KAGAYA nga ng kaniyang inaasahan, marami ang dumalo sa naturang pagtitipon ng mga Clemente. Ang karamihan sa bisita ng mga ito ay pawang malalapit lamang na kaibigan. Ang iba naman ay mga kasosyo at mga empleyedo sa kumpanya. Marami rin siyang nakita na mga kakilala at lahat ng mga ito ay iisa ang itinatanong sa kaniya."Is he your boyfriend, Gab?"
"Why are you with Mr. Lamoilan?"
Seriously? Ganoon ka-big deal sa mga ito na makitang si Andrei ang kasama niya, o siya ang kasama ni Andrei na dumating sa party.
Well, hindi niya rin siguro masisisi kung pagkaguluhan ng mga ito si Andrei. Kilala si Andrei sa altasosyedad dahil sa husay nito sa paghawak at pagpapalago ng mga negosyo. Kaya nga ito naging isang bilyonaryo. A Bachelor Billionaire boy.
Bachelor? No way. Kung alam lang ng mga ito ang totoong estado nito.
"Oh, hi there hija. I'm glad to see you again." nakangiting bati sa kaniya ng ginang na nakasalubong niya.
Gumanti siya rito ng ngiti. "I'm glad to see you too, Mrs. Abrenica." natatandaan niya ito. Palagi itong dumadalo sa mga pagtitipon ng Clemente.
"That's great to hear." may sinulyapan ito sa likuran niya bago siya muling binalingan. "This is the first time I saw you with the billionaire boy, Andrei Lamoilan. Are you his friend? Can you introduce me to him?"
Hindi niya napigilang mapangiti sa sinabi nito. Ngiti pa lang kasi nito ay alam na niya ang ibig nitong sabihin. "This is also the very first time you smiled and approach me." totoo naman. Kahit kailan ay hindi siya nito kinausap man lang dahil hindi siya kasing yaman ng kaibigan. Madalas siya nitong pagtaasan ng kilay at simangutan sa tuwing nakakasalubong siya nito. But tonight is different, dahil may kasama siyang bilyonaryo.
Bahagyang namula ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Sa tingin niya ay napahiya ito sa sarili. "Oh well, I guess we just didn't have the chance to talk to each other." alanganin na itong ngumiti sa kaniya
"Yes, that's because you hate me a lot. But, anyway I'll still introduce you to Andrei." mula sa kung saan ay bigla na lamang sumulpot ang huli sa kaniyang tabi at awtomatiko na pumulupot ang isa nitong kamay sa kaniyang baywang saka siya hinapit palapit dito. Oh, clingy.
"I heard you call my name, misis?" nakangiti nitong sabi sa kaniya.
"M-misis? Did I hear it right?" hindi makapaniwalang sabi ng ginang sa kanilang harapan.
Binalingan nito ang kaharap. "Yes, you heard it right. I'm Andrei Lamoilan Maam, and this is my wife Amethyste Lamoilan."
Wala namang nakakatawa sa sinabi nito ngunit ewan ba niya at napangiti siya. Para kasing musika sa kaniyang pandinig ang mga sinabi nito. Ipinakilala lang naman siya nito sa ibang tao bilang asawa nito. Bilang isang Amethyste Lamoilan. Kay sarap pala sa pakiramdam...
"Please excuse us." nang makabawi sa pagkabigla ay hinila niya ito palayo sa ginang dahil sigurado siya na marami pa itong kasunod na mga tanong base sa nakikita niyang reaksiyon nito.
"Why do you look so surprise, misis?" natatawang sabi nito. Iniabot nito sa kaniya ang hawak na baso ng wine.
Sumimsim siya ng kaunting inumin mula sa hawak na baso bago nagsalita. "Did you just introduce me to her?"
"Yes."
"Why?"
"Why not?" balik nitong tanong sa kaniya.
"W-wala naman. I thought you don't like people to know that.... I'm your wife."
Kaagad nagusot ang gwapo nitong mukha. "Says who?" Ipinihit siya nito paharap dito. "Who gave you that idea, Amethyste? Didn't I announce to the world that I am married? Well, except your name."
BINABASA MO ANG
Marrying the Stranger (Stranger Series 2)
عاطفية(R-18) Note: This story contains scenes and explicit words that are not suitable for very young readers (18 below). Read at your own risk...😉 ====================== Could love be the only reason to do such thing?? Well, for Gab no. She was so vuln...