Kabanata 12

6.3K 116 56
                                    


"I AM hungry." nakapamaywang niyang sabi dito.

Sa asar niya ay nanatili lang itong nakasubsob sa mga papel na nakakalat sa table nito. Seriously? Hanggang dito pala ay dala-dala nito ang trabaho. Walang patawad.

Sinimangutan niya ito. Nanggaling siya mula sa bitin na pagkakatulog kaya naman mainit ang ulo niya. Kundangan naman kasi ay naalimpungatan siya... Kilala niya ang sarili at sigurado siya na kung hindi pa siya nakaramdam ng gutom ay hindi siya mag-aatubili na bumangon. Nagising na lamang siya kanina na kumakalam ang sikmura dahil sa gutom. Mansanas lang kasi ang naisipan niyang kainin kaninang umaga bago siya nito sunduin.

"I said, I'm hungry." ang sama na ng tingin niya dito.

"Yeah, I heard you." mula sa pagkakayuko ay bahagyang umangat ang ulo nito at sinulyapan siya para siguro i-check kung nangingisay na siya sa gutom. Saka nito muling ibinalik sa mga kaharap na papel ang atensiyon. "Mayroon 'atang makakain sa ref. Can you check?"

Inutusan talaga ako? Dalawang kamay na niya ngayon ang nakapamaywang dito. Iniinis na naman siya ng lalaking ito. "Bahay mo ito, dapat ikaw ang unang nakakaalam na walang laman ang ref mo kundi mga wines at beer, ganoon narin ang mga kabinets mo na puro packed noodles. Seriously? Wala ka man lang matinong pagkain. Don't you know that it takes three days bago iyon ma-digest ng bituka mo?"

Inipon nito ang mga nagkalat na papel sa mesa at basta na lamang nito isinalansan sa isang tabi. "Oo na. Ang dami mong sinabi."

"Gutom na nga kasi ako." muli niyang reklamo dito. Isa na lang talaga at babatuhin na niya ito.

Akala niya ay hindi parin siya papansinin nito ngunit hindi pa nagtatagal ay tumayo na si Andrei mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa direksiyon niya. Nang nasa tapat na niya si Andrei ay bahagya itong yumukod sa kaniya. Akala niya ay hahalikan siya nito kaya naman mariin siyang napapikit.

Dumaan ang ilang sandali na wala namang nangyayari. Nang imulat niya ang isang mata ay nakangisi ito sa kaniya. Mahina siya nitong pinitik sa ilong. "Ang ligalig mo, halika na." masyado itong malapit sa kaniya kaya naman naamoy niya ang mabango nitong hininga. Wala sa isip na napalunok siya at napatingin sa mga labi nito na ilang dangkal na lamang ang layo sa kaniya...ah, jeez those red lips...

O tukso...layuan mo ako........ Kung pwede ay ngayon na sana, please?

Bahagya siyang nakahinga ng maluwag ng tumalikod na ito at naglakad palayo sa kaniya. Ayan, lumayo na ang tukso... Sinundan na lamang niya ng tingin ang malapad nitong likuran. Bigla itong huminto  sa paglalakad at nilingon siya. Hindi niya inaasahan na lilingon ito bigla sa kaniya kaya naman hindi siya nakakilos kaagad at nahuli siya nitong nakatingin dito.

She heard him chuckled. "I thought you're hungry? Let's go." umangat ang gilid ng labi nito. "Okay lang naman sa akin ang titigan mo ako maghapon. Kaya lamang ay hindi ka mabubusog, Misis. Pero ikaw, bahala ka." nagkibit balikat pa ito.

Inirapan niya ito at hindi niya pinansin ang pagmamayabang nito. Abala siya sa pagkausap sa sarili..

Kanin na lang pala ang kailangan ko..may ulam na kasi dito.... Ay kahit hindi na pala!!.. Hindi na kailangan ng kanin, papapakin na lang niya siguro ito..

Napamulagat siya sa tumatakbo sa isip niya. Huh? Shit! What?!!! Ngali-ngali niyang sabunutan ang sarili dahil sa pinag-sasasabi ng berdeng isip niya. No way! Ano bang nangyayari sa kaniya at kung ano-ano na ang pinag-sasasabi niya? Ito ba ang epekto ng bitin na pagtulog? O nang gutom na sikmura?? Sa tingin niya ay bitin lamang siya sa tulog kaya ganoon siya kung mag-isip. Tama iyon nga iyon.. Hindi bale, tutulog na lamang siya ng maaga mamaya..

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon