kung minsan. hayy....

"Know what? Staring for more than a minute is rude." sabi nito habang nakaturo sa kaniya ang hawak nitong tinidor.

"Excuse me? That's my line." pabiro niya itong inirapan.

"Well, it is mine now." uminom ito ng tubig mula sa hawak nitong baso. "Six thirty tonight."

"Anong six thirty?" Sumubo siya ng hotdog.

"Ubusin mo muna 'yang kinakain mo. Baka ibuga mo na naman sa akin 'yan." Inirapan siya nito.

Napatunganga siya dito. Oh ems.... Shocks!! Bakit ang sexy rin niyang umirap? Hayyy.....

Wala sa isip na napangiti siya. Nilunok na niya ang giniling niyang hotdog sa bibig bago pa siya mabulunan dahil sa kalandian niya. "Ano nga ulit yun?"

Inis itong sumulyap sa kaniya. "Yung date nga natin mamaya," napakamot ito sa batok. Ganoon ba kahirap magyaya ng date?? 

"Six thirty at the Pavillion. You have to be there on time. Ayoko ng pinaghihintay ako." sabi nito ng nakangiti at hindi tumitingin sa kaniya. Nagpunas ito sa bibig bago tumayo at naglakad pabalik sa silid nito. Naiwan naman siyang nakatulala doon at nakasunod lang ang tingin sa pinasukan nitong kwarto.

Totoo ba talaga ang narinig niya? Niyaya siya nito ng date? May date sila mamaya? Oh, naman? Hindi nga? Hahahaha kinikilig ako shet!!

Ano kaya ang sumapi sa lalaking iyon at niyaya siya ng date? Hindi naman niya birthday. Oh baka naman.... Birthday kaya nito?

Baka nga kaya mabait ito ay dahil nga birthday nito ngayon! Napangiti siya. Parang may bumbilya na nagliwag sa isip niya. Meron na siyang naisip na ireregalo dito.

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon