Kabanata 3

7.6K 182 18
                                    

I'd like to dedicate this chapter to the same person Angelouvwxyz 😊

You will surely enjoy this chapter 😊😉😘

************************************

MUKHANG hindi ito nagulat sa sinabi niya. Nakita niya na bahagya lang umangat ang kilay nito. His usual reaction. "You want us to get married so you can fully transfer the ownership of that island. Is that it?"

"Yes. I know it sounds crazy pero iyon ang nakasulat sa last will. At gustuhin ko mang ibenta sa iyo ang isla ng walang kundisyon na hinihingi ay hindi naman maaari."

"Paano ako nakakasiguro na ililipat mo nga sa pangalan ko ang titulo ng isla?"

"Ano bang akala mo? Na trip ko lang magpakasal sa iyo? We both have a lawyer to legally put this agreement into writings. So, everything will be documented. You don't know me personally and so am I. After we get married you can have the title and the island. Me, I'll go on my own. We don't need to be together. Wala tayong pakialamanan."

Umangat ang gilid ng labi nito. Iniisip siguro nito na desperada na talaga siya. Well, totoo naman. Tumayo siya at pumunta sa may veranda. Pakiramdam niya kasi ay kinakapos siya ng hininga dahil sa mga titig nito. Bakit ba nakakaramdam siya ng pagkailang dito?

"What about the second one?" naramdaman niya ang presensiya nito sa kaniyang tabihan.

"Sa gitnang bahagi ng isla makalampas ng talon, mayroong  nakatayo na isang tree house. Ginawa iyon ng Daddy ko para sa amin ni Mommy. Kaya kung maaari sana, huwag mo na lamang galawin iyon. I want to preserve the house as well as the memories we had, please." sa tubig sa lawa siya nakatingin habang sinasabi iyon dito. Ayaw niya na may mabasa itong emosyon sa kaniyang mga mata. Ayaw niya na lumabas siyang mahina dito o sa kahit na sinong tao.

"I'll think about it," tumikhim ito. "You say twenty million and three conditions. Ang isla na pinag-uusapan natin dito ay may lawak na sa tingin ko ay limampong ektarya o higit pa ata. I don't think that will only cause twenty million, so please name the real price you want." sumandal ito sa railings ng veranda saka ibinulsa nito ang magkabilang kamay habang hindi parin inaalis ang tingin sa kaniya.

She started to like this man. Matalino talaga ito. "Yes, twenty million. Dollars. We're talking about dollars value here. That island is virgin and isolated. You can build monkey business in there."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "I don't do monkey business."

"Okay, I'm not saying you do." Parang ang sarap nitong asarin.

Ba't ba kinakabahan parin siya? Wala sa isip na kinapa niya ang case ng kanyang sigarilyo mula sa bulsa ng jacket na bitbit niya saka siya kumuha ng isang stick at inipit iyon sa mga labi niya. Hindi pa siya nakakabunot ng lighter ng mawala ang yosi sa bibig niya. Nakita niyang lumipad na iyon sa kung saan.

"What the heck?!" inis na nilingon niya ito.

"Ayoko sa babaeng naninigarilyo."

"At ayoko sa lalaking pakialamero." Ang sama ng tingin niya dito.

"You accepted my business proposal and I might agree on your conditions."

"Pakisama sa mga kondisyon ko na bawal mo akong pakialaman."

Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "Let me remind you Miss Gail Amethyste Beckam, it is you whom I'm doing a favor."

Masakit man sa ego niya pero tama naman ito. "Mister Andrei Lamoilan, pwede bang kumalma ka? Hindi ko nakakalimutan and let me also remind you that you will benefit from that favor. You asked me before to consider your proposal and here I am now. Both of us will benefit from that favor."

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon