Kabanata 28

4.6K 96 17
                                    

BEACH front ang nasabing restaurant kaya naman madali niyang narating ang dalampasigan. Iyon kasi ang pinakamalapit sa pwesto niya kanina.

Naupo siya sa isa sa mga bakanteng upuan na nooy nakasilong sa ilalim ng isang malaking payong na gawa sa nipa. Nakatukod ang payong sa gitna ng may kaliitan na mesa. Magandang pumuwesto doon kapag gusto mo na mag-relax at pagmasdan ang magandang tubig ng dagat sa harapan. Katulad nga ng ginagawa niya ngayon. She lay down her back against the wooden chair then she closes her eyes and try to relax her mind.

Hindi niya maiwasan ang hindi maapektuhan sa ginawang eksena kanina ni Criselda. She heaves a sigh. Paano kapag nalaman ni Andrei ang lahat?

Does it matter? Galit parin naman ito sa kaniya..

Ilang minuto rin siguro ang lumipas ay muli niyang iminulat ang mga mata. Bumuntong hininga siya sa pangalawang pagkakataon. Ahg! It's not working! Hindi niya kayang balewalain ang nangyari kanina.

Nakasimangot na nilingon niya ang pinanggagalingan ng ingay na naririnig niya. It was from the other benches across hers. Hindi nga siya nagkamali. It was the dikya, Janna along with the other club members.

Tumingin siya sa asul na kalangitan. Ano bang mayroon sa araw na ito? Nag-usap ba ang mga ito na pasakitin ang ulo niya ngayon? Sobra naman ata. At dito pa talaga napili ng mga ito na pumuwesto malapit sa kaniya?! Aghh!!

Nakasuot si Janna ng itim na one piece swim suit at enjoy na enjoy ito na halos ibilad na nito ang katawan sa mga nakapaligid dito.

Don't get her wrong. She's not envy or anything. It's just that...nasa tabi kasi nito si Andrei habang siya ay nadoon at mag-isa na nakahiga habang patanaw-tanaw na lang sa mga ito. Salamat sa soot niyang sunglasses at hindi siya nito lantaran na nakikitang nakatingin dito.

Napaismid siya. Di hamak naman na mas sexy at hot siya kesa sa katabi nito! Mas malaki nga lang ang boobs nito ng kaunti lang naman kumpara sa kaniya pero walang-wala ang flat nitong pang-upo sa perfectly shaped niyang puwitan at sa well perfectly shaped niyang balakang. Naman!

"Hi maam, ito na po ang order niyo na buko juice."

Nilingon niya ang waitress na naglapag ng buko juice sa katabi niyang mesa. "Sorry miss, hindi ako um-order niyan."

"Ha? Kayo po ba si maam Amethyste?"

"Y-yeah. Who ordered this?" taka niyang tanong dito.

"Kayo po." kakamot-kamot ito sa batok.

She heaves a sigh. "Miss, masama na ang timpla ko. Please, huwag ka ng dumagdag." tinanggap niya na lamang iyon saka siya sumimsim. "But, thanks anyway." mukhang kailangan niya nga ang buko juice pampalamig ng ulo niya.

"It's summer, not a holy week." Naramdaman niyang may umupo sa katabi niyang bench. Hindi niya iyon nilingon dahil bad trip parin siya.

Awtomatiko na tumingin siya sa pwesto ng mga ito ng may marinig siyang tumitili na naman na mga babae.

Ang haharot!!!! Mga hindi naman magaganda!!! Pano ko nasabi? Kasi hindi sila ako kaya 'di sila kagandahan!!

"Imbes na nagmumukmok ka dito at ini-stress ang sarili mo sa nakikita mo. Why don't you go there ang get your husband?"

Nilingon na niya ito. "I'm not in the mood."

Nagkibit ito ng balikat. "Ohh, really? Wala ka pa rin ba sa mood kahit makita mo yun?" Ngumuso ito sa pwesto nila Andrei kaya naman tiningnan niya rin ang tinitingnan nito.

Pakiramdam niya ay parang mas sumakit ang ulo niya dahil sa nakita. Tumaas pa lalo ang nakataas na niyang kilay nang lumapit si Janna kay Andrei at iniabot dito ang botelya ng lotion.

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon