ABALA siya noon sa paghahanda ng mga cookies na kaniyang ibe-bake ng makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa kitchen door."Hi Gab.."
"Yes?" Hindi na siya nag-abala pa na lingunin ito.
"Nandito na ang bouquet na pina-deliver mo. They're beautiful. Shall I put those flowers on your vase?"
"No. Just leave it on my table.."
"Okay. Hmm.. What's with the sunflower?" lumipas ang ilang sandali bago ito muling nagsalita. "Ohh, wait, ngayon ba yung-" nilingon niya ito. "Ohh.. Sorry I forgot." alanganin itong ngumiti sa kaniya.
Sinigurado na muna niyang maayos ang mga cookies bago niya ito ilagay sa loob ng malaking oven para lutuin. Sinilip niya ang kabilang oven. Ilang minuto pa bago niya hanguin ang chiffon para sa strawberry cake na gagawin niya.
"Ahmmm.. Gab..."
Napahawak siya sa dibdib pakarinig sa boses nito. "My goodness Jane, you're giving me a heart ache! Akala ko kanina ka pa nakaalis."
"Ehhhrrrr.. Sorry naman." kakamot kamot ito.
"Ano ba kasi ang sasabihin mo?"
"Ahmm.. Wala naman.. Ah, Gab. Would you like me to come with you? Iyon ay kung gusto mo lang naman."
Tiningnan niya ito. Natutuwa siya dito dahil kahit papaano ay natatandaan nito ang mga importanteng araw sa buhay niya. Katulad ni Maggy ay kaibigan narin ang turing niya dito.
Tipid siyang ngumiti rito at umiling. "Thank you Jane but, I want to go there alone."
Malungkot itong ngumiti sa kaniya. "I know. You've been doing that for God knows how many years. Gab being alone is okay sometimes, pero sana hayaan mo na kahit isang tao lang ang dumamay sa iyo sa mga ganitong pangyayari sa buhay mo. Nakakabaliw kasi ang mag-isa minsan. You know.. Well.. Ahmm.. Just saying. I'll leave you here."
Tumango na lamang siya dito bilang tugon. Alam naman niyang may punto ito kaya lamang ay ayaw niyang makakaapekto pa siya sa ibang tao. Having someone beside you is okay, well she likes the idea, pero naisip niya na kapag sinabi niya sa iba ang problema niya ay hindi maiiwasan na maapektuhan ang mga ito. She doesn't want them to feel the loneliness that she's hidding inside. At ayaw niya nang kinakaawaan siya. Si Maggy lang ang tanging nakakaalam ng lahat ng nararamdaman niya dahil dito lang naman siya nagsasabi.
She heaves a sigh. Speaking of which, nabalitaan niya mula sa pinsan nitong si Dale na natuloy na ito sa Isla Mujeres kasama si Matt. Ang lalaki na naging dummy boyfriend nito.
Isla Mujeres...
Ngayon ay ang kaarawan ng Mommy niya...
Naalala niya noong mga panahon na na nabubuhay pa ito. They used to celebrate her Mom's birthday at the Island. Doon sa tree house na ginawa ng Daddy niya para sa kanilang dalawa ng Mommy niya. The good thing about that place is the mini sunflower field. Ang Daddy niya katulong ang ilan nitong mga tauhan sa farm ay nagtanim at pinuno ng sunflower na halaman ang paligid ng tree house. Sunflower kasi ang paborito nilang dalawa ng Mommy niya.
"Amethyste, do you know why I love this flower?" nakangiti nitong tanong sa kaniya habang hawak-hawak sa isa nitong kamay ang sunflower.
"Because it's beautiful?"
"Yeah, it's beautiful. Very beautiful.
Insects love sunflowers too.""Ahh, kaya pala palagi na lang may bees. It always faces the sun Mommy, why?"
"Come here Amethyste." lumapit siya at kumandong dito. "They're yellow just like the sunlight and they shine just like the sun. That's why people called them sunflower. They simply give hope to people and enlighten their hearts."
BINABASA MO ANG
Marrying the Stranger (Stranger Series 2)
Romansa(R-18) Note: This story contains scenes and explicit words that are not suitable for very young readers (18 below). Read at your own risk...😉 ====================== Could love be the only reason to do such thing?? Well, for Gab no. She was so vuln...