Kabanata 27

4.3K 85 7
                                    


ABALA siya sa pag-iisip at hindi na niya napansin ang babae na pumasok sa loob ng restroom.

"Hindi nga ako nagkamali. It's really you Amethyste."

Parang gusto niyang pagsisihan ang ginawang paglingon sa nagsalita. Nagulat siya ng mapagsino ang tumawag sa pangalan niya at huli na para magpanggap na hindi niya ito nakita.

Still, she composed herself. "Hi, Criselda."

Mula sa pagkakangiti ay nagbago bigla ang ekspresiyon ng mukha nito. Para na itong isang tigre na handa siyang sakmalin ano mang oras. "Why are you here?"

Napatawa siya sa tinuran nito. "Seriously? Ikaw ang bagong dating, Criselda. Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa 'yo? Why are you here?"

Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan mula sa kaniyang likuran, senyales na may mga bagong pasok sa loob ng naturang restroom.

Biglang umamo ang kanina ay parang tigre na mukha nito. "I am here to tell you to stop. Please, stop bothering us. Stay away from my husband."

"I am not. You're the one who's bothering me now." sagot niya dito.

"Please, I am begging you Amethyste. Layuan mo na ang asawa ko." nagsimulang magbulungan ang dalawang bagong dating na ngayon ay nanonood na sa kanilang dalawa.

Naguluhan siya sa sinabi nito. "What are you talking about?"

"Alam ko na alam mo kung ano ang sinasabi ko Amethyste. Huwag mo na kaming guluhin ni Gaspar. Leave us alone, please." may diin na sabi nito. Halos maglumuhod narin ito sa harapan niya.

Literal na nagsalubong ang kaniyang kilay dahil sa sinabi nito. Kung hindi niya siguro ito kilala ay baka bumenta na sa kaniya ang pag-arte nito pero, malas lang nito dahil hindi siya naaawa dito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng munti nitong palabas ngayon ngunit, masama ang kutob niya. Kung meron mang isang tao na hindi niya dapat pagkatiwalaan iyon ay si Criselda. Isa ito sa mga tao na nanakit sa kaniya. At isa sa mga tao na hanggang ngayon ay kinamumuhian niya!

Sa tingin niya ay talagang sinasadiya nitong gumawa ng eksena dahil alam nito na may mga matang nanunuod sa kanila. Pwes, ibibigay niya dito ang palabas na inumpisahan nito.

Hinarap niya ito. "Alam mo, ang sarap sanang pakinggan ng pagmamakaawa mo kung sincere ka lang. But, enough with your drama Criselda. Hindi bagay sa iyo. Ang pangit mong umarte." inismiran niya ito at saka niya ito tinalikuran.

Mabilis itong nakakilos at nahawakan kaagad siya nito sa kaniyang braso. "Hindi pa tayo tapos mag-usap, Amethyste."

Napapiksi siya dahil kay higpit ng hawak nito sa kaniya at halos maramdaman na niya ang pagbaon ng mga kuko nito. This witch! "Well I'm done talking to you and I don't have time for your drama!" pumiksi siya ulit dito. "Let go of my arm." matigas niyang sabi dito.

"No. Not until you tell me, na hindi mo na kami guguluhin ng asawa ko." matigas rin na sabi nito.

Sinalubong niya ang nanlalaki nitong mga mata. "Seriously? Wala akong pakialam sa inyo ng asawa mo. You, leave me alone."

Nang-iinis itong ngumiti sa kaniya. "Oo nga naman. Tapos ka na nga pala sa asawa ko, dahil anak ko naman ngayon ang binibiktima mo."

Gulat siyang napatingin dito. Pakiramdam niya ay parang nangapal ang kaniyang ulo dahil sa tensiyon na naramdaman niya pagkarinig sa sinabi nito. Paano nito nalaman na-.

"What? Nagulat ka na alam ko? Akala mo hindi ko malalaman? Hindi ka pa nakuntento sa asawa ko. Ngayon naman pati ang anak ko ay binibiktima mo. You are such a leech!" kung nakamamatay siguro ang matatalim nitong tingin ay baka kanina pa siya bumulagta sa sahig.

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon