SHE was about to open the main door when she heard noises. Napapitlag siya ng biglang may nagsalita malapit sa may likuran niya.
"Where are you going?"
"Ay kabayo ka!" Napasapo siya sa kaniyang dibdib at nilingon ang nagsalita. Oh well, sino pa ba?
Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Madilim ang paligid at isa pa ang alam niya ay wala ito sa bahay. Siraulo talaga ito, teka kakauwi lang ba nito? "Bibigyan mo ba ako ng sakit sa puso?!"
She heard him chuckled.
Ahh, this one is fine for breakfast..
"Ang aga-aga eh nakasigaw ka na naman." Pumalakpak ito ng dalawang beses at kusa nang nagliwanag ang buong paligid.
Ngayong maliwanag na ang kanilang paligid ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na masilayan ito. Siyempre pa doon kaagad nag-landing ang kaniyang mga mata sa nakalatag nitong mga pandesal sa tiyan.....
Ohh......
My........
These are really good for breakfast.... Kape na lang kulang, saka po butter...
Darn. Oh, shut up Gab!
Humakbang ito palapit sa kaniya. "Gusto mo ba?"
Taka siyang tumingin dito. "H-ha? Gusto nang ano?" sabi niya habang nakatingin parin sa mga pandesal nito. Pandesal ba tinutukoy nito?
"Nang sakit sa puso? Ako kasi matagal mo na akong binigyan, eh." he winked at her.
Ha? Ano daw?
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Hindi kasi niya naintindihan. Paano ba naman, bumubulong ito mag-isa. Abno talaga.
Kumurap-kurap siya sa pagbabaka sakaling maalis dito ang kaniyang atensiyon ngunit nagkamali siya. Ang makasalanan niyang mga mata ay mas sumige pa na pagmasdan ito.
Gulo gulo ang buhok ni Andrei and Oh boy! Bumagay dito ang gulo-gulong buhok. Lalo tuloy itong gumuwapo sa paningin niya. Bakit ba kahit anong ayos nito ay ang gwapo parin? Ang unfair lang..
He chuckled again. "Are you done memorizing my face, misis?"
Napakurap siya ng ilang beses. Nakakahiya, nahuli siya nitong nakatitig dito. Kasi naman....
Inirapan niya ito para itago ang pagkahiya niya. "Baliw ka."
"Gwapo naman." Humakbang itong muli palapit pa lalo sa kanya habang nakapamulsa ang dalawa nitong kamay.
"Are you drunk?" Out of no where ay naitanong niya dito.
"No, I'm Andrei." nakangising sabi nito.
Hindi narin niya tuloy napigilang mapatawa. Nahawa na ito sa kapilosopohan niya. Lumapit siya dito at mahina itong pinitik sa noo. "Pilosopo ka ha."
Hinuli nito ang kamay niya habang hindi parin nito inaalis ang tingin sa kaniya. Para na naman siyang napaso sa hawak nito. Heto na naman ang kakaibang kuryente na bigla na lang nabuhay at dumadaloy sa mga ugat niya. Matanong nga minsan ang pinsan niya kung kalahi ba nila si Volta.
Heto na naman ang puso niya na kung makapagwala ay wagas. Wag sana nitong mahalata na kinakabahan siya sa presensiya nito.
Hindi pa nga siya nakakamove on sa paghawak nito sa kamay niya ng hilain naman siya nito at ikulong sa mga bisig nito. Lalo yatang nagrigudon ang puso niya. Mas doble kesa kanina!
Ohh my.... oxygen please!!! Ikamamatay 'ata niya ang presensiya ng lalaking 'to. She really needed to see a doctor. Mukhang 'di na ito normal..
BINABASA MO ANG
Marrying the Stranger (Stranger Series 2)
Roman d'amour(R-18) Note: This story contains scenes and explicit words that are not suitable for very young readers (18 below). Read at your own risk...😉 ====================== Could love be the only reason to do such thing?? Well, for Gab no. She was so vuln...