KASALUKUYAN siya noong nag-aayos ng mga cupcakes sa counter ng maulinigan niya ang pangalan na Andrei na binanggit ng host sa programa na pinapanood hindi lang ng mga crew niya kundi pati narin ng mga customers.Madalas kasi ay nakapatay ang telebisyon nila sa counter dahil mas gusto nilang bigyan ng privacy ang mga customers nila. Mayroon rin kasing mini library sa itaas na bahagi ng kaniyang cupcake house kaya naman dinarayo iyon hindi lamang ng mga estudiyante na gustong mag-review kundi pati narin ng iba na gustong magpatay ng oras sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro. Not to mention, updated ang library niya sa mga bagong labas na libro sa bansa. Magtayo narin kaya siya ng bookstore?
At ngayon nga ay puno ang cupcake house niya. Karamihan sa mga ito ay mga estudiyante, ngunit imbes na magbasa ng libro o makipagchismisan sa mga katabi ay sa telebisyon ang mga ito nakatingin.
Dala ng kuryosidad ay nakisilip narin siya sa telebisyon para kompirmahin kung tama nga ba ang hula niya. Awtimatikong umangat ang kilay niya na halos umabot na ata sa anit nang makita kung sino ang nasa TV.
Anong ginagawa ng damuho na ito sa TV?
Host: "You are one of the most sought after bachelors here in the Philippines and not to mention you are also a member of the billionaires club. Woahh... What can you say bout that?"
"Boss, hindi ba't si fafa Andrei iyan? Abay akalain mong sobrang yaman pala niya?" nakangiting sabi ni Jane habang hindi inaalis sa telebisyon ang mga mata.
"OMG Jane! You don't know? Have you heard the Lamoilan Corporation? Sila lang naman ang nagmamay-ari noon. At huwag kang mag-alala, mayroon rin silang mga hotels and restaurants, private resort and all that. No wonder isang billionaire si fafa Andrei ku."
Nilingon niya si Lia. Napatuwid naman ito ng tayo.
"I mean fafa Andrei ku nuun, boss." kakamot-kamot ito sa ulo. Tatawa-tawa lang sa tabihan nito si Jane.
Wala naman siyang sinasabi sa mga ito tungkol sa kanila ni Andrei dahil unang-una ay sikreto iyon.
Adrei: "Ganoon ba? Actually, I'm not aware about it. But, thanks to everyone." (tipid itong ngumiti)
Ba't parang ang bait bait mo sa host, lalaki ka?
"Sus, plastic." nang lingunin niya ang mga katabi ay kay sama ng tingin ng mga ito sa kaniya.
Napatuwid siya ng tayo. Tumikhim siya. "Ang plastic nung host." nginitian niya ang mga ito saka muling humarap sa telebisyon. What's with these pips?
Host: "Ang humble mo talaga Andrei." (May paghampas pa sa braso)
"They say, ikaw raw ang pinaka-suplado at snob sa mga club members? Is that true?"Andrei: "Oh, ganoon ba? Well, siguro."
"Antipatiko ka kamo." hindi niya napigilang magkomento. Deadma na lang niya ang mga masasamang tingin sa kaniya ng mga katabi.
Host: "What if one day, may bigla nalang mang-halik sa iyo? What would you do? Will you shout at her? Will you get mad? Or will you kiss her back?"
Andrei: "That depends, kung sino ang nang-halik sa akin." sinundan nito iyon ng ngiti.
"Ang landi mong lalaki ka." nanghahaba ang nguso niya habang nakatingin dito sa TV.
Sumiksik sa kaniya si Jane saka bumulong sa kaniyang tenga. "Gab, anong problema mo? Mga fans ata niya ang mga ito. Ang sama ng tingin nila sa iyo."
BINABASA MO ANG
Marrying the Stranger (Stranger Series 2)
Romance(R-18) Note: This story contains scenes and explicit words that are not suitable for very young readers (18 below). Read at your own risk...😉 ====================== Could love be the only reason to do such thing?? Well, for Gab no. She was so vuln...