Kabanata 19

5.5K 111 10
                                    


NAKATAPOS na siyang maligo ay hindi parin humuhupa ang malakas na ulan sa labas na sinasabayan pa ng   pagkulog at pagkidlat. Base sa lakas ng hangin, sa tingin niya ay mayroong dumadaang bagyo sa lugar.

Dahil wala siyang dala na ekstrang damit ay naghalungkat siya sa loob ng maliit na aparador na nakita niya sa  banyo. May nakita siya doon na ilang pares ng mga damit at ilang long sleeves na karamihan ay puti. Pinili niyang isuot ang puting long sleeve. Sigurado siya na malamig na ngayon sa labas dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan. Alam rin niyang kay Andrei iyon dahil naamoy niya mula sa damit na suot ang gamit nitong pabango sa katawan.

She likes his scent. Hindi ganoon katapang ang pabango nito at kay swabe pa sa ilong. Nang makalabas na siya ng banyo ay sa kusina niya natagpuan si Andrei. May hawak itong kutsilyo at may hinihiwa ito na kung ano.

Napatunganga lamang ito pagkakita sa kaniya. Paanoy suot niya ang long sleeve nito na nagmistulang bestida. Umabot iyon hanggang sa halos kalahati lamang ng kaniyang hita kaya naman nalantad dito ang mapuputi niyang mga hita at binti.

Lihim siyang napangiti ng makitang sunod-sunod itong napalunok dahil sa tanawin na nasa harapan nito ngayon.  Wala siyang suot na kahit ano na panloob dahil nabasa rin ang mga iyon sa ulan. Kung alam lamang niya na doon sila pupunta at maliligo sa ulanan, e di sana nakapagdala siya ng mga gamit kahit papano.

"What are you doing?" pilit niyang pinakaswal ang boses para alisin ang kung ano mang pagkailang na kaniyang nararamdaman sa kanilang pagitan.

"H-ha? Ahm." tumikhim ito. "Nagluluto."

"I see, saan nanggaling ang mga iyan?" tiningnan niya ang mga kasangkapan na nagkalat sa ibabaw ng mesa.

"May mga stocks ng pagkain dito. Tuwing linggo ay pinapapunta ko dito ang caretaker nitong bahay para maglinis at palitan narin ang mga stocks. Madalas rin kasi akong tumitigil dito kapag tumatakas ako sa mga unggoy na members."

At ikaw naman ang leader ng mga unggoy. Lihim siyang napangiti sa naisip niya. "Ah, I see." mabuti na lamang at may paliwanag ito kung hindi ay iisipin na niya na sinadiya talaga nito na ma-stranded sila doon.

Sinilip niya ang labas ng bintana. Malakas parin ang buhos ng ulan at hampas ng hangin. Sa klase ng panahon sa labas, sa tingin niya ay mahihirapan silang makaalis doon.

Sinundan nito ang tinitingnan niya. "Hindi ko alam na maaapektuhan rin pala tayo ng dadaan na bagyo ngayon. Let's just stay here for a while or kahit hanggang sa tumila ang ulan." nang lingunin niya ito ay nahuli niya si Andrei na nakatingin sa kaniya. Kaagad itong nag-iwas ng tingin. "Saan mo nakuha 'yan?"

"Sa aparador sa banyo." naupo siya sa kaharap nitong upuan at saka niya inumpisahang kainin ang ubas na nasa mesa.

Tumango-tango ito. "I see, it looks good on you."

Sumubo muli siya ng ubas. "Thanks." pinilit niyang maging kaswal lamang ang sagot dito para hindi magmukha na gustong-gusto niya ang mga papuri nito.

"Let me help you." tumayo siya at lalapit sana dito ng pigilan siya nito.

"No! Just stay there!" natigilan siya sa paghakbang. "Diyan ka na lamang."

"Bakit?" hindi ito makatingin ng diretso sa kaniya. "May balak ka bang lagyan ng gayuma iyan?"

He smirked. "Kailangan pa ba iyon?"

Ah, damn it! Sobrang kinabog ang kaniyang dibdib sa hindi niya malaman na dahilan. Dahil ba sa sinabi nito? O, dahil sa ngiti nito? Oh, c'mmon. Para na siyang nabibingi sa lakas ng tibok ng puso niya. Ahh, shemas na puso ito.

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon