Kabanata 16

6.1K 124 19
                                    


AN: my apologies dearest. Been very busy for the last 2 weeks! Here's the long update for u guys. The longest update so far. Enjoy reading 😜😚

***********************************

NAROON siya noon sa bahay ni Andrei at pinapakain si Angela, ang anak nitong aso, nang makatanggap siya ng tawag mula dito. Maaga itong umalis kanina at ngayon nga ay tinawagan siya nito at inutusan na pumunta siya sa conference room na nasa ikatatlong palapag ng Mujeres Hotel.

Ang Mujeres Hotel and Resort lamang ang makikita mong hotel na nakatayo sa may kalawakang isla. Maikukumpara mo ang ganda at lawak nito sa mga kilalang five star hotels sa ibang bansa. Higit sa lahat, Mexican ang istilo at pagkakayari ng nasabing hotel at sa lobby pa lamang ay malulula ka na sa sobrang ganda at elegante ng disenyo. Marami na siyang napuntahang mga tourist destination sa ibang bansa at tunay naman na bukod tangi ang ganda ng Isla Mujeres. Bukod sa natural na ganda ng isla ay siyempre pa, sa kaniya ang isla na iyon dati. Kaya hinding hindi niya ipagpapalit ang ganda noon sa kahit saang lugar sa mundo.

Sa totoo lang ay hindi siya makapaniwala na naitayo kaagad ang ganoong kaganda at kalawak na hotel sa loob lamang ng halos apat na taon. Well, nothing is impossible as monies are involve. That's what money and power can do.

Wala pang ibang nakakapasok sa isla maliban lamang sa mga miyembro at mga piling bisita ng mga ito. Bukod kasi sa may sarili nang unit ang mga members sa hotel, ay mayroon naring kaniya-kaniyang bahay na nakatayo ang mga ito sa isla.

Hindi niya itatanggi na masaya rin siya sa nakikitang maraming pagbabago sa isla. Bagamat marami nang establisyimento ang nakatayo, ay hindi naman naabuso at napabayaan ang natural na kagandahan ng isla. Isa sa mga bagay na hinangaan niya sa mga miyembro, lalong-lalo na sa bagong may-ari nito na si Andrei. It's still stunning, as ever.

Nagtataka man ay sumunod na lamang siya kay Andrei kaya naman naroon siya ngayon at nakatayo sa labas ng malaking pintuan ng conference room. Bago siya tuluyang pumasok sa loob ay nakita pa niya si Artlou na may kausap hindi kalayuan sa pwesto niya. Nakatalikod ito sa kaniya kaya sigurado siya na hindi siya nito nakita. Hindi na lamang siya nag-abala pang tawagin ito.

Nang makapasok siya sa loob ay kaagad hinanap ng kaniyang mga mata si Andrei. Natagpuan niya ito na nakaupo sa dulong bahagi ng mahabang mesa sa gitna at nasa tabihan nito si Janna.

Bakit kaya nandito rin si Janna?

Sa kabilang bahagi naman ng mesa nakapwesto ang ilan sa mga club members na nuoy abala sa pakikipag-usap o mas tamang sabihin na pakikipagkulitan sa isat-isa. Ang ilan sa mga ito ay nakaharap at nakausap na niya kaya naman gumanti rin siya ng ngiti nang batiin siya ng mga ito.

Nang lingunin niyang muli si Andrei ay nakasimangot na ito sa kaniya. Abnormal talaga. Sumenyas ito na maupo siya sa bakanteng upuan sa tabihan nito sa kanan. She heaves a sigh. Pasalamat kang lalaki ka at... naga-gwapuhan ako sa iyo.!

Nahaharangan ng mga members ang mas malapit sanang daan, kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang umikot papunta sa kabilang bahagi ng mesa. Bago siya makarating sa tabihan ni Andrei ay malalampasan muna niya ang kinauupuan ni Janna. Hindi nakaligtas sa kaniya ang pagtaas nito ng kilay at ang paghagod nito sa kaniya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi niya inalis dito ang tingin at sinigurado niya na magsasalubong ang kanilang mga mata sa oras na hagudin siya nito ng tingin pabalik sa kaniyang mukha.

There. She got her. Mababakas sa mukha nito ang pagkagulat ng walang takot niyang salubungin ang matatalim nitong tingin. She's been through a lot at hindi siya masisindak ng isang kagaya lang nito.

Abat mukhang may balak pa itong takirin siya dahil nakita niya nang pasimple nitong iniharang ang isang paa sa kaniyang daraanan. Nang nasa tapat na siya nito ay huminto siya sa paglalakad at tiningnan ito.

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon