Kabanata 2

8K 174 11
                                    

Hi dear Angelouvwxyz. This one is still dedicated for you 😊

Enjoy reading this one 😉😘

********************************

"WHAT?!" hindi siya makapaniwala sa narinig mula dito.

"Lo siento hija." (I'm sorry)

"Ninong paano po nangyari 'yan? How did they do that?!" Pilit siya nitong pinapakalma ngunit sa narinig ay hindi na niya kayang huminahon pa.

"Ang Tita Imelda mo kasi ang nakalagay na legally guardian mo sa last will ng Mommy mo at kasama na roon ang pagkakaroon niya ng access sa lahat ng assets na naiwan sa 'yo. I'm sorry to say na matagal na pala niyang naipalugi ang negosyo ng Mommy mo at ibinenta narin niya."

Nanghihina na napasandal siya sa pader ng library nito. Paano nito nagawa iyon sa kaniya? Tiyahin niya ito, sariling kamag-anak at kadugo...

Kinagat niya ang ibabang labi. Siya rin naman ang kayang sumagot sa mga tanong niya.

Sabagay, kahit ni minsan naman ay hindi niya naramdamang kapamilya ang turing ng mga ito sa kaniya. Step sister lang kasi nito ang Mommy niya. Naging bunga ang Mommy niya sa namagitang relasyon ng Lola niya sa una nitong kasintahan. Ipinagkasundo lamang kasi ang Lola niya sa naging asawa nito. Kaya ganoon na lamang ang galit ng Auntie niya sa Mommy niya at ganoon narin siguro sa kaniya.

"Tell me, may natitira pa ba sa akin?"

"Ang mansion at ang isla ay hindi pa niya nagagalaw. Pero binabalaan na kita ngayon pa lang Gab. I heard from Attorney Sanchez na mayroong ibinigay sa kaniya na titulo ng mansion si Imelda. Pinapagawaan niya ng panibagong titulo ang mansion para mailipat sa pangalan niya. Napag-alaman ko rin na halos gabi gabi ay nasa casino si Imelda. Wala naman siyang ibang pagkukuhanan ng pera kundi ang mga naiwan ni Emerald sa iyo. Malaki na ang naipatalo ni Imelda kaya naman nagkaroon siya ng malaki at maraming utang sa mga kaibigan niya. Actually, lubog na sa pagkakautang ang Auntie Imelda mo kaya naman ganoon na lamang ang kagustuhan niya na maipagbili ang mansion para ipambayad."

Hinawakan niya ang sentido at minasa-masahe para pakalmahin ang kaniyang sarili. Naalala niya bigla ang naging pag-uusap nila ng Auntie niya kanina pagdating niya sa mansion.That witch...

Naipikit niya ang kaniyang mga mata. Nanghihina parin siya dahil sa mga nalaman niya. Ang inaasahan niya palang pera na magsasalba sa kaniya ay naubos na ng hindi man lamang niya namamalayan. "I should have known from the very start..." kinuha niya ang iniabot nitong baso saka siya sumimsim ng tubig.

"Ninong, nasa akin ang titulo ng mansion, kaya paanong naibigay niya iyon kay Attorney Sanchez?"

"Nakakasiguro ka ba hija na hindi iyon napunta sa mga kamay ni Imelda? Natatandaan mo ba kung saan mo itinago ang titulo?"

"Yes, it's on my roo-. Damn." naalala niya na naabutan niya si Aliah sa loob ng kaniyang silid kanina. Tinanong pa nga niya ito kung saan nito nakuha ang susi ng silid niya ngunit hindi naman nito sinagot ang tanong niya. Posible na matagal nang binubuksan ng mga ito ang silid niya at doon na nga nagkaroon ng pagkakataon na kuhanin ang titulo ng mansion. Sana lamang ay hindi nakita ng mga ito ang para sa isla.

Malungkot itong ngumiti. "Hija, pasensiya kana kung ngayon ko lamang ito nasabi sa iyo. I am not her Lawyer Gab. Nagkataon lang na kaibigan ko si Attorney Sanchez and I asked him to at least give me some updates sa kung anong kababalaghan na ginagawa ni Imelda so I could give you a heads up. But it's too late."

"Don't be sorry Ninong. Actually it's not your responsibility to look after me, pero tinutulungan mo parin ako. I really appreciate your help." malungkot siyang ngumiti rito. "I don't understand. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ipinagkatiwala ako ni Mommy sa kapatid niya. Hindi ba niya naisip na gagawin ito sa akin ni Auntie? Ganoon na ba kalaki ang galit niya sa amin? Sa akin?"

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon